Chapter 26

1 0 0
                                    




Binilisan ko na lang kanina ang pag aayos ko sa gamit niya at umalis kaagad, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang narinig ko kanina, shet siya kaya yung ex ni Caldwell? Alam kong Mia ang pangalan niya pero malay ko ba na yung Mia na yun yung Mia na ex Ni Caldwell argh! Ang gulo gulo na ng isip ko dumagdag pa to!



Para makasigurado ako ay nag stalk ako sa mga social media ni Caldwell pero wala naman akong nakita kaya sinubukan kong i-visit ang social media ng mga kaibigan niya hanggang sa may nakita akong picture nilang lima sa isang club kasama si Mia sa IG post ni Cion. Siya nga! alam kong matagal na yun pero nagseselos pa rin ako dahil nakayakap si Mia sa bewang ni Caldwell, bakit kasi nandito siya? Bakit bumalik pa siya? Ang galing din ngayon pa, ngayon pa na nagka amnesia si Caldwell naaalala kaya Niya siya? sana nakalimutan na din siya.



Halos mawalan ako ng ganang magtrabaho dahil sa mga nalalaman ko nag stalk ka pa kasi Aichi ayan tuloy! Huminga na lang ako ng malalim at bumalik sa trabaho ko saktong nakasalubong ko si Ms. Jessie



"Hello Ms. De Guzman I'm glad to see you again, are you now okay?" I nodded and smiled at her "Uhm ye-yes Ms. Jessie I'm okay, thank you po sa pagpayag na mag leave ako kahit biglaan lang po" she tapped my shoulder and smiled at me "Of course, mahirap mag trabaho kung may iniisip ka o may nangyaring di maganda kailangan mo din magpahinga paminsan minsan at maganda naman ang performance mo kaya pumayag na din ako sana di magbago,anyways you should also thank Vien siya yung pumalit sayo" tumango na lang ako at aalis na sana nang may pahabol na sinabi si Ms. Jessie.



"I picked you to assist Ms. Mia Kim because I know you can do it, habaan mo na lang pasensya mo at brat talaga yun pero shh wag ka na lang maingay" she winked at me before she leaves, huminga na lang ako ulit ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad saktong kalalabas lang ng elevator ni Mia mukhang may pupuntahan ang bratinela but I still smile and approached her.



"Hello Ms. Kim is there anything I can do for you?" You can see on her face how annoyed she is because of my presence so I smiled at her more widely, aasarin kita akala mo tse!



"Go away, you're blocking my way and wait me to call you okay? cause now I don't need you" umalis ako sa harapan niya at tuloy tuloy siyang naglakad pero huminto ng malapit na siya sa pinto at nilingon ako.



"You better not go to my room while I'm not here, baka may kunin ka dun or should I say you would steal my expensive things and give it to the other employees here madali pa naman kayong masilaw na mahihirap" at tuluyan ng umalis.



Di ko alam ang nararamdaman ko ng mga oras na yun gusto kong umiyak at sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko, grabe ang ugali niya! hindi tama na minamaliit niya lang kami porket di kami kasing yaman nila nasobrahan sa yabang at bilib sa sarili! sa kanya na ang mga gamit niya lunukin niya kung gusto niya bwisit na ugali yan!



Napansin ng ibang empleyado ang pagbago sa itsura ko kaya nilapitan nila ako "Ai doon ka muna sa waiting area magpahinga sabagay wala tayong guest masyado at wala din yung hayop na babaeng yun ang lala ng ugali" nakarating din Naman kaagad yun kay Ms. Jessie kaya chineck niya ako



"Aichi are you okay? Pagpasensyahan mo na ganun talaga ugali niyan basta habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya dalawang araw na lang din naman at mag che-check out na din siya at dahil pupunta na din siya sa mismong bahay nila tiis lang Ms. De Guzman" tumango na lang ako sa manager namin at kinalma ko na ang aking sarili.



Sakto ay malapit na ang breaktime ko pero inabala ko din ang sarili ko para di ko na masyadong isipin ang nangyayari, ang dami ko na ngang iniisip dumadag pa siya di na lang sana siya bumalik dito sa Pilipinas, niyaya na ako ng ibang empleyado na kumain kaya lumabas  na kami para bumili. Binilisan ko na lang pumili ng makakain yung mabilis lang kainin dahil mas gusto kong magpahinga.



