Two

172 9 1
                                    

"So paano baba na ako, S-salamat sa paghatid." Paalam ko ng makababa sa sasakyan niya.
Sobrang gentleman nito dahil pinagbuksan pa niya ako ng pinto at mas lalong kinikilig ako ng dahil doon.
"Thanks for letting me drive you home, Rach. I will be seeing you on our first date." He uttered habang nakatingin sa akin ng makahulugan and the way he looked at me almost made me melt dahil sobrang nakaka ilang.
"Thank you din sa paghatid. A-and yes I will see you soon. Ingat ka." Tugon ko bago madaling pumasok sa loob ng aming bahay.
Napasandig pa ako sa dahon ng pinto dahil sa sobrang kaba at kilig na nararamdaman ko that certain moment na nakasama ko si Dexter. Kinabukasan ay nakatanggap naman ako ng tawag from unknown number at napakunot noo ako dahil walang tigil sa pag ring ang aking cellpone kaya napilitan na lamang akong sagutin.
"Hello?" Bungad ko.
"Hello Pretty, good morning." Saad ng baritonong tinig from the other line na dahilan ng biglang pagsikdo ng aking puso.
"S-sino to?" Takang tanong ko but I already had an idea.
"Ang bilis mo namang makalimot, Magkasama lang tayo kagabi.---- It's me Dexter." Pakilala nito that makes my interest arouse.
"Paano mo nalaman ang number ko?" Tanong ko sa kanya but deep inside ay kinikilig ako dahil sa pagtawag niya ng maaga.

"Kinuha ko kay Jaime. So, kumuta ang tulog mo last night?" Dugtong na tanong pa nito
"It's fine. I-Ikaw ang aga mong tumawag ah." Balik tanong ko na ngitingn ngiti pa rin na parang timang.
"Because I wanted to hear your voice. Kumain ka na ba?" He said
"Talaga lang ha ang aga mong nambobola, Hindi pa ako kumakain Im still in bed." Sagot ko sa tanong niya.
"Sorry, nagising ba kita?" He asked with apologetic tone.
"Hindi naman, kagigising ko nung tumawag ka." Tugon ko.
"I see, Im excited to see you tonight Rach, Saan mo gustong pumunta?" Si Dexter na halata ang sigla sa tinig.
Napamulagat ako sa tinuran niya, hindi ko kasi inakala na mamayang gabi na pala ang labas namin.
"Ano? Tonight na tayo lalabas?" Di ko na napigilang bulalas.
'Sobrang bilis ng lalaking to ah' Sa isip isip ko pero ngiting ngiti naman.
"Yeah, di ba ininvite kita kagabi and you said yes-- so bakit pa natin papatagalin." Natatawang turan niya sa kabilang linya.
"Grabe ka ang bilis mo ha, kaka-kilala pa lang natin." I told him giggling pero sa totoo lang nae-excite din ako to see him again.
"Mabuti na yung mabilis kesa maunahan ng iba, hahaha." Saad ni Dexter na natawa sa huling tinuran nito.
"Okay-- s-sige I will see you tonight?" I uttered.
"Yeah, susunduin kita around seven?" He asked.
"Seven is fine. Bye." Paalam ko and hang up the phone still a smile on my face.
Naging masigla ako the whole day sa trabaho, hanggang sa sumapit ang oras ng pag-uwi ko from office.
Paglabas ko sa gusali ng pinapasukan ay naroon sa labas si Dexter may dalang bouquet of flowers at naghihintay sa may lobby ng gusali.
Napanganga na lamang ako ng magtama ang mga mata namin and I saw him smiled and wink at me.
Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko that moment at halos di maka hakbang.
Nasorpresa ako sa pagpunta niya sa office. I wasn't expecting that though.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nanginginig ang tinig na tanong ko pagkalapit ko sa kinatatayuan niya.
"Sinusundo kita. Here, Flowers for the beautiful lady." He said sabay abot sa bulaklak na atubili ko namang inabot.
"T-thank you, Dexter." I uttered at nahihiyang ngumiti pa sa kanya.
"So, Shall we?" Yakag niya at inalalayan pa niya ako sa siko papunta ng parking kung saan siya nag parked.
Dinala ako ni Dexter sa isang class na restaurant and he treated me like a princess dahil todo alalay siya sa akin, kulang na nga lang subuan niya ako.
"Ako nang bahala, Dexter, kumain ka na." Awat ko sa kanya dahil sa pagiging aligaga sa paglalagay ng pagkain sa aking plate.
He was very sweet at napaka maasikaso and I was very overwhelmed by his gesture.
"Do you still want something, Rach?" Tanong niya after kong maubos ang pagkain sa plato ko.
"No thanks busog na busog na ako." Natatawang turan ko sabay simsim sa wine na idinulot ng waiter sa amin.
"You sure? Dessert?" Tanong ulit niya sa akin. Umiling ako at ngumiti ng tipid sa kanya.
After we eat dinner ay niyakag naman niya akong maglakad lakad daw muna sa isang park bago niya ako ihatid pauwi.
"Rachel, can I ask you something?" Tanong ni Dexter habang naglalakad kami sa bandang baywalk.
I stare at him.
"Ano yun?" Balik kong tanong.
"Is it okay if I court you?" Walang gatol niyang tanong sa akin.
Na ikinalingon ko agad sa gawi niya. Biglang nanlamig ang kamay at talampakan ko sa tanong niya.
I swallowed my saliva and cleared my throat bago ko siya sagutin sa tanong niya.
"Grabe, nakakabigla naman yang tanong mo. B-bakit mo ako gustong ligawan?" Balik tanong ko pero may halong tensyon ang tinig ko."Because I like you, noong una pa lang kitang makita gusto na kita, Rach---- I hope you can give me a chance to prove myself worthy of your trust." He uttered while looking at my eyes tenderly at mababakas doon na seryoso ito sa sinasabi sa akin.
I tried to look away dahil naiilang ako but I feel every word he said.
"H-hindi ko alam ang isasagot ko Dexter." Saad ko tsaka ibinaling ang paningin sa payapang karagatan.
"You don't have to say anything, akong bahala sayo. Just let me do things para ipakitang mahalaga ka sa akin." Masuyong tugon pa nito sabay gagap sa nanlalamig kong kamay.
"Dexter, baka may makakita sa atin, bitiwan mo yung kamay ko." Nahihiyang saad ko and tried to pull my hand na hawak niya.

