Isa-isa na ngang lumapit ang lahat ng bisitang nandoon pinapakilala nila ang mga sarili nila sa akin pero di yata gumagana ang utak ko dahil sa lahat ni isang pangalan wala akong matandaan except dun sa limang lalaki na nahuli medyo tulala pa sila at nag alangan na iabot ang mga kamay nila kaya sinabi na lang nila ang mga pangalan nila.
"I'm Giel" isang doctor, sumunod naman ang isa "Hi Von" narinig ko ang pabulong ni Zia sa likod ko "mine! pili ka ng iba babe ay wait-uhm not sure pa basta!" pinigilan ko na lang ang mga ngiti ko at baka mahalata nilang pinaguusapan namin sila "Good evening I'm Seth" isang businessman, katabi nito ay isa pang lalaking na ang lakas ng dating dahil pati ang ibang girls na nadoon ay tinititigan siya actually silang lima. He was looking at me too long but still manage to introduce himself.
"Sorry by the way Cion" isang piloto but the last one made me so nervous, relax Ai huminga ka girl! Shet naman kasi malalaman mo na yung pangalan niya punyeta! makikilala niyo na ang isa't isa He walked towards my direction, He was smiling at me how can He be so calm infront of me?! Samantalang ako kulang na lang mahimatay dahil di na ako makahinga He reach his hand to me waiting for a shakehand.
"Hello beautiful,I'm-"
His phone rang, ewan ko ba kung matutuwa ako at nakahinga ulit ako ng normal o mabwibwisit kasi parang ayaw talaga ng universe pagkilalanin kaming dalawa. "I'll just answer this call you can start now" then he went to the pool area to answer it.
"Ai nakapili ka na?ang gwapo kasi nilang lahat e kaya hirap ako" pagrereklamo ni Zia pero nagsalita naman tong si Lauren "Sus choose choose ka pa get them all na magtira ka na lang ng apat para sa amin especially kay Ai! she should experience the experience she will never forget haha exciting!" tumawa na lang si Jaemi at Ria sa sinabi ni Lauren.
"Well may point ka ngayon dyan Lauren!babe sayang ang ganda di ka namin hahayaang amagin ng di mo man lang nadarama ang sarap-" tinakpan ko na lang ang bibig ni Ria at baka may makarinig pa sa amin "mga loko kayo asikasuhin niyo na lang yung mga bisita wag niyo na akong problemahin kumalma nga kayo!" hayyy kung alam niyo lang.
Pinakain na nga namin ang iba pang mga bisita, yung iba ay nagkwekwentuhan na, ngayon lang napuno ang bahay namin ng ganito nang makita naming busy na ang lahat ay kumain na din kaming magkakaibigan, nakita kami ng mga lalaki kaninang nagpakilala sa akin kaya lumapit sila "Ang laki ng bahay mo Jaemi I can see that you really work hard for it" sabay upo nilang apat.
"Uhm thank you Seth but actually I'm not the only one who owned this house these four gorgeous ladies beside me are also living here kinuha namin to para sa aming lima long story but I think I should not explain that to you, you'll just get bored" sabay tawa ni Jaemi.
Bigla ko na lang binilisan ang pag kain ko dahil pabalik na siya at siguradong pupunta siya sa amin dahil nandito ang mga kaibigan niya, shet at yun nga ang nangyari aalis na sana ako pero biglang nagsalita yung isa nilang kaibigan "Hey are you done eating already shy girl?" jusme bakit ako pa ang nakita nitong pilotong to.
"Ah... Yeah tapos na ako" nahihiyang pagsasabi ko "I'm sorry I made you awkward ata I just can't help looking at you, well I think you're aware that you're beautiful".
Kitang kita mo ang apat kong kaibigan na nagpipigil ng mga ngiti sa sinabi ni Cion sa akin ganun din ang tatlo pa nilang kaibigan pero kitang kita mo ang pagkainis sa mukha niya sa pinagsasabi ng kaibigan niya sa akin. puta ang awkward, buti na lang nagsalita tong si Jaemi.
"On behalf of my babe I'm so sorry boys di kasi siya sanay makipaglandian ay este makihalobilo sa ibang tao lalo na pag lalaki ang nasa harap niya" at ginatungan pa nga ni Zia "NBSB din kasi siya pano di marunong lumandi kaya no experience pa sa you know hahah!"
