Chapter 33

0 0 0
                                    


Pumunta si Giel para i-check ako at nung malaman niyang bumalik ang na ang ala ala ko, napangiti pa siya sa akin "Welcome back Aichi, I'm glad you're okay now, wait... I'll chat Caldwell so he'll know that you're okay now" kukunin niya na sana ang phone niya pero pinigilan ko siya



"Doc Giel, ano kasi...gusto ko sanang I-surprise sila pag dumalaw sila sa akin kaya sana wala ka munang pagsasabihan nito" tumango na lang siya sa sinabi ko at nagpaalam na sa amin bago siya umalis.



Hinawakan ni Mama ang kamay ko at naluluha pang nakatingin sa akin "Akala ko kung ano na ang nangyari sayo,buti naman at okay ka na anak, salamat sa Diyos" kaya niyakap ko sila Mama ng mahigpit "Ma, Pa salamat po sa lahat, wag na po kayo masyadong mag alala sa akin mag iingat na lang po ako sa susunod"



Nagpahinga na ulit sila Mama dahil 2 am pa lang pero di pa rin ako makatulog dahil masaya akong bumalik na ang ala ala ko.



Maaga nagising sila Papa para bumili ng makakain tinanong pa nila ako kung ano daw ang gusto pero di pa naman ako gutom, nag ayos na lang ako kaunti ng sarili ko dahil pupunta ang mga kaibigan ko para bisitahin ako,sinabihan ko na lang sila Mama na wag munang sabihin sa kanilang bumalik na ang ala ala ko.



Maya maya ay dumating na ang mga kaibigan ko nauna si Jaemi at Lauren na bumisita sa akin pagkatapos nilang magmano kila Mama ay dumeretso sila sa akin, umalis na din sila Mama at dumeretso sa bahay namin nila Jaemi



"Goodmorning Ai! We brought you some fruits you can mixed it with pancakes we cooked that's one of your favorites" gusto ko pa sanang mag kunwaring di ko alam pero bigla na lang akong nagutom sa sinabi nila kaya tumango na ako sa kanila at kinuha to ng dahan dahan para di ako mahalata, kaso nang buksan ko na ang lunch box ay kumuha agad ako at kinain ito, para akong bata na napasayaw habang kinakain yung pancakes kaya napangiti sila sa akin, tumabi naman si Lauren at tinitigan ako halatang may gustong sabihin sa akin, kaya hinaplos ko ang likod niya.




"Kung gusto mong itanong kung ayos lang ako, oo ang sagot ko" sabay ngumiti ako sa kanya "I'm glad to hear that but... Can you remember na ba us? Does you memory came back already?" halata sa mukha niyang sabik na siyang makaalala ako, naaawa ako sa kanya pero gusto ko munang tignan ang reaksyon nila




"Sorry di ko pa talaga kasi maalala ang lahat wait ano na nga bang pangalan mo?" halatang naluluha na siya pero pinipigilan niya to "Oh my gosh I put make up  pa naman it will be ruined if I cried here, I'm Lauren my name is Lauren Kaye Ventura don't forget me babe, oh my! oh my! I'm gonna cry na sorry I'll just wipe it off excuse me" pumunta muna siya sa may bintana para pigilan ang pag iyak niya tinaas niya pa ang tingin niya para di tumulo ang nagbabadyang luha niya, hinawakan naman ni Jaemi ang kamay ko at ngumiti




"She's not used to the fact that you still can't remember us, ikaw kasi pinaka close niya sa ating lima dahil tinuring ka niyang kapatid, Ria and Zia used to bully her daw kasi, ako naman busy sa work so we can't talked that much kaya ikaw lagi niyang kasama sa lahat, anyways baka di mo din ako matandaan I'm Jaemi" naguilty tuloy ako bigla, sasabihin ko na sana pero biglang dumating yung dalawa naming maingay na kaibigan, ang mga megaphone namin




"GOODMORNING BEAUTIFUL BITCHES! WE'RE HERE NA!!!" bungad ni Zia sa amin na naka white tube at ripped jeans lang kaya kitang kita mo ang magandang hubog ng katawan niya






"Punyeta Zia ang aga aga ang ingay! Anyways hello Aichi! Sorry ha? Pumunta pa kasi ako sa studio ko to check something but I'm here na!" pagpapaliwanag ni Ria sa akin habang lumapit at hinalikan ako sa pisngi ni Zia bago tumingin sa akin "Kamusta ka na babe? may magandang balita na ba?" umiling si Jaemi sa kanila at siya na ang sumagot para sa akin




To be with StrangersWhere stories live. Discover now