I went back home early the following day na mugtong mugto ang mata dahil sa halos magdamag na pag iyak.
I still don't know how to approach Dexter.
Will I confront him or magmamaang maangan na lang ako and pretend na wala akong nakita.
Ayoko kasing marinig ang magiging sagot niya dahil natatakot akong iwan niya.
What if mas piliin niya yung babaeng yun over me? I asked myself and started to cry again, parang di na nauubos ang luha ko para sa kanya.
Nang makarating ako sa bahay ni Dexter nakita kong naroon na ang sasakyan niya meaning he's already home.
I calm myself first and wore my sunglasses para hindi niya makita ang mata kong mugto sa pag iyak.
Pagpasok ko sa loob ay nabungaran ko agad siya pero nakabihis na ng pang opisina wich means papasok na ulit ito sa trabaho.
"Hi babe, kumusta ang lakad nyo sa Batangas ni Jaime?" Nakangiting tanong niya at lumapit pa sa akin akmang hahalikan niya ako pero umiwas ako.
Gustong gusto ko na siyang sumbatan at comprontahin pero pinigil ko ang sarili ko dahil ayokong mag-away kami.
"Im tired Dex, gusto ko ng magpahinga--- sige na pumasok ka na sa office." I told him coldly at nilagpasan ko siya at pumasok sa kwarto para magbihis.
"Are you okay babe--- bakit naka shade ka?" Pahabol na tanong niya na lumapit pa sa akin ng konti.
I stood still, hindi ko siya nilingon.
"N-nakagat ng insect yung mata ko, but Im okay--- I just want to rest." Tugon ko at pigil pigil ang pag garalgal ng tinig dahil ayokong mahalata niyang naiiyak na naman ako.
"What?--- Bakit di mo sinabi agad, you didn't even call me." Gulat na tanong nito at umagapay sa kinaroroonan ko.
Pilit nitong tinatanggal ang suot kong sunglasses pero tinatabig ko ang kamay niya.
"Ano ba Dexter!--- Umalis ka na nga, I said Im okay." Mataray kong turan at pilit ko siyang iniwasan. Until sa tumigil na din naman ito at tumingin ng matiim sa akin.
"Fine! Kung ayaw mong ipakita eh di wag--- bahala ka. Im leaving." Pagalit na tugon niya at nagmamadaling umalis.
Hinayaan ko na lamang siya at sinundan ng tingin ang pag-alis niya and then my tears start to fell again pagkaalala sa kataksilang ginawa niya sa akin.
Ang panlalamig at pambabalewala niya lately ay nagkaroon na ng sagot.
Kaya pala madalang na niya akong yayaing lumabas at ni hindi na din naalala ang mga espesyal na araw ay dahil sa busy siya sa ibang babae.
I decided to call Jaime, I want to confirm kung sino ang babaeng kinalolokohan ni Dexter.
I need to know bago ako gumawa ng sarili kong hakbang. I need evidences, at kung inaakala niyang papalagpasin ko lang ang nakita ko ay nagkakamali ito dahil in time na mapatunayan kong all this time ay niloloko pala niya ako ay isasampal ko iyon sa mukha niya.
I love him so much and the thought na mawawala at masasayang ang apat na taon na pinagsamahan namin is killing me but I can't let him fool me forever.
Napagkasunduan namin ni Jaime na magkita ng bandang hapon sa isang restaurant kaya alas-kwatro pa lang ng hapon ay nag gayak na ako para puntahan siya doon.
Nakita ko si Jaime na naroon na at nang mamataan niya ang pagdating ko ay kumaway siya sa akin kaya dali dali akong tumungo sa kinauupuan niya.
"Hi Rach--- Oh bakit ganyan ang mata mo?, anong nangyari?" Kunot noong agad na nitong tanong ng mapansin ang mugtong mata ko.
BINABASA MO ANG
Sometimes Love Just Ain't Enough
RomanceHow do you know when to give up? Rachel is a woman who fall madly in love with her boyfriend for 4 years and thought that it would last forever but she was totally wrong dahil ang akala niyang masaya at maayos nilang relasyon ay biglang nanlamig...