Bigla ko tuloy nabuga ang tubig na dapat iinumin ko inabutan na lang ako ni Lauren ng tissue at nagpigil naman ng tawa tong si Ria lecheng mga bibig sarap lagyan ng mga tape o kaya isusob, pero di lang yun pasimple din akong tumingin sa gawi niya at tignan ang reaction niya. He was a bit amused of what he heard but he bite his lips to hide his smirk.
Tangina nakakahiya di pa pwedeng mawala na lang ako dito di ko na alam gagawin ko pero linakasan ko na lang ang loob ko wala na akong pake "Di kasi ako ligawin at ako kasi yung inaasahan ng pamilya ko kaya di pa yun sumasagi sa isip ko hanggang ngayon at isa pa I don't want to be in a relationship if I still have no time for my partner ang unfair naman kung di ko mabibigay yung time, effort and love na deserve niya di ba? ayokong mag boyfriend para masabi lang na in a relationship ka or fling lang gusto ko mapaninindigan ko, mahal namin Yung isa't isa in short gusto ko seryoso Hindi sabay lang sa uso"
Wow Ai coming from you talaga! hayaan mo na wala namang may alam sa nangyari two years ago kayong dalawa lang, nakatulala lang silang lahat sa sinabi ko, pero kita mo sa kanya na kunwari ay umaagree ito sa sinasabi ko pero di niya matago ang mga ngiti niya sa labi.
Argh! bakit kasi nandito ka pa! Di nagtagal eh nagkayayaan ng uminom, ayoko sana kaso masyado na akong naging KJ sa kanila at bahay naman namin to kaya safe ako, safe nga ba? Beer lang ang ininom namin, aba handa pala ang mga babaitang to sa inuman alam talaga nila ang gagawin nila, as usual kami kami ang magkakaharap, napapairap at nagbubulungan na lang ang ibang mga babae dun dahil kasama namin sila.
Napansin din pala yun ni Zia kaya napabulong siya "Bahay po namin to kaya kung naiinis kayo umalis kayo mga inggitera at ambisyosa! haha" ayaw lang masapawan eh. Habang umiinom ay naglaro na kami ng truth or dare okay naman kasi di naman ako natataya not until naturo ako shet yan! "okay babe choose truth or dare?" Jaemi ask me "a-ano truth na lang" okay na yun baka pag dare pinili ko kung ano pa pagawa sa akin ang wild pa naman nila mag isip.
Pinaikot uli nila ang bottle at kung sino ang maturo nun siya magtatanong sa akin at nasakto pa kay Cion kaya lahat sila ay biglang nangatsaw pero mahina lang.
"Hmm ano kayang pwedeng itanong sayo?ayaw kitang pahirapan e" ngumiti na lang ako sa kanya "okay lang magtanong ka lang ng gusto mo" napatingin tuloy ako sa kanya kita mo sa mukha niyang di siya natutuwa na nag uusap kami ni Cion sa harap niya halatang nababadtrip.
"Okay ito na lang, I know you never been in love but do you think pwede kang mainlove sa isang taong kakakilala mo lang? do you believe mararamdaman mo na agad na may feelings ka na para sa taong iyon?"
Tangina akala ko ba di niya ako papahirapan bat ganun tanong niya? pakshet lahat sila curious sa sagot ko hayyy bahala na.
"Ahhhh...sa tingin ko...pwede...siguro lalo na kung mabait naman siya at kita mong nagpapakatotoo siya sayo yung pinaramdam niyang interesado siya sayo na kahit may malaman siya tatanggapin ka niya walang pero, walang bakit. di ka huhusgahan yung di mo aakalaing siya yung magiging safe zone mo at sisiguraduhing kumportable ka at makikita mo sa mga Mata niya pag tinitigan mo siya na importante ka, ganun naman ang love di ba? Always expect the unexpected"
Lahat sila ay nakatitig na lang sa akin pero tanging ang mga titig niya lang ang pumukaw sa akin tila may gustong sabihin iniwas ko na lang ang tingin ko at binulong pa ang gusto ko pang sabihin
"Kaya pwede yun kasi naramdaman ko na"
YOU ARE READING
To be with Strangers
RomanceA hard-working Butler who spend her night with a stranger to share their problems to each other.Will they be in good terms or they stay to be just a stranger? Welcome to my first ever story! I hope you enjoy reading it! My story isn't perfect and yo...