Chapter 14

3 0 0
                                    




Maaga akong nagising dahil Friday na! Actually paputol putol ang tulog ko dahil sa excitement. Nag iimagine din kasi ako ng kung ano ang mangyayari sa date namin, ano isusuot ko, ano kayang bagay na hairstyle ko, mag heels ba ako o flats na lang waaah ang dami kong iniisip pero pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko hayyy first time ko makipag date!



Baka pumalpak lang ako hmm ano kaya kung...



Tsk baka asarin lang nila ako o kaya kung ano ano ang sabihin na tips pag tinanong ko sila. di pa din kasi nila alam na makikipagdate ako ngayon, nandito silang lahat sa bahay palibhasa di sila required laging pumasok may kanya kanyang business e kaya hawak nila oras nila.



Shemay! nahihirapan talaga ako mag decide kaya lumabas na ako ng kwarto ko para kausapin na sila sakto nasa baba silang lahat nanonood sila Zia at Lauren habang nagluluto si Jaemi at nag eedit ng vlogablove niya si Ria.



"Ahm... mga chikababes may gusto sana akong sabihin sa inyo" sabay sabay na napatingin silang apat sa akin "What is it babe tell us" pagtatanong ni Jaemi "a-ano kasi-" napakamot sa ulo si Zia sa sobrang tagal kong magsalita "Hoy Ms. De Guzman ilang taon na tayong magkakasama wag mong sabihin na nahihiya ka pa rin hanggang ngayon? Sabihin mo na may problema ba?" napailing na lang ako sa kanya.


"Nahihiya kasi ako pero kayo lang ang makakatulong sa akin e" di ako mapakali bakit ba ganito kinikilos ko? "Tell mo na we're ready to listen" ngumiti pa si Lauren sa akin para mas maging kumportable ako



"Makikipagdate ako!"




Biglang nabitawan ni Zia ang remote ng TV, Si Lauren naman ay exaggerated ang paglaki ng mata at bibig niya, habang si Ria ay di na nakatingin sa ine edit niyang video at si Jaemi ayun nabitawan ang sandok na hawak niya.



"Puta, makikipagdate ka? Prank to babe? may channel ka na din sa Youtube?" pagsasabi ni Ria sa akin "Huh where? when? who?" pagtatanong ni Jaemi sa akin "I know that we're all busy but-but we always talk pa rin naman especially when we are eating why we don't know it?" curious natanong naman ni Lauren "Malandi ka na din? Kailan pa? Wait lang naiiyak ako mga babes natuto na siya oh my Aichi babe proud ako sayo!galingan mo ha?" linapitan pa ako ni Zia para kamayan ako at kunwaring umiiyak.




"Okay sasagutin ko lahat ng tanong niyo" huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit "Ria, hindi to prank totoo yun, Lauren hindi ko na nasabi kasi may hangover kayo nun at tska biglaan, Zia wag OA at tska anong pinagsasabi mong galingan babe date lang, dinner date okay and Jaemi where? Di ko din alam basta dinner date yun when?last week niya ako tinanong and who? Uh...si Caldwell"
sabay sabay silang napasigaw.



"ANO?!"

"PUTA PAANO?"

"THAT FINE MAN?"

"DI BA NAKAINUMAN NATIN YUN?"

"OH WAIT THE BUSINESSMAN/CAR RACER BA?"



sunod sunod na tanong nila sa akin "Oo siya nga may dinner date kami mamaya kaya kailangan ko ng tulong niyo at please yung matino mga babes" halatang di pa nagproprocess sa utak nila ang mga pangyayari pero pinilit nila na intindihin ang lahat.



"Okay I think you should tell us how that happened and for sure that would be a long story and you need to get ready now so some other time na lang let's go!" biglang hila ni Jaemi sa akin papunta sa kwarto niya at sumunod naman yung tatlo.



Pinahiram niya akong ng dress niya it was a skin tone dress that perfectly hugged my body, she also ready the heels I'm gonna wear, as usual nag make up sa akin ay si Lauren she make it simple but elegant look, si Zia naman ang nag ayos ng buhok ko at si Ria naman ang sa mga gagamitin kong accessories para silang mga fairy Godmother sa akin sobrang mga supportive di ako nagkamali na magpatulong sa kanila.



