Nandito nanaman kami sa stadium as usual may laban nanaman si Racerboy, lagi naman akong nanonood Ng mga tournament niya pero Iba talaga Yung kaba ko ngayon, Ewan ba di na nga ako kumain Ng dinner Kasi feeling ko isusuka ko din naman.
kaso to mga babaitang kasama ko ayun nagtitingin nanaman Ng mga gwapo at makakalandian nila Ito yata talaga pinunta nila at Hindi Para samahan ako,pumunta na kami Sa upuan namin dahil shet ayan na! Simula na Ng tournament!
Uminom muna ako ng tubig at feeling ko mahihimatay ako, wala na Ata Yung kaluluwa ko humiwalay na Sa akin,bwisit bakit Kasi kabang kaba ako? E di naman ako,Yung lalaban samantalang ang ganda Ng ngiti at excited ang mahal ko, inaayos Niya ang damit Niya at nginingitian Ang laht ng taong sumusuporta sa kanya.
Simula talaga nung Una pa lang pangarap nya na talaga maging car racer kaya todo ang suporta ko sa kanya kahit alam Kong delikado. Nang marinig na namin ang putok ng baril ay dali-dali ang lahat ng racer pinaharurot ang mga sasakyan nila sobrang bilis ng mga ito na parang kidlat na nawala agad sa paningin namin.
Pangatlo ang sasakyan niya pero agad agad niyang nalagpasan ang mga race car na nasa unahan niya kaya di ko napigilan mapatayo sa kinauupuan ko at tumalon talon pero agad agad din hinila ni Ria ang braso ko "Uy girl di Lang ikaw ang nanonood ha?!Umupo ka nga" inirapan ko siya sabay ngumisi "Gaga! Future husband ko yung nauuna normal lang yung reaction ko BOBA!"
Di ko na alam kung pang ilang lapse na ba ang natapos pero dumoble ang kaba ko ng i-announce nila na last lapse na. Mas lalong bumilis ang takbo ng mga race car nasa 1st place pa rin siya pero mabilis din ang pagpapatakbo ng sumusunod sa likod niya halatang ginigitgit niya ang nauuna lalo na pag paliko ang daan pero nakakagawa naman Ito ng paraan para makaalis.
Sobrang dikit na Ng laban at palakas ng palakas ang hiwayan ng lahat ng nanonood, malapit na sila Sa finish line nang....bumaliktad at umusok ang unang sasakyan biglang nabinggi,nanlabo ang aking mata at natulala sa mga sumunod na pangyayari may maliit na apoy na ang saksakyan kaya maraming rescuer agad ang pumunta para agapan ito.
Gustong gusto kong bumaba at pumunta dun pero nanlambot ang mga tuhod ko at hinahabol ang paghinga dahil sa hagulgol na pag iyak ko. Hinawakan ni Jaemi ang balikat ko at sinubukang pakalmahin pero sa sobrang inis ko ay tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at nasigawan ko siya.
"Baliw ka ba ha?! Naaksidente Yung taong mahal ko sa mismong harap ko pa! papaano ako kakalma Jaemi?! Hindi ko kaya!" Pagsigaw ko habang tuloy tuloy ang pag iyak ko "Hindi ko kayang mawala siya Sa akin ulit..."
YOU ARE READING
To be with Strangers
RomanceA hard-working Butler who spend her night with a stranger to share their problems to each other.Will they be in good terms or they stay to be just a stranger? Welcome to my first ever story! I hope you enjoy reading it! My story isn't perfect and yo...