Six

103 10 0
                                    

On our 1st year of relationship ay mas lalo kong nakilala si Dexter and we are actually living together in his house dahil ginagawa na naman namin ang usual na ginagawa lamang ng mag-asawa.

Dexter remained to be the ideal boyfriend for me at kahit may mga nagiging tampuhan din naman kami ay mas lalo iyong nagpatibay sa pagsasama namin bilang magkasintahan.

Naging busy din kami pareho sa aming kanya kanyang career but we made sure na nakasuporta at alalalay ang bawat isa sa kung anong path ang tatahakin namin when it comes to our career.

Masipag at determinado si Dexter lalo sa kanyang trabaho kaya after 2 years ay na promote na ito at ngayon ay isa na sa Executive Director ng kumpanyang kanyang pinapasukan and at his age of 30 ay very successfull na ito sa buhay.

Ako naman ay mas naging hardworking sa trabaho ko bilang isang accountant sa isang bangko pero minsan nagkakaroon ako ng insecurities dahil mukhang napag iiwanan na ako ng boyfriend ko but I chooses to stay quiet and be supportive sa kung anong achievement niya sa kanyang trabaho.

Sa pang-tatlong taon namin sa aming relasyon ay mas lumabas ang ugali at mga conflicts namin sa bawat isa.

Doon ko nakita ang pagiging dominant at control freak ni Dexter sa akin dahil lahat ng bagay at desisyon ay dapat siya ang nasusunod tulad na lang ng pagbili ko ng kotse.

"Babe naman--- Sige na oh, Alam mo namang noon ko pa gustong bumili ng sarili kong sasakyan and now that I earned enough money to buy one pipigilan mo ako?." Nakasimangot kong tugon habang nasa kwarto kami that evening ready to sleep.

"Why on earth would you want to buy a car babe?--- dalawa ang sasakyan ko and you can used the other one and besides ayokong nagdi-drive ka." Matigas na turan niya sa akin sabay tingin ng masama sa gawi ko.

Medyo naiinis na ako sa pagiging controling niya lately dahil lahat na lang ata ng gusto kong gawin ay kokontrahin nya pati kung may gusto akong bilhin na medyo expensive ay may masasabi pa siya.

I rolled my eyes at binalingan ko siya ng tingin.

"Pera ko naman ang ibibili ko eh--- tsaka reward ko yun sa sarili ko for working so hard, siguro naman karapatan ko yun." I uttered coldly  habang naglakad ng padabog papuntang banyo.

"Okay fine! Kung yan ang gusto mo eh di bumili ka--- Im just saying na dapat pahalagahan mo yang perang pinaghihirapan mo hindi yung kung ano lang ang maisip mong bilhin ay bibilhin mo na kahit hindi mo naman kailangan." Narinig kong halos pasigaw na niyang tugon.

Galit na ang tono nito and I knew that.

Ganun lagi ang eksena kapag may bagay akong i-insist na gusto ko dahil gusto niya ay siya lang lagi ang susundin ko.

Minsan nag-iisip na ako kung mahal pa ba niya ako kasi kung ituring niya ako ay para na lang akong laruan na de susi at susunod lang sa dikta niya.

"Babe ano ba? pag-aawayan pa ba natin to?--- kotse lang yun at nagsabi lang ako sayo na plano ko iyong bilhin, why are you making it a big deal?" Maalumanay ang tinig kong saad trying to calm him but to my surprise ay bigla niyang ibinato ang hawak niyang remote control ng t.v na ikinalingon ko sa gawi niya at nanlalaki ang matang tinignan ko siya.

"Tang ina! Bahala ka sa buhay mo!" Nangagalaiting sikmat niya sabay tayo at galit ang mukhang lumabas ng kwarto namin.

I followed him dahil ayokong nag aaway kami.

"Teka ano bang problema mo ha?--- bakit ka ba nagagalit?" I asked him habang nakasunod sa likod niya.

Dexter faced me harshly and even forcefully grabbed my arm.

"You're asking me what's my problem? Bakit ha, mahalaga ba sayo ang opinion ko?" Patanong nyang tugon habang nanlilisik ang mga mata niya sa galit.

And for the first time of being together doon ko lang nakitang sobra siyang nagalit sa bagay na pinagtatalunan namin.

"B-babe relax ka lang,
k-kung ayaw mong bumili ako ng sasakyan, then it's fine.--- Im sorry." Kalmado kong pag-aalo sa kanya sabay yakap ko sa kanyang baywang pero tinabig lang niya ako.

I was shocked by his gesture and wondered what made him so angry eh maliit na bagay lang naman ang pinagtalunan namin.

"You can buy that goddamn car if you want! Im not gonna stop you, bahala ka na!." Paasik na turan ni Dexter and walked away.

"Babe ano ba---- Bumalik ka dito!." Malakas na tawag ko pero ni hindi niya ako nilingon pa at pabagsak pa niyang sinara ang pinto.

Iniwan niya ako ng gabing yun at hindi ito umuwi.

I tried to call him countless times but he didn't pick up at ng mairita na siguro ay pinatay na lamang nito ng tuluyan ang phone nito.

Halos hindi ako nakatulog mag-damag dahil sa kaiisip sa kanya, kung saan ito natulog o kung safe ba siya at kung ano ano pang alalahanin.

And all throughout that night I was crying dahil sa biglang pagbabago ni Dexter.

Ilang beses din akong nag-bubulag bulagan sa mga nakikita kong changes sa kanya dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kesa sa kung anong bagay na makakasira sa aming relasyon, pero bakit bigla na lamang itong naging ganoon? I often asked myself.

Hindi na ito katulad ng dating very considerate at maalagang boyfriend. Minsan nga ni hindi na ako nito tinatanong kung okay lang ba ako o kung gusto ko bang lumabas kami minsan.

Naging busy na ito masyado sa trabaho at ni wala ng oras para sa akin but I still chooses to give him consideration and think na ginagawa nito ang lahat ng iyon para sa future namin.

Mahal na mahal ko si Dexter at hindi ko kayang mawala siya pero bakit pakiramdam ko ako na lang ang nagmamahal sa aming dalawa?

Nakatulugan ko na ang ganoong isipin ng gabing yun.

The day after that ay parang walang nangyari, he came back home and treated me as if wala kaming naging arguments last night na labis kong ipinagtataka.

"Babe--- kumain ka na ba?" Dexter asked me nang matapos itong maligo, papasok na ako nun sa trabaho at kadarating naman niya.

"Oo tapos na, ikaw? S-saan ka natulog kagabi?" Medyo alanganin kong tanong.

"Ah----nagpalipas lang ako dun kina Garry." He answered, na ang tinutukoy ay ang kaibigan nito.

I stare at him trying to see if may bakas pa ng galit ang mukha niya dahil sa pagtatalo namin kagabi.

But I didn't see any sign of madness na labis kong ipinagtataka.

"S-sorry pala about last night babe--- " I started but he cut me out.

"Shhhh-- okay lang babe, wala na yun. Ako dapat ang humingi ng paumanhin for being so unreasonable." He said tsaka niya ako nilapitan and kiss me in the lips.

That certain moment ay nawala agad ang agam agam ko patungkol sa kanya at mas nangibabaw ulit ang pagmamahal.

Naging maayos ang relationship namin ni Dexter the next few months although hindi pa rin maiiwasang may mga nagiging tampuhan kami but we tried to settle things out and so far naayos naman.

May mga times pa ding nararamdaman kong nagiging distant siya sa akin but I choose to ignore it and focused sa aking career.

Until dumating ang aming 4rth year anniversary.

*Next.*

Sometimes Love Just Ain't EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon