Chapter 29

2 0 0
                                    


"Uy dali na kasi anong susuotin ko? Shet mamaya nandyan na siya" hindi na ako mapakali dahil sa biglaang date namin ni Caldwell ang ganda kasi ng bungad niyang chat sa akin di man lang ako sinabihan kahapon nung sinundo ako sa trabaho, naayos naman kaagad ang problema sa trabaho ko bale napagdesisyunan na lang na isuspend muna ako dahil sa pagsagot ko sa di basta bastang guest namin.


Sabagay may mali din ako at pumatol ako nalaman din naman nila ang mga ginawa ni Mia, di lang pala ako ang inaway niya kundi yung chef at isang waitress sa restaurant namin, sinigaw sigawan niya at binuhusan niya pa ng tubig kaya ang magulang niya na lang ang humingi ng tawad dahil for sure di mag sosorry si spoiled brat.


Si Jaemi ang pumili ng susuotin ko habang dala dala naman ni Lauren ang lahat ng make up niya dahil siya ang mag aayos sa akin "Babe did Caldwell remember you na ba?" Pagtatanong ni Lauren sa akin kaya umiling na lang ako sa kanya dahil pumipili ako ng susuotin kong heels.


Bigla namang pumasok si Zia kararating niya galing sa store niya "Oh anong meron dito? Akala ko wala kayo dito sa bahay nagkakagulo lang pala kayo dito" sabay upo sa kama ko "May date kasi si Aichi at Caldwell mamaya kaya tinutulungan namin siyang mag ayos" pag eexplain ni Jaemi pero si Lauren ay napatitig at napakunot ang noo kay Zia


"What are you wearing? is that the new designs of your bikinis?" tumango na lang si Zia sa tanong ni Lauren dahil tinatamad itong mag explain "Why are you wearing a bikini when you go to your work wear proper clothes babe! Ano ba!" kaya napairap tuloy si Zia sa kanya


"Hoy insecure ka lang kasi ang sexy ko ngayon sa new designs ko! bumili ka na lang para ma-experience mo din! Pero sa totoo lang wala na kasi akong damit okay?! di pa ako naka pag laundry at tsaka nasa condo ni Von yung iba, ayos lang naman din tignan to, maganda na din para ma-promote ko" natawa na lang kami ng bahagya sa sinabi ni Zia baliw talaga tong babaeng to


"Bakit kasi pag nagkikita kayo ni Von nagdadamit ka pa huhubaran ka lang din naman" pagsasabi ni Ria di namin napansin na dumating na din pala siya "How's your day babe?" Pagtatanong ni Jaemi sa kanya, napahiga na lang sa sofa si Ria at pinikit ang mga mata "Hay sobrang nakakapagod daming kong ginawang photo shoot ngayon di ko pa na edit yung iba, tinatamad na ako kaya bukas ko na lang gagawin yun, nga pala bakit nandito kayong lahat? May meeting?" umiling si Jaemi sa kanya at natawa konti



"Haha no babe, Aichi and Caldwell is having a date, so we help her to get ready, oh by the way Ai, I'll put your clothes here on your bed" linakasan ko na lang ang boses ko na nagpasalamat kay Jaemi dahil di ko siya malingon dahil for sure magagalit tong si Lauren pag galaw ako ng galaw habang inaayusan niya ako.


"Ito na yung isususot mo Ai? Mas okay kung dress ang isuot mo para easy access o kaya gusto mo yung new bikini designs ko attention seeker ka dun! Kasi alam mo ako kanina daming tumitingin na mga boys! You want? You want?" napatigil si Lauren sa pag aayos sa akin at tinignan siya ng masama


"Z please stop it na wag mong igaya si Ai sayo wala talagang tatalo sa kalandian mo kahit may Von ka na hays" di talaga makukumpleto ang araw namin kung di magtatalo tong dalawa kaya tinatawanan na lang namin sila dahil sanay na kami sa ganitong scenario


"Inggit ka lang kasi wala pa kayong dilig ni Ria bleh!" kaya ng narinig yun ni Ria ay napaupo siya sa pagkakahiga at pumunta kay Zia para hilain ang buhok niya "Aba'y puta ka Zia! Bakit ako nadadamay dyan sa away niyo?! Ha?! Hina-high blood ako sayo! Hoy may magtatangka din na sisirin ang perlas ko ulit no! not now but soon hintayin mo i-video ko pa para may proof" Halos mawalan na kami ng hangin sa kakatawa sa sinabi ni Ria takte gigil na gigil siya



To be with StrangersWhere stories live. Discover now