"Ang lambot ng kamay mo ang sarap hawakan." Tugon nito sabay pisil sa palad ko.
Para naman akong kinuryente sa ginawa niyang pagpisil sa palad ko. "Tara na uwi na tayo." Biglang sambit ko dahil para na akong sinisilihan sa klase ng titig niya sa akin na aaminin ko namang sobrang kinikilig din ako dahil ngayon ko lamang naramdaman ang ganoong klase ng damdamin.
"Ang aga pa ah, mamaya na gusto ko pang makasama at makausap ka." He said tsaka kami nagpa tuloy sa paglalakad at ngayon ay hawak na niya ang kamay ko.
Hindi ko na yun binawi dahil parang ang sarap nga sa pakiramdam na hawak niya ang kamay ko.
Halos dalawang oras din kaming naglakad lakad lang habang nagku-kwentuhan ng kung ano ano at dahil doon mas lalo ko siyang nakilala.
Dexter is an Engineer at nagta-trabaho daw sa isang malaking construction firm sa Manila at ngayon nga ay mataas na daw ang posisyon nito at the age of 28. Napag usapan din namin ang tungkol sa family niya at sa mga naging ex-girlfriend niya at nalaman kong galing siya sa isang 2 years relationship and broke up with the girl 5 months ago because of indifferences.
Nasabi niyang masyado silang naging busy sa kanya kanyang career ng ex girlfriend nito kaya nawalan ng oras sa isa't isa until one day they decided to call it quits and the rest of the story is history ika nga.
Hinatid ako ni Dexter sa bahay and bago bumaba ng sasakyan niya ay hinalikan niya ako sa noo na sobrang ikinagulat ko kaya napatingin ako sa kanya sa nagtatanong na mga mata.
"Good night Rachel, sweet dreams." Saad niya bago nagpaalam na para umalis.
Naiwan akong natitigilan sa bilis ng mga pangyayari, imagine kahapon lang kami nagkakilala pero feeling ko matagal na dahil sa tindi ng koneksyon namin sa isa't isa.
Sobrang sarap kausap at kasama ni Dexter at aaminin kong nag-eenjoy ako sa company niya.
Siya iyong tipo ng lalaking may sense kausap dahil the way he talked ay talagang mahahalatang mataas ang pinag aralan.
Before I fall asleep that night ay mukha niya pa din ang nasa isip ko at napapangiti ako pag naalala ang mga pinag usapan namin kanina.

Before I fall asleep that night ay mukha niya pa din ang nasa isip ko at napapangiti ako pag naalala ang mga pinag usapan namin kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sometimes Love Just Ain't EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon