Eight

109 6 2
                                    

"Jaime, mahal na mahal ko si Dexter at ayokong mawala siya sa akin--- h-hindi ko kakayanin." Palahaw ko ng iyak habang parang batang nag aatungal sa harap niya.

Jaime just hug me at pilit pinapagaan ang aking loob.

Lasing na ako ng iwan ako ni Jaime at sinigurong maayos ang pakiramdam ko.

Nakatulog akong hilam sa luha ang mga mata at masamang masama ang loob dahil sa hindi pag-uwi ni Dexter ng gabing yun.

Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw na sumilaw sa aking mata.

My head is aching dahil sa halos naubos ko ang isang bote ng wine kagabi at para pa ngang umiikot pa din ang paningin ko when I tried to stand up.

Napahiga na lang ako ulit dahil baka matumba pa ako.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil sa matinding pagkaliyo.

"Babe--- Are you okay?" Napapitlag ako ng marinig ang baritonong tinig ni Dexter.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang nagising ang diwa ko na agad akong lumingon ng masama sa gawi nya.

'So, umuwi na pala ang magaling na lalaki.'  Sa isip ko tsaka ko siya inirapan.

"Umuwi ka pa!" Galit ang tinig na tugon ko sabay pilit na tayo kahit nahihilo pa din ako.

"Look-- Im sorry kung hindi ako nakauwi last night, may biglaang convention kasi sa office and we need to finish all the reports kaya nag overtime ako." Saad niya trying to explain to me.

But my mind is closed and I can't take his alibi dahil sobrang sama pa din ng loob ko sa kanya.

"Ganun ba? Bakit sobra na din bang abala sayo yung tumawag o mag message ka man lang ha?" Mapait kong sikmat, and that moment hindi ko na napigil ang umiyak sa harap niya.

"B-babe---- Im really sorry, babawi ako." He told me na parang maamong tupa ang mukhang nakatunghay sa akin.

Dexter tried to hugged me pero tinabig ko siya.

"Sorry? Yun lang ang sasabihin mo?----- wala ka bang naalala kahapon ha?" Garalgal ang tinig na tanong ko sa kanya.

Sagad na ang nararamdaman kong frustration sa kanya and I can't take it anymore. Hindi ko na kayang kimkimin pa ang ginagawa niya sa aking pambabalewala.

"I-Its our anniversary. Hindi ko agad naalala babe, d-dahil sobrang preoccupied ang isip ko sa trabaho." Parang nahihiyang turan nito. I saw his guilty facial reaction.

"So naalala mo din pala? Alam mo ba n-na naghanda ako---- eto oh ginawa ko to lahat dahil gusto kong i-surprise ka sana." Sarcastic kong tugon sabay turo sa mga ginawa kong decorations. I wiped my tears and calm myself because Im starting to broke down.

He looked at me sadly at akma na naman niya akong yayakapin.

"Babe--- Happy anniversary." He uttered softly habang pilit niya akong inaalo.

I smirked and stare at him coldly.

"Too late Dexter--- Tapos na ang araw ng anniversary natin, at tapos na din tayo." Bigla ay namutawi sa labi ko.

It wasn't my plan to broke up with him pero sa sobrang sama ng loob ko sa kanya ay nasabi ko iyon.

Pakiramdam ko wala na akong halaga sa kanya kaya mas mabuti sigurong sumuko na lang ako.

"What?--- Babe, pag-usapan natin to-- promise babawi ako, please naman oh." Pagsusumamo pa niya sa akin habang halos lumuhod na sa harap ko.

"A-ayoko na Dexter--- Ang sakit sakit na, h-hindi mo na ako mahal k-kasi nagagawa mo na akong balewalain." Turan ko while crying so hard.

Sometimes Love Just Ain't EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon