Madaling araw na nung matapos kaming mag inuman, umuwi na din ang iba pang mga bisita, nag alangan pa ako kasi alam kong lasing ang karamihan sa kanila pero sabi naman nila ay kaya nilang magdrive kaya wala na din akong nagawa.
Super wasted na din ang mga chikababes ko dahil mga wala ng malay, pag umiinom talaga tong mga to ay sagad kung sagad din. Habang nagpapahinga naman ang mga kaibigan niya sa may sofa sa gilid yung iba ay tulog na din ata. Pinili ko na lang mag ligpit para mabawasan ang mga kalat sa bahay akala mo nagpa party sa sobrang dami ng kalat.
Habang nag aayos ako ay di ko namalayan na tumutulong pala siyang mag ligpit, Di din naman kasi siya uminom ng sobra katulad ko kaya matino pa siya.
"So this is where you live? by the way long time no see beautiful" nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita tinignan ko muna ang mga lasing naming mga kaibigan kung may mga Malay na ba pero mukhang bukas pa sila matatauhan "ahm-oo kasama ko sila nakatira dito,same" Ewan ko kung naintindihan niya ang mga sinabi ko sinagot ko lang naman yung sinabi niya sa akin.
"Hmm can we...can we talk?" napatitig na lang ako sa kanya pero bigla ko din inalis dahil mas magiging awkward to pag tumagal pa "uhm... Oo naman wait mag ayos lang muna ako dito dun na lang tayo sa pool area mag usap baka magulo pa natin sila e" He smiled at me first before he go to the pool area, binilisan ko na lang din ang pagliligpit dahil ayoko din naman siyang paghintayin di rin naman na din ako makakaiwas pa.
"Hi sorry napatagal" He smiled "Okay lang, I really never expect that I will see you again, iba din talaga ang mundo full of surprises" tumungo at ngumiti ako sa sinabi niya "I agree that's two years ago akalain mo yun? may mga bagay talagang di natin inaasahan na mangyayari, pero maiba tayo kamusta ka?"
He stared at me with a smile on his face "You know what? it's been two years but you can still make me look at you unconsciously you are really beautiful...oh sorry hah! well I'm good, you?" sandali bakit bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya?
Ai, kumalma ka pero siya din naman ay gwapo pa din pero mas naging matured at manly na nga lang ang mga kilos niya ngumiti ako at tumingin sa malayo at sinagot din siya agad para di niya mapansin na I'm also checking up on him...again.
"Ito ayos lang din naman butler pa rin" bigla siyang napatingin siya sa akin "Di ka pala umalis sa trabaho mo even something happen to you that day?" umiling ako,
"Gusto ko talaga tong trabaho ko eh at tska di naman na naulit yun at tsaka di pwedeng susuko agad agad, ako ang inaasahan ng pamilya ko at di rin ganun kadali maghanap ng trabahong magiging kontento at masaya ka"
Napatungo siya sa sinabi ko at tumingin sa may pool "Well...you have a point mas maganda talaga pag gusto mo yung ginagawa mo, I hope I can be like that too" napakunot ang noo ko "Bakit naman? hanggang ngayon ba di mo pa rin nagagawa yung gusto mo?"Umayos siya ng upo at tumingin sa akin.
"Perks of being me I guess" he cleared his throat before talking again "I think we should stop this kind of topic, enough with us I want to ask you something,napaisip kasi ako dun sa sagot mo kanina sa tanong ni Cion, dalawang taon din tayong di nagkita at wala din akong naging balita sayo, your answer earlier sounded liked you already experience or felt it so.... who's the lucky guy?"
Biglang nanigas ang buong katawan ko at nanlaki ang mga mata sa tanong niya, ano ang isasagot ko?! I mean di ba halata na siya yun? Siya lang naman nakasama ko ng buong gabi at may naramdaman na ako agad para sa kanya, sabagay ano nga naman ang alam niya? eh di naman namin napagusapan yun noon pero ano ba yan napakamanhid!
YOU ARE READING
To be with Strangers
RomanceA hard-working Butler who spend her night with a stranger to share their problems to each other.Will they be in good terms or they stay to be just a stranger? Welcome to my first ever story! I hope you enjoy reading it! My story isn't perfect and yo...