Nang makabili na kaming lahat ay bumalik na kami sa hotel ay sa headquarters na lang namin kinain to hindi ko pa rin makalimutan ang mga pinagsasabi niya sa akin kaya kahit konti pa lang ang nakakain ko ay tinago ko na lang ang pagkain ko at pinili na lang magpahinga dahil maya maya ay nandyan nanaman ang babaitang mangbwibwisit ng araw ko, ang sarap gantihan pero masyadong importante ang trabaho ko para sa akin kaya di ako gagawa ng bagay na pagsisisihan ko lang din sa huli.



Nang bumalik na ako sa trabaho ay pumunta ako sa lobby at hinihintay siyang makabalik, actually di ko pa alam ang oras ng balik niya kaya nag assist muna ako ng iba pa naming guest lalo na kung may mga tanong sila about sa hotel kaya pinupunta ko sila sa information desk kung saan makakausap nila ang Concierge at Guest Relation Officers.



Hanggang marinig namin ang matunog na takong niya papasok sa lobby kaya napatingin kaming lahat, nakita niya din ako kaya tumaas ang kilay niya sa akin kaya lumapit ako kaagad sa kanya.



"Hello Ms. Kim I'm glad you-" As I expected she cut me again



"What are you doing?! Why you assists some of the guest here. You should be at my side the whole time! Your my butler so you should only work for me! Remember my parents are the one who give you salary so be my slave!" Ms. Jessie heard what Mia said so she came between us.




"Excuse me Ms. Mia Kim, I'm so sorry but the butler that is assigned to you is not your slave, where do you get that bad attitude? Neither of your Parents is not like what your acting right now I never thought you have a really bad manner, please give some respect to our employees" di ko inaaasahan na mapagsasabihan siya ni Ms. Jessie ng ganun natakot pa ako at baka magwala si Mia sa sinabi ng manager namin but she just rolled her eyes to our manager




"Whatever Tita Jessie" akmang aalis na sana si Mia pero hinawakan siya sa may palapulsuhan ni Ms. Jessie "Don't act like a spoiled child brat Mia act on your age" binitawan siya ni Ms. Jessie at umalis na siya.



Nginitian ako ni Ms.Jessie at hinawakan sa kamay "Can we talk on my office Ms.De Guzman?" tumango ako at sinundan siya, nang makarating kami ay agad niya akong pinaupo at kinausap.



"I'm so sorry about my niece Mia she's been acting like that since she was a kid solong anak kasi kaya nabigay ang lahat sa kanya" so kaya pala tita ang tawag ni Mia kay Ms. Jessie



"Nagulat at curious ka siguro kung bakit tita ang tawag niya sa akin, kapatid ko kasi ang Mama niya bale step sister but she never treated me bad she's very a nice woman not like her daughter, Ate Jaz, Mia's mom offered me this job and the reason why I worked here for a long time because she trusted me so much so I always do everything so i won't disappoint her. I don't know why Mia became like that wala man lang namanang maganda ugali sa magulang niya" tumango at ngumiti na lang ako kay Ms. Jessie



"Hayaan niyo na po Ma'am kahit masakit at walang modo yun mag titiis na lang ako wala na pong gamot sa ganung ugali kaya ako na lang po ang mag aadjust na matino pa ang utak" Shit! hala ka Aichi tita niya yun! anong pinagsasasabi mo? pero nawala ang kaba ko sa sinabi ko nung tumawa si Ms. Jessie



"That's the spirit Aichi hahaha I agree but don't worry I'll tell to her Parents how she act on you and to the other employees sila lang kasi ang pinapakinggan ni Mia, anyways you can back to work Ms. De Guzman, thank you for understanding Mia" ngumiti ako at aalis na pero tinawag ulit ako Ni Ms. Jessie kaya napalingon ako ulit sa kanya


"Don't tell anyone that Mia and I were relatives okay? And..." hinihintay ko ang sasabihin niya





"Better guard your boyfriend to Mia or should I say your fiancé, she'll do everything to win him back" and then she winked at me...

To be with StrangersWhere stories live. Discover now