Chapter 20

3 0 0
                                    

WARNING READERS❗

RATED 18


Umalis na kami sa bahay ng magulang niya at pumunta na sa bahay na pinagtitirahan niya, ihahatid niya na sana ako pero umiling ako, gusto ko muna siyang samahan lalo na nag away sila ng Mama niya, kitang kita mo ang kalunkutan sa mukha niya, hinawakan ko ang kanang kamay niya dahilan para tumingin siya sa akin.



"Everything will be alright hun, I'm here" he just faked his smile "I don't think so, but thank you." sobrang naging tahimik lang ng byahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay niya.



Dumeretso kaagad siya sa kwarto niya habang pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, kinuha ko na din ang red wine sa shelves for sure iinom yun ganun kasi gawain namin pag stress kami sinamahan ko na din ng wine glass, umakyat agad ako para puntahan siya pero nasa balcony siya ng kwarto niya nagpapahangin kaya dun ako dumeretso.



"Wine?" pagyayaya ko sa kanya, tumungo lang siya kaya linagyan ko na ang baso namin at lumapit sa kanya at inabot ito.



"Thank you"



Di ako mapalagay na nakikita ko siyang malungkot di pa rin ako naka move on sa nangyari kanina akala ko magiging okay ang lahat pero hindi, pumasok tuloy sa isipan ko ang mga sinabi ng mama niya lalo na yung tungkol sa kapatid niya, so di lang si Avner yung kapatid niya?



Na curious na talaga ako kaya gusto ko siyang tanungin tungkol dun.



"Caldwell alam ko di ka okay ngayon at baka sensitive ka sa itatanong ko pero naguguluhan kasi ako"



He looked at me frowning his brows "Huh? Ano ba yung itatanong mo?" I cleared my throat first before asking him.



"Uh... about dun sa sinabi ng Mommy mo, may kapatid ka pa pala? Di mo kasi nakwento yun sa akin" pag iingat kong sinabi, he looked at me again not saying anything, baka ayaw niyang pag usapan yun mali ata na tinanong ko.


"If you're not comfortable telling it, I underst-" I stopped when he held my hand.



"Di ko sinabi kasi baka pati ikaw pagbawalan ako" I looked at him waiting him to speak again.



"That's Jino my older brother,siya yung tinutukoy ni Mom, Well si Daddy lang naman ang strict dati si mommy sakto lang, she knows that Jino is into motor and car race, she support my kuya and even hide it to Dad because she knows Dad will be mad and disagree with it, pinagpatuloy yun ni kuya. Until merong sinalihan si kuya na isang motor race and kailangan may exhibition yun to get high score and to win pero..." nakikita ko sa mata niya ang pagbabadyang luha



"Nagkamali siya kaya nauna bumagsak ang likod ng ulo niya at nabali ang spinal cord niya, nawalan siya ng malay nun, kaya nahirapan sila I rescue siya, pag dating sa hospital his in critical condition nabasag daw kasi ang bungo niya at may namuong dugo na dun, di din siya nailigtas dahil sobrang nabugbog ang loob ng katawan niya" tuloy tuloy ang pag iyak niya na halos di na siya makahinga.



"So-sobrang nasaktan si Mommy at sinisi niya ang sarili niya, kaya sobrang na trauma siya dun, Inalalayan siya ni Dad at di siya sinisisi sa nangyari dahil parehas lang silang nawalan, pero ako din naman nawalan ng taong kakampihan ako, tagapagtanggol, yung sinusuportahan ako at nabibigay sa akin ng lakas ng loob kaya simula nun di na pumapayag si Mommy sa mga sports na delikado" pinunasan niya ang luha niya bago tumingin sa akin.



"Gusto ko siyang ipakilala sayo, ikwento at ipagmalaki dahil siya ang unang naniwala sa akin, pero malalaman mo din ang dahilan kung bakit siya nawala natatakot ako na pagbawalan mo din ako, patigilin din ako, Aichi... ikaw na lang kakampi ko ngayon nandyan si Avner at ang mga kaibigan ko pero ikaw ang dahilan kung bakit tinutuloy ko kasi yung suporta mo ang kailangan ko, ikaw lang ang naniniwala sa akin, so please Aichi don't tell me to stop please I need you right now"


To be with StrangersWhere stories live. Discover now