Chapter 24

3 0 0
                                    




Pagkagising ko ay nasa kwarto ko na ako di ko alam kung paano siguro binuhat na lang ako ng apat papunta dito di ko man lang namalayan sa pagod ko na din siguro kakaiyak mula umaga hanggang gabi.



Sobrang bigat pa rin ng loob ko, hindi ko alam kung gusto ko pa ba siyang dalawin o hindi na di rin niya naman ako naaalala, pero namimiss ko na siya napatingin tuloy ako sa singsing na binigay niya sa akin. That ring symbolizes how great our love is, matagal ko tong tinitigan at napaluha nanaman ako



"Handa na akong makasama  ka habang buhay pero mukhang malabo na"



Hinihiling ko na lang na sana panaginip na lang ang lahat ng nangyayari di pa kami ganon katagal pero ang sakit sa pakiramdam na di ka man lang kilala ng taong napaka importante sayo.



Napabangon ako nang pumasok si Zia sa kwarto at yakapin ako "Hi babe, alam ko di ko mapapawi ang sakit na nararamdaman mo ngayon pero manatili kang malakas kahit para sa sarili mo na lang" sabay tumingin sa mata ko nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagbabadya ng pagluha



"Di ako sanay na ganito ka, ewan ba pero sa tuwing nakikita kitang malungkot eh parang dinudurog ang puso ko, Aichi wag mo naman kaming kalimutan, mahal ka din naman namin, wag mo naman kaming saktan ng ganito" at tuluyan ng umiyak si Zia



"Iisa lang ako na anak at simula ng bata ako wala akong naging kasama pero nang makilala ko kayo, bigla akong nakaramdam ng saya kasi alam kong di na ako mag iisa, Aichi tinuring na kitang kapatid ko kaya sobrang nasasaktan ako para sayo, ikaw ang naging lakas namin kaya di namin alam kung kakayanin ba namin to, Aichi please wag mo naman pabayaan ang sarili mo, kahit ngayon lang kami naman pakinggan mo" tuloy tuloy ang pagluha ni Zia sa totoo lang sa aming lima siya ang hindi iyakin kaya alam ko at ramdam kong nasasaktan siya sa nakikita niya kaya niyakap ko na lang siya at pinunasan ang luha niya



"Sorry Zia, di ako naging aware sa nararamdaman niyo para sa akin, wag kang mag alala simula ngayon makikinig na ako, sorry, thank you and I love you babe" hinampas niya ako ng bahagya sa balikat ko at pinunasan ang luha niya



"Gaga ka! kailangan ko pa umiyak sa harapan mo para matauhan ka, nakakainis aasarin ako nung tatlo nito e" tumawa na lang ako nang bahagya sa sinabi niya hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako palabas, bumaba na kami at pumunta sa dining area, abala ang tatlo na nag aayos at hinahanda ang pagkain lumingon si Jaemi sa direksyon namin at ngumiti



"Ai let's eat we prepare all your favorites" halata nga na linuto nila lahat ng gusto ko walang salad na para sa diet nila eh, heavy breakfast to fried rice with corn, crab stick and carrots, bacon, sunny side up eggs, pancakes with strawberry syrup, pancit canton at nagtimpla pa sila ng hot choco ko



"I hope you like it babe I make sure it's all yummy!" pagsasabi ni Lauren sa akin kaya ngumiti ako sa kanya "Wag na nating patagalin kain na tayo gutom na ako eh! Hehe" ang lakas talaga ng boses nitong si Ria nasanay na sa pag vlo-vlog niya.



Umupo na kami at nag pray muna, akmang kukuha na kami ng pagkain ay napansin ni Ria si Zia na medyo namumugto ang mata kaya di napigalan ang sariling magsalita "Pakshet yan babe! Ay sorry nasa harap pala tayo ng pagkainan pero bakit namamaga mata mo? Umiyak ka? Di ka ba nadiligan?" At sinundan din yun ni Lauren



"Oh my Gosh Zia, why?! Did you and Von fight? What happen? Break na kayo?" Kaya inirapan sila ni Zia sa mga pinagsasasabi nila "Boba! Dami niyong napapansin kumain na nga lang tayo! at Lau di kami nag away at anong break?! di kami magbrebreak kaya mainggit ka!" di pa rin talaga mawawala bangayan at kantsawan ng tatlong to kaya umiling at napatawa na lang kami ni Jaemi



To be with StrangersWhere stories live. Discover now