Chapter 25

5 0 0
                                    




Ginabi na akong umuwi sa bahay nagtaxi na lang ako pauwi, sinulit ko na din na makasama siya at malapit na ring matapos ang leave na hiningi ko sa trabaho. Parang di pa ako handang bumalik pero kailangan na paniguradong salo lahat ni Vien ang naiwan ko dun, ayoko naman maging pabigat.



Nagliligpit na ng pinagkainan ang apat nang dumating ako, kanya kanya silang gawa mga busy masyado kaya di ako napansin



"Nandito na ako mga babes tulungan ko na kayo" pupunta na sana ako nang harangin ako ni Lauren papunta sa kanila "No babe! sit ka na lang there sa living room rest for awhile malapit na din naman kami matapos" pero napa kunot ang noo ni Zia sa sinabi ni Lauren



"Sus girl you also! make upo upo na din there, you don't know how to clean eh hiyang hiya kami gumawa ka na lang ng make up loka ka!" sobrang lakas naman ng tawa ni Ria at tinuro turo niya pa si Lauren kaya padabog at naka ngusong pumunta sa tabi ko si Lauren at bumulong



"I don't know why I ended up to be friends with Zia and Ria mga bully" I hugged her really tight and kissed her forehead



"Ganun ka lang lambingin ng mga yun but believe me they love you Lau, We love you more than you know" I looked at her and smiled "Awwwee thank you Ai,I love you four" saktong katatapos lang nung tatlo mag ligpit at tumakbo naman sila para humabol sa yakap namin "Uy pa join forces naman kami" hinigpitan pa namin ang yakap kaya naipit si Lauren sa gitna namin at pinag hahahampas kami.



Nanood na lang kami ng movie at uminom ng beer dahil mga hindi pa naman kami naaantok "Kamusta si Papi Caldwell?" pagtatanong ni Ria



"Ayos naman kaso ganun pa rin di niya pa rin ako maalala" biglang nalungkot silang apat sa sinabi ko "Don't worry babe time will come, He will remember everything, just trust the process" sabay hawak ni Jaemi sa kamay ko



"Ano ba kayo wag na kayong malungkot okay lang naman ako, masakit, oo makalimutan ka ba naman ng taong mahal mo, pero wala naman akong magagawa, Hindi niya talaga ako matandaan e ayoko naman na pilitin siyang alalahanin ako katulad nga ng sinabi ni Jaemi darating din yung araw na babalik ang alaala niya kasama ako, di na lang ako magsasawa na ipaalala sa kanya kung gaano ko siya kamahal"



May tatlong araw pa akong natitira bago bumalik sa trabaho kaya dinalaw ko ulit si Caldwell sa hospital di na kagaya ng dati mas magaan na ang loob ko, tuloy tuloy ko pa rin siyang kinakausap at kinukwentuhan tungkol sa amin, yung iba ata na kwento ko na pero pinapaulit lagi niya kasi di daw nakakasawa, kaya minsan natatawa na lang ako, dun na din ako kumakain minsan gusto niya daw Kasi may kasabay kumain, pero tinititigan niya lang naman ako at konti lang ang kinakain kaya minsan titignan ko din siya at aalisin ang tingin niya sa akin.



Nung sumunod na araw ay kasama kong dumalaw yung apat todo pakilala sila kaya na confused nanaman siya sobrang ingay pa naman nila pero tumatawa na lang si Caldwell dahil sobrang gulo na namin, nagulat pa siya nung hinalikan ni Von si Zia jusko! wala talagang pinipiling lugar tong mga to!



Nung last day ay inagahan ko ang pagpunta para masulit ko na makasama ko siya, sabay kaming kumakain ng breakfast ngayon



"Caldwell, uh di na pala ako makakapunta bukas ulit dito, papasok na kasi ako sa trabaho e pero itry ko pa rin pagtapos ng duty ko" kita mo sa mata niya ang pagkalungkot pero pinilit niya na lang ngumiti



"Hinahatid ba kita sa trabaho mo noon?" tumango ako at ngumiti sa kanya



"Oo simula nung naging tayo lagi mong sinusubukan na ihatid ako lagi sa trabaho gusto mo kasi lagi tayong magkasama, minsan lang din kasi magsabay ang day off natin kaya madalang tayo magdate kaya tuwing ihahatid mo ako ginagawa na nating date yun, lagi tayong sabay kakain ng breakfast katulad ngayon" ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko



To be with StrangersWhere stories live. Discover now