Chapter 7

3 1 0
                                    


"Kuya Ito po yung bayad, salamat po" binuksan ko na ang pinto para lumabas sa taxi na sinakyan ko medyo lutang pa rin ako at nafi-feel ang pagbabadya ng pagsusuka pero nasa tapat na ako ng bahay namin kaya di pwede kalma makakantsawan ako.

Magkakasama kaming magkakaibigan sa iisang bahay, nagsimula yun nung lahat kami ay grumaduate sa kolehiyo at nakakuha ng kanya kanyang trabaho kami din kasi ang magkakasama sa dorm kaya nagusap usap kami na magsamasama pa din, ayaw mawalay sa isa't isa di naman mahirap sa kanila yun mga rich kid gusto daw maging independent kuno pero puro walwal lang din naman ang alam.

Pero pumasok din sa isip ko ang nangyari lang kanina di ko alam kung bakit din pumayag ako na magpahalik ulit, ako pa nga ang lumapit! malandi ka rin Ai eh pero hayaan mo na last na din naman yun.

Inayos ko na ang sarili ko bago ako pumasok sa loob ng bahay, pagkabukas ko ng pinto ay bumungad ang apat na babae ng buhay ko "Babeeeee"yayakapin na sana nila ako pero tinignan nila ako mula ulo hanggang paa "b-bakit ganyan ang suot mo?" tanong ni Ria at inamoy naman ako Ni Lauren "eww you also smell liquor who's with you last night?"

Dun na lang sumagi sa isip ko na yung polo niya pa rin ang suot ko at di ko na rin nakuha ang damit ko sa kanya, putcha may pa souvenir ka te? "Bakit di ka man lang tumawag or nag text or chat man lang sa amin? We are so worried about you Ai" malumanay na pagsasabi ni Jaemi sa akin.

"Sorry na di ko kayo na inform mahabang kwento e" napakamot na lang ako sa ulo ko pero itong si Zia ay parang may mga balak ang tingin sa akin at ngumingisi pa "So sino nga yung kasama mo? Sa suot mo ngayon mukhang lalaki ang may ari nyan,gwapo? pakilala na yan! O akin na lang mas pakbet ko! Hahahaha"pang aasar niya sa akin kaya lahat tuloy sila naka abang sa sasabihin ko.

Napabungtong hininga na lang ako pero itong si Lauren napaka arte "Oh my God ang baho talaga babe!" inirapan ko na lang siya at pinagpatuloy ang sasabihin "Ano- may- nagkita kami nung classmate friend ko nung highschool e nagkamustahan tapos nagkayayaan uminom medyo malayo din kasi yung bahay natin kaya nakitulog na lang ako sa kanila tapos kaya nakapolo na ako ano- uhm nasukahan ko yung damit ko oo tama yun nga" pagdadahilan ko.

"Tapos masyado kasing payat yun payatot talaga kaya walang magkasya na damit sa akin kaya nanghiram siya sa kuya niya kaya wag kang mag isip ng kung ano-ano Zia judgmental ka babe!" pero tong mukha ni Zia e nang aasar pa "Sus masyadong defensive naman babe don't worry di ka naman pumatay di ka linilitis dito haha"

Nakahinga na din ako ng maluwag ng umagree sila sa sinabi ko pero nakokonsensya ako dahil nagsinungaling ako sa kanila paano ko naman kasi sasabihin na sumama ako sa isang taong di ko naman kilala tapos may nangyari pang-argh!

Although di naman na big deal yun sa kanila lahat naman na sila may experience na dun pero nakakahiya pa din. Napansin siguro ni Jaemi na tulaley nanaman ako "Babe okay ka lang kumain ka na ba? May food pa sa table kain ka muna" ngumiti na lang ako sa kanya "okay lang Jaemi busog pa ako kumain din kasi ako sa bahay ng friend ko kaya magpapahinga muna ako" so she smiled back and tap my shoulder "okay"

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit "Wow may pa souvenir pa tayo sa isa't isa ha?" Para akong tanga na kinausap ang polong hinubad ko inamoy ko to at maaamoy mo yung manly scent niya dun OA Lang yun si Lauren ang baho daw ang bango kaya! Sumagi tuloy siya sa isip ko, ano na kaya ginagawa niya? Iniisip niya din kaya ako? Or makakalimutan niya na lang ako?

