Chapter 8

3 1 0
                                    


Maaga akong gumising para pumasok na sa trabaho ko, nag aalala at ayaw pa akong papasukin ng mga chikababes ko pero para sa akin mas okay na din to at di naman siguro hahayaan ng hotel namin na may mangyaring ganung insidente ulit, kailangan ko din to at bread winner ako kaya kakayod pa rin ako.


Di naman ako katulad nila na may mga sariling mga business at dati ng may pera sa bangko kaya kahit papetiks tong mga to okay lang, kailangan ko din magpa kabusy nang makalimot na ayoko lumala tong nararamdaman ko at pagtatrabaho ko ang pupukaw sa atensyon ko.


"Babe una na kami ha? sasabay ako kay Zia, si Ria naman nauna na at may kikitain daw sa coffee shop, gamitin mo na lang yung car ko papasok, oh sige na late na kami e see you later love you" sabay halik sa pisngi ko ang sweet and kind na si Jaemi.


Malapit na din akong matapos sa pag mamake up nang pumasok si Lauren sa kwarto ko "babe are you done na ba? Ay wait- ayusin natin yung eyebrows mo dapat on fleek, lagyan na din kita ng winged eyeliner to make your eyes more seductive" dami talagang arte nito buti na lang tanggap namin siya.


"Malalate ako sa pinag gagagawa mo Lauren dami kasing alam porket may ari ng isang cosmetic line" pagrereklamo ko habang linalagyan niya ng eyeliner ang right eye ko "shh,don't move ang daldal I'm almost done... oookaaayyy done na let's go"


Di ko na din hiniram ang kotse ni Jaemi at gusto ni Lauren ay sabay na kami, hatid niya na lang daw ako, gusto lang makipagdaldalan nito e. "Okay miss your on your destination, see yah later babeee and of course be safe okay?love you!" maarte pero caring tong si Lauren e kaya kahit napaka girly niya love na love ko to.


"I will pretty babe, ingat ka din wag ng tatanga tanga sa pag dadrive ha? hahaha love you too" paano sa sobrang LSS sa song napapikit habang kumakanta di na tumingin sa daan muntik tuloy mabunggo yung sasakyan na nasa harapan niya, nginusuan niya na lang ako bago umalis.


Pasalamat na din at di ako na late binati ko na yung guard bago ako pumunta sa headquarters namin, binati ko na din ang iba ko pang kasamahan sa trabaho halatang nag aalala pa rin sila sa akin pero sinabi kong okay na ako.


Tinawag din ako ni Ms.Jessie to hear my statement para maayos na ang problema humingi na din ng tawad si Mr. Saitama sa akin at sa hotel for what He did to be honest gusto ko sanang gumanti pa pero gusto ko na lang matapos yun kaya may agreement na lang na nangyari.


Buti di masyadong matagal yun at natapos din kaagad kaya bumalik na ako sa trabaho ko, pumunta muna ako sa information desk to check if we have a guest coming this day at kung sino naka assign na butler.


Thank God it went really well balik sa normal na may maaasign sa akin, know them, make them feel they are your priority, assist them, help them if they need anything else. Ganun ang naging routine ko sa araw na yun sobrang busy at pagod pero super worth it lagi lalo na para sa pamilya ko to.


Nag overtime pa ako dahil tumulong pa ako dun sa isang butler bago pa lang kasi siya kaya inalalayan ko muna sabagay masasanay din siya kaya ng ayos na ang lahat, nagpaalam na ako at nag report na din ng mga nagawa ko to make sure na nagawa ko lahat ng gagawin ko for that day.


Pumunta na ako sa headquarter namin at kinuha sa locker ang bag ko saktong nag text tong si Ria "Pauwi ka na ba chikababe? sabay na tayong umuwi sunduin kita" nireplyan ko siya kaagad "Katatapos lang chikababe palabas na ako"



Kaya nang makita ko siya ay dahan dahan akong pumunta sa kanya "Miss holdap to wag kang kikilos ng masama" halatang nagulat siya pero syempre bilang isang Ria na palaban ay di nagpasindak ang babaitang ito "PUTANGIN- Ai! Punyeta hayop ka! Muntik pa kitang suntukin sa kagagahan mo!" tinawanan ko na lang siya dahil sa itsura niya.


"Ang lutong ng mura babe?! relax walang magtatangka sayo ng ganun ayaw pa nila makita ang liwanag hahaha" natawa na lang siya at binatukan ako.


"Tanga mo kasi, lakas ng saltik mo di ka nanaman nakainom ng gamot mo.sha halika na at may gusto akong sabihin sa inyo hihingi ako ng advice baka sakali lang matino ka na pag nasa bahay na tayo sana kayong lahat pala mga kulang kulang din yun iba nating sisteret eh"


Sumakay na din ako at pinaandar niya na ang sasakyan medyo napatagal din kami dahil sa traffic pero di naman naging boring at todo chika kami ni Ria at minsan sinasabayan pa namin ang mga kanta sa playlist niya may pang emo, party party at kpop songs na go pa din kahit mali ang lyrics namin.


Hanggang sa nakarating na kami sa bahay, sakto nakapag luto na din si Jaemi at Zia ng dinner dahil maexperiment tong dalawang to e nagluto sila ng buttered garlic shrimp pasta sinamahan na din nila ng chef salad "Mga babes! I'm already starving can we eat already?" bungad ni Lauren nakakagaling sa kwarto niya.


"Ihahanda na po namin ang La mesa boss" sabi ni Ria na nagkukunwari na nagmamadali. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan ulit ng mga nangyari sa aming maghapon, napansin kong tahimik si Ria at naghihintay sa turn niyang magsalita hanggang sa maalala kong may sasabihin siya sa amin.


"Nga pala Ria may sasabihin ka sa amin di ba ano yun?" She cleared her throat before she speak "Nahihiya ako pero sasabihin ko na din mga walang hiya din naman kayo e hehe, pumunta kasi ako sa mall kanina actually yun yung lagi kong binabalikan gusto ko kasi talagang i-pursue yung hilig ko kaya binili ko na"


May kinuha siyang isang bag at nilabas ang bagong bili niyang camera "Tada!gusto ko talagang maging photographer e"at bigla namang sumigaw tong si Zia "Holyshit! Mothertrucker ka! akala ko naman may kinakalantara ka na sa mall babe! Bumili ka lang pala ng camera, but anyways support kami dyan kahit kami pa maging model mo push! Ano bang gusto mong pose sexy ba? game ako dyan!humanda ka na baka yung gagawin mong magazine eh ma sold out agad" confident na pagkakasabi ni Zia


"What?Mothertrucker di ba dapat motherfucker? argh whatevs! Z, nahiya ka pa maghubad ka na lang!" kantsaw ni Lauren kay Zia "pwede din naman why not?!"  baliw talaga tong si Zia "Stop both of you ano ba! Haha Ria don't mind them muna basta support kami dyan basta gusto mo go!" encourage ni Jaemi para kay Ria.


"Ako din babe forever your supporter ganun kita kamahal" sabay hawak ko sa kamay niya "Awwwe thank youuuu mga chikababes! the best among the rest talaga kayo pero... Di lang yun yung gusto kong gawin may isa pa..." napatingin kaming lahat sa kanya


"Ha? Ano pa?" umayos sya ng upo bago niya sabihin

"hmmm....gusto ko maging.....Vlogger!" nasamid kaming lahat at napasigaw na lang sa sinabi niya

"ANO?!"

To be with StrangersWhere stories live. Discover now