The following days ay naging pursigido si Dexter sa panliligaw niya sa akin.
He always send me sweet good morning messages and always made sure na nire-remind ako sa tamang oras ng kain. Very consistent din siya sa pagsundo sa akin sa office after work at pati na din sa pagbibigay ng kung ano anong present like flowers and chocolates.
At unti unti after two months of courtship ay nakuha na niya ng buong buo ang tiwala at pagmamahal ko.
And sa ikatatlong buwan ng panliligaw niya sa akin ay nag decide na akong ibigay sa kanya ang matamis kong Oo.
Ang usapan namin that saturday night ay lalabas kami para manood ng sine at mamasyal then dinner afterwards kaya I decided to wear my best dress para sa special surprise na binabalak ko for Dexter.
Naka bihis na ako wearing a dark pink dress na hanggang sa tuhod ang tabas, I also put light make up on my face at todo talagang nagpakaganda para sa lalaking gusto kong makasama sa lahat ng pagkakataon sa buhay ko.
After a few moment ay narinig ko ng bumusina ang sasakyan niya sa labas kaya dali dali na akong lumabas para pagbuksan siya ng pinto.
Mag-isa ko lang na nakatira sa bahay namin since nag migrate ang parents ko abroad kasama ng mga kapatid kong nakapangasawa na din doon sa U.S.
I open the door and put my sweetest smile kay Dexter na papasok na din holding 3 stem of a red rose.
Kinikilig pa din ako everytime na nakikita ko siya lalo sa pag-eeffort to bring a flowers for me.
Gwapong gwapo ito sa suot na black pants na tinernuhan ng polo na light blue ang color habang nakangiti at kitang kita ang biloy nito sa magkabilang pisngi.
I was very lucky na ako ang niligawan nito sa dami ng magagandang babae sa paligid and I dont want to loose him kaya ise-secure ko na ang status namin para hindi na siya mawala pa.
"Hello ganda, para sayo nga pala." Nakangiting bungad niya sabay abot sa bulaklak at halik sa aking noo.
"Hi, pasok ka muna " Anyaya ko sa kanya but to my surprise ay nanatili lang siyang nakatitig ng matiim sa akin na para pa ngang naengkanto dahil wala itong kakurap kurap.
"Hoy--- Anong nangyari sayo?" Takang tanong ko sabay taas ng kamay ko sa mukha niya.
"Ha?---- Ohh Sorry, I- I just can't help to stare at you ang ganda mo ngayon, I mean sobrang ganda mo pala pag nag-mamake up ka." Saad nitong nakatitig pa rin ng malagkit sa mukha ko and I can see how he adores me.
Namula tuloy ang pisngi ko sa sinabi niya.
"I-ikaw talaga--- p-pero thank you sa compliment., Alis na tayo?" Maya maya ay yakag ko sa kanya dahil nag-uumpisa na naman akong mailang sa klase ng titig niya sa akin.
"Okay-- Let's go." He said and headed me into his car.
Tahimik kami pareho sa loob ng sasakyan pero napapansin kong panay ang lingon niya sa akin at kapag nahuhuli ko naman siya ay ngingitian lang ako ng matamis at hahawakan ang kamay ko sabay pisil.
After naming mag dinner ay tumuloy kami sa sinehan para manood ng movie.
Napapansin kong sobrang clingy niya sa akin at laging nakahawak sa kamay ko.
"Rach?" Tawag niya sa pangalan ko while we were watching.
Bumaling ako sa kanya.
"B-bakit?" I asked him. Then I saw him look at me in the eye.
"I love you." Masuyong tugon niya na ikinapintig ng puso ko dahil ramdam ko ang sinseridad ng binitiwan niyang salita.
Napalunok ako at yumuko dahil ang awkward ng moment na yun sa pagitan namin.
Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.
I decided to tell him what I felt kaya nilingon ko siya pero laking gulat ko dahil dikit na dikit na ang mukha niya sa mukha ko at muntik ko pa siyang mahalikan.
Na freeze ako at napatitig sa kanya.
Yung feeling na kami lang ang tao sa lugar na yun ang pawang tibok lamang ng aming puso ang maririnig.
Until I felt his lips na dahan dahan ng nakalapat sa labi kong bahagya pang nakaawang.
Dexter is kissing me for Pete's sake.
And I couldn't help but to close my eyes habang parang may dagang nag uunahang maghabulan sa dibdib ko dahil sa kapangahasang ginawa niya.
I felt his lips slowly moved into mine and I felt an electrifying sensation that slowly goes down my whole system.
Iba ang pakiramdam ko sa halik ni Dexter it taste good and Im beginning to like it kaya hindi na ako nag atubiling tumugon at gayahin ang galaw ng labi niya.
Until I get back into my senses na baka may makakita sa amin kaya I slowly push him away.
"I-Im sorry Rachel, nadala lang ako." He said apologetic.
"I-it's fine.--- uhmm m-may sasabihin sana ako sayo." I said stammering.
"What's that?" Tanong niya sa masuyong tinig.
"Dexter--- I think g-gusto na din kita." Nahihiyang saad ko sabay baling sa screen ng sine ng tingin.
"So does it mean, sinasagot mo na ako?" He asked matter of factly.
Bumaling ako sa gawi niya at nakita kong nagnining-ning ang mata niya.
I nodded na mistulang nahihiya pa.
"Oh Yess!!" Biglang sigaw niya sabay suntok sa hangin ng kamao.
Nagulat ako sa reaction niya at inawat siya dahil nagtinginan ang ibang nanood ng sine.
"A-ano ka ba Dexter--- nakakahiya." Bulong ko at halos lumubog sa kahihiyan.
"What? Im just so happy my love.--- Thank you, I promise to take care of you and love you everyday." Madamdaming tugon niya na dahilan ng pangingilid ng luha sa mga mata ko dahil na din sa labis na kaligayahan.
Mahal ko na si Dexter at masaya akong kasama at kausap siya palagi.
That night na siguro ang pinaka masayang gabi sa buhay ko. Dahil boyfriend ko na ang lalaking pinapangarap ng maraming babae including me of course at wala na akong mahihiling pa.
"So, anong gusto mong itawag ko sayo?" He asked me ng makarating kami sa bahay, hinatid na niya ako nun.
"Ha? Kelangan pa ba nun?" Tanong kong naiilang pa din sa kanya.
"Of course--- from now on I will call you baby ko." He uttered sweetly and he cupped my face to meet his gaze.
I pouted my lips at nagpa cute sa harap nito dahil sa labis na kilig na nararamdaman ko.
"Ako lang ba ang magiging baby mo?" Naglalambing kong saad.
"Oo naman ikaw lang at wala ng iba ang baby ko." And he kissed my forehead before he bid good night.
Nang makaalis si Dexter ay para akong praning na nag tatalon sa sobrang kilig at saya na nadarama ko sa sandaling yun.
Ang sarap pala sa pakiramdam ng may minamahal at may nagmamahal din in return para akong nasa langit ang saya saya ko.
BINABASA MO ANG
Sometimes Love Just Ain't Enough
RomanceHow do you know when to give up? Rachel is a woman who fall madly in love with her boyfriend for 4 years and thought that it would last forever but she was totally wrong dahil ang akala niyang masaya at maayos nilang relasyon ay biglang nanlamig...