Hindi na rin naman kami magkikita eh kahit isang gabi lang kaming magkasama e sobrang naging kumportable ako sa kanya ang gaan sa pakiramdam sobrang amo ng mukha at alam mong mapagkakatiwalaan tsk pa hard to get ka pa kasi Ai! di mo pa sinabi yang pangalan mo nag insist na nga siyang magtanong di mo pa sinabi edi sana nalaman mo din yung name niya at inistalk mo na sa mga social media accounts niya.

Tatanga tanga din e di marunong lumandi pero bumukaka gumora agad hayy ano ba tong nangyayari sa akin sobrang na attached naman ako sa sa kanya isang gabi lang yun girl one night lang punyeta!


Nahiga na ako sa kama ko at iniisip pa din ang nangyari hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako. Ginising na lang ako ni Ria para kumain ng lunch "Uy girl, kakain na ng lunch,bumangon ka na dyan.ayan kasi di kami sinama mag nomu imbes na pare parehas tayong mga bangag ikaw lang tuloy, pero rare to ha? sa ating lahat na chikababes ikaw ang hindi palainom at kinokontrol mo yun kasi ayaw mong malasing,anyare?"

Napakunot na lang ako ng noo kasi sa lahat ng sinabi niya wala man lang akong naintindihan kausapin ba naman akong bagong gising "uy nakikinig ka ba?hahaha lutang ka girl hayaan mo nga kain na." paguulit niyang sinabi, nauna na siyang pumunta sa dining area.

Pinilit ko na lang ang sarili kong tumayo at sumunod sa kanya, nagluto na lang sila ng tinola para may mahigop ako at matanggal daw ang hangover ko, buti na lang natuto na din sila magluto kundi gutom abot ng mga to.

Umupo na kami para kumain at tulad ng nakasanayan na namin ang ingay nanaman namin sa kainan. "May na meet akong guy kahapon lalandiin ko na sana kaso may asungot na babaita na pala siya sayang gwapo niya sabagay mukang girlfriend niya pa lang pwede pa" pagsisimula Ni Zia "Ako naman sa lahat ng ma memeet ko sa mall si Josh pa!" inis na sabi ni Ria "baka kayo talaga girl uy balikan mo na kasi" pang aasar ni Jaemi sa kanya "kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo Jaemi jusko ka ang dugyot!" kaya nagtawanan na lang kami.

"Uy yung isa ang tahimik, di man lang mag share ng story niya your not at home the whole night tapos you drink drink pa beke nemen babe" salita ng pinakapabebe naming friend si Lauren "Well, Isa din sa dahilan kaya di ako umuwi at uminom ako dahil badtrip yung nangyari sa akin sa trabaho..."

At kinuwento ko na nga with action pa ang nangyari kaya bwisit at nagaalala ang mga mukha nila nakakatawa mga expression nila pero alam kong sincere talaga sila "that bastard! did your company do something about this?" pagtatanong ni Jaemi sa akin "Oo kaya nag day off muna ako hindi sana kaso ganun yung nangyari pero iinform na lang ako ni Ms. Jessie about that issue pero pinapahinga niya muna ako" tumungo na lang sila.

"So papasok ka tomorrow? pagtatanong ni Lauren "Oo girl kailangan pahinga ngayon tapos sabak ulit" sabay kindat sa kanya "basta mag ingat ka sa sususnod pag iba na pakiramdam mo alert ka lang okay?" tumungo na lang ako sa kanila kaya mahal ko tong mga to e kahit di mo mawari minsan pag gusto mo ng karamay, dadamayan ka talaga ano na Lang gagawin ko pag di ko nakilala mga to.

Okay na sana kaso tong si Zia aber gigil na gigil "Girl sa susunod i-head to head mo tapos sapak sa panga para mahilo pag kulang pa batukan mo sa batok, dapat sinapa mo din yung bayag ng matuto ang gago" pero imbes na matawa ako kung gaano siya ka gigil ay naalala ko lang ang lalaking nagsabi din ng mga ganung kataga, putcha naalala ko na naman siya bakit parang iba na ata to...

tsk tsk tsk nadali na Ai...

To be with StrangersWhere stories live. Discover now