EPILOGUE

7 0 0
                                    

"Namimiss ko na talaga siya, ang tagal ko ng di siya nakikita pero Tangina! bakit ba sobrang kabang kaba ako?" kanina pa ako palakad lakad sa kwarto ko sa isang hotel at sinusundan lang ako ng tingin ng mga kaibigan ko kaya panigurado hilong hilo na sila.



"Can you stop walking back and forth bro? Nahihilo na kami, you should focus and relax bukas na ang kasal mo, read your vow again so no mistake will happen" at mas bumilis lang ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Seth sa akin pero napatigil ako ng may tumapik sa balikat ko



"That's guilt bro, inagaw mo kasi yung dapat sa akin" tinignan ko ng masama si Cion dahil sa sinabi niya, di pa rin maka move on?! Bwisit! kaya inambahan ko siya ng suntok pero di nagpatinag at nginisian lang ako "Tigilan mo na mangarap di mapapasayo si Aichi kahit sa next life mo pa" at nginisan din siya kaya umiling na lang to



"Cion bro! Hanap ka na lang ng iba yung papayag na sumama sayo sa langit, masyadong inlove yang gago na yan kay Aichi pati bachelors party na plinano ko tinaggihan niya. Puta KJ!" pagrereklamo naman ni Von, una sa lahat ayaw ko ng ganun, lalo na kung si Von ang magplaplano iba utak nito e at for sure siya lang mag eenjoy dun. At tsaka baka dahil doon di pa matuloy kasal ko wag na uy!



"Hello? Yeah... this is Doctor Giel, sorry to disturb you pero alam mo ba na nagplano si Von ng bachelors party? I think he's trying to flirt with other girls, he's cheating on you Zia" biglang napatakbo si Von at kinuha ang phone ni Giel at nang malaman niyang di naman totoo ay nagkagulo na sila doon, Shit! They're just making me more stressed! Why am I even friends with them? I inhaled a large amount of air before exhaling it to relax myself



"You should go to your respective room now, kinuhaan ko pa kayo ng tig iisa pero dito din naman kayo dumeretso sa kwarto ko may gagawin pa ako kaya alis na mga tukmol" nagrereklamo pa sila at mabagal pa ang kilos kaya pinagsisipa ko sila, kaso tumigil pa si Cion sa harap ng kwarto ko at umaktong nag-iisip "Puntahan ko kaya si Aichi ngayon, yakapin ko baka sakaling mapigilan ko pa to" napatawa ako ng sarkastiko at lalapitan na sana siya pero tinapik niya bigla ang balikat ko



"Easy bro, I'm not that stupid, di ako hahadlang sa inyo I know how much you love Aichi and I can see how Aichi will be happy being with you, mas gugustuhin kong makita siyang masaya at ikaw na kontento sa piling niya, no one can beat the love you have to her, kahit pagmamahal ko pa walang laban" bakas sa mata niya ang lungkot pero ngumiti na lang to



"Continue to make her happy then I'll be okay, Congrats to the both of you! Seryoso yan ha? masaya ako para sayo no hard feelings bro" tumawa pa to pero naglakad na din paalis.



Bumalik ako Sa desk kung saan nakalagay ang isang papel, dun nakasulat ang vow ko, napaisip tuloy ako kung anong ginagawa niya, gusto ko siyang puntahan pero di daw pwede dahil di daw matutuloy, ang daming kasabihan! di naman maexplain kung bakit! So I tried to do a videocall but I was shocked when she's not the one who appeared on the screen



"Hi kuya! Sorry kung ako ang sumagot ha? confiscated kasi phone ni Ate alam ko kasi marupok yun by the way, nasa shower po si Ate katatapos lang po kasi nila magswimming ng mga friends niya" napakamot pa sa ulo niya at halatang nahihiya pa sa akin ang nakababatang kapatid ni Aichi "Oh hello Aishi, sorry for the sudden call, sabihin mo na lang na tumawag ako" tumango at ngumiti naman ito sa akin



"Miss mo na ba kuya? Hahaha don't worry kasi simula bukas at sa mga sususnod pang mga araw, buwan at taon siya na makakasama mo, kaya alagaan mo siya kuya ha? Super love ko yan si Ate kami nila Mama at Papa at kahit bukas pa gusto kong sabihing... Welcome sa pamilya namin!" napangiti na lang ako sa sinabi ni Aishi at nag thank you pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses ng babaeng papakasalan ko



To be with StrangersWhere stories live. Discover now