"Ano?! Ikakasal ka na?!"Halos mabinggi ako sa sigaw ni Mama sa akin nang tumawag ako sa kanya, di siya makapaniwala sa balita ko at inulit pa ito kaso mahina na ang pagkakasabi niya, sila ang una kong sinabihan dahil importante na malaman nila kaagad ito, narinig ko din ang tili ni Aishi sa cellphone at inagaw ang cellphone kay Mama
"Ateee! Congrats! Hala naiiyak naman na ako pero tears of joy to kaya donchuwori! Ako bridesmaid mo ha? Please? Love you ate, see you! Magkaka-pamangkin na ako!" narinig ko ulit ang sigaw ni Aishi ng hampasin siya ni Papa sa braso kaya natawa na lang ako pero bigla din nawala ng magsalita na si Papa sa phone
"Magpapakasal na ang una kong prinsesa, sana mas mahigitan niya pa ang pagmamahal ko para sayo anak" bigla na lang tumulo ang mga luha ko dahil bakas sa boses ni Papa ang pagpigil din ng luha niya
"Siguro ay sobrang saya mo ngayon no? Kahit hirap akong bitawan ka dahil ikaw ang pinaka unang magandang biyaya na dumating sa amin ng Mama mo kailangan anak, siya ang magiging kakampi o kasama mo sa lahat ng bagay maliit man o malaki yun basta wala pa ring magbabago, nandito pa rin kami ni Mama mo para sayo buo pa rin ang suporta sa lahat ng desisyon mo hanggang ngayon"
Hindi ko na napigilan na humagulgol dahil alam kong malaking pagbabago ang mangyayari pag kinasal na ako halos sumakit ang dibdib ko dahil feeling ko ay iiwan ko sila, kinuha ni Mama ang cellphone at sinubukang kausapin ako kahit umiiyak na din ito
"Wag mo na kaming isipin masyado Aichi, sobra sobra na ang ginawa mo para sa amin isipin mo na ang sarili mo, okay lang kami ng Papa mo, nandito pa naman si Aishi, hanggat' masaya ka anak, masaya din kami" di ko alam pero ang hirap pigilin ng luha ko at tuloy tuloy pa rin ang pagpatak, di ko namalayang pinagtitinginan na pala ako ng mga guest namin sa lobby habang hinihintay ko si Caldwell para sunduin ako kaya pinunasan ko kaagad ito at nagpaalam na din kila Mama.
Pagkababa ko ng tawag ay lumapit si Vien sa akin halatang nagtataka siya "Girl okay ka lang ba? Nahihirapan ka pa rin ba mag adjust? Sabi naman kasi sayo wag ka munang pumasok eh, wala pa din naman masyadong guest" umiling ako at nginitian siya
"Ano ka ba, okay lang ako kausap ko kasi sila Mama sa cellphone kaya napaiyak ako" kumunot Naman ang noo niya sa akin
"Ha? May nangyari ba or miss na miss mo na sila? hingi ka kaya ng leave muna? maiintindihan naman ni Ms. Jessie kung mag leleave ka" hinampas ko siya at tumawa sa sinabi niya
"Baliw ka girl walang nangyaring masama at kita mong ilang araw pa lang akong pumapasok mag leleave na ako jusko! namimihasa naman na yata ako pag ganun, saka na lang pag mag ha-honeymoon na kami ni Caldwell" nanlaki bigla ang mga mata niya at napatakip sa bibig dahil napasigaw siya kaya pinagtinginan tuloy kami
"Wait... Don't tell me... Oh my! Aichi Congrats to the both of you! Matutuloy na din girl! Hala shet bakit ako naiiyak?! Di pwedeng maging madrama, dapat masaya lang tayo!" kaya napayakap siya ng mahigpit sa akin at ilang ulit tinapik ang likod ko, tinapik ko na lang din siya ng malakas para bitawan niya na ako dahil di na ako makahinga, nagtawanan kami at kinuwento ko ang buong pangyayari sa hospital pero naputol na to nung biglang sumulpot si Caldwell sa harapan namin, di ko namalayang dumating na pala siya kaya nag peace sign kami sa kanya dahilan kaya tumawa ito ng bahagya
"Hello Vien, sorry I don't want to interrupt you both but I'm here to pick up my soon to be wife, but if you want you can continue it on the car we'll drop you off to your house" sumenyas na lang si Vien ng pa-ekis gamit ang kamay niya sabay iling kay Caldwell
YOU ARE READING
To be with Strangers
RomanceA hard-working Butler who spend her night with a stranger to share their problems to each other.Will they be in good terms or they stay to be just a stranger? Welcome to my first ever story! I hope you enjoy reading it! My story isn't perfect and yo...