"Mga babes thank you ha? sobrang laki ng tinulong niyo sa akin pero meron ba kayong tips para sa akin?" Jaemi looked at me and smile



"Just be natural pretty lady I know this is your first date pero wag kang kabahan, don't think too much baka sa kaba mo matapilok ka pa at kung ano ano ang iniisip mo focus on your date" sinundan naman to ni Ria



"Oo girl pakita mo na interesado ka din malaman kung sino siya para mas ma hook pa siya sayo para walang masasayang na oras keep entertaining him like how you entertain the guest pero mas special sa kanya"

Lauren added more



"Just be yourself babe don't make weird actions okay? you'll just make your date awkward, okay done na maiinlove siya sayo because I make you more prettier, wahhh I'm too excited babe!" pero hinampas lang siya ni Zia



"Lauren di ikaw ang makikipag date wag kang sumigaw, Basta babe Ai, pag gusto mo talaga siya halikan mo na agad bahala na siya sa mga susunod na eksena, bibigyan ka niya ng eksenang di mo-" I cut her off.



"Tama na Zia dinner date pupuntahan ko" dahilan para taasan ako ng kilay ni Zia "na pwedeng maging hanggang midnight snack pero di na food yun, you gonna eat each other like a zombie hahaha" punyetang Zia iba talaga mag isip pero nakatingin sa akin si Jaemi na may gusto pang itanong.



"Jae, bakit may gusto kang sabihin pa?" she smiled at me "Well I'm happy naman kasi makikipag date ka na pero parang ang bilis lang like you don't even entertain him when he was there I mean you don't even entertain them but I feel like you already know him he also bring you home right? nung Tuesday that's his car right?"



Huminga ako ng malalim sabagay mahaba pa naman ang oras at di ko na din  kaya magtago ng sikreto sa kanila kaya sasabihin ko na "Actually girls, I already met him two years ago..." at kinuwento ko na nga ang buong pangyayari mga hindi makapaniwala sa mga kinukwento ko pero nung sinabi ko na may nangyari sa amin oara silang mga naging estatwa sa mga pwesto nila.



"OH! MY! GOD! YOU!WHAT!?" exaggerated na pagsasabi Ni Lauren.




"I'm so shook, weh? Di nga? nakipagsex ka? buti natiis mong walang dilig ng dalawang taon pero infairness ha ang taray naman babe sa car talaga kayo nag init dapat sinundan niyo nung nasa kwarto niya na kayo morning sex is also great argh namiss ko tuloy! pero Aichi magaling?daks ba?" napasapo na lang si Jaemi at Ria sa sinabi ni Zia kaya nagsalita na lang tong si Ria.



"Hoy Zia bibig mo malayo na ang nararating! osha tama na to nakakagulat mga revelation mo Ai, pero mag focus ka na lang sa date mo okay? Ang hirap iprocess sa utak girl! basta sa susunod mag safe sex kayo para sure lang iba ang nagagawa ng alak sayo babe"




"Okay let's move on na, Ai next time don't hide secrets to us okay? Nagulat tuloy kaming lahat but I'm happy that your happy kita ko yun sa mga kumukinang mong mata" sabay hawak sa mukha ko at biglang sumingit tong si Zia



"Tama lang na nagtrabaho si Aichi sa Dazzle Hotel kasi nagdadazzle ang kanyang mata ayieee keleg keleg hahahaha Goodluck girl!"sabay bulong ni Zia sa akin "wag ka na muna ulit umuwi sulitin mo! magpadilig ka na din sagadin mo na haha" kaya nabatukan ko siya sa sinabi niya pero tawa pa rin ng tawa habang paalis siya.



Di ko namalayan na may text na pala siya kanina pa.


"Hi are you ready for tonight?"

"Susunduin Kita mamaya"

"Papunta na ako"



HUMAYGAHD! di ko na siya nareplayan sa text niya bumalik tuloy ang kaba ko at ang pag iisip ko ng kung ano ano palakad lakad tuloy ako sa kwarto ni Jaemi di mapakali, pero mas bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang busina ng kotse niya kaya akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla binuksan ng apat to at sabay sabay na nagsalita,





"He's already here! Are you ready with your first date?"

To be with StrangersWhere stories live. Discover now