Nang makarating ako sa bar ay agad kong namataan si Lucas na naghihintay sa labas.
Agad ko na siyang nilapitan at nginitian.
"Hi Rachel--- Buti nakapunta ka." Masiglang bungad niya ng ganap na akong makalapit sa kinatatayuan niya.
"Oo, w- wala naman kasi akong magawa sa bahay--- tsaka gusto ko ulit uminom, buti na lang tumawag ka." Tugon kong nakasilip na sa loob ng bar.
Napansin kong marami nang tao sa loob at mga nagkakasiyahan na.
"Are you okay now?" Maya maya ay tanong niya na ikinalingon ko sa kanya.
"Yes of course Im Okay---" I told him na nakataas pa ang kilay.
'Ano ba ang akala ng lalaking to na magpapakamatay ako sa kalungkutan?' The ko sa isip patungkol sa tanong ni Lucas.
"But I can see in you're eyes na nagsisinungaling ka." Tugon niyang nakatitig ng matiim sa akin.
Medyo hindi ko nagustuhan ang tinuran niya kaya marahas ko siyang tinignan.
"Eh ano bang pakialam mo?---- Look I came here to have fun, kaya pwede ba wag mo akong bwisitin." Mataray kong tugon at nagmamaktol na nagpatiuna nang pumasok sa bar at nilagpasan ko siya.
"Hey--- wait up!" Tawag naman niya pero ni hindi ko siya nilingon.
I seated near the bar counter at nag order ng maiinom.
I wanted to sleep peacefully tonight kaya magpapakalango muna ako sa alak.
"Wag kang maglalasing, Rachel--- baka mamaya ano pa mangyari sayo." Sambit ni Lucas na nasa harapan ko na at naupo na din.
"Ano naman ngayon? Mabuti nga eh--- wala nang dahilan para mabuhay." Mapait ang tinig na turan ko at di ko na naman napigil na maging emosyonal dahil sa kasalukuyan kong pinagdadaanan.
Biglang inagaw ni Lucas ang baso ng wine na iniinom ko kaya galit ang mukhang bumaling ako sa kanya.
"If you want to waste your life just because he cheated on you--- You better think twice kung deserve nya bang gawin mo yan?
Kung ako yung gagong boyfriend mo hindi kita lolokohin Rachel---" Lucas uttered na nakapagpatigil sa akma kong pag-agaw ng baso.I stare at him frowning.
Hindi ko kasi inaasahan na sasabihin niya ang mga salitang yun at sa totoo lang ay bigla akong natauhan at naisip ko na
Do I really deserve to be treated like this?
Nagmahal naman ako ng totoo, I also gave everything kahit na nagmumukha na akong tanga.'Bakit nagawa pa din niya akong ipagpalit sa iba?' Mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang sagot.
Biglang bumalong ang luha sa mga mata ko at doon naisip ko ang sarili ko.
Kelan ba nung huling naging masaya ako? I asked myself.
"I don't deserve to be treated like this." Mahinang usal ko.
"Yes Rachel---- Hindi mo deserve ang saktan ka niya ng ganyan. Why don't you show him kung gaano siya katanga na ipagpalit ka sa iba." Saad ni Lucas na pinapalakas ang aking loob.
Pinahid ko ang luhang ngumilid sa mata ko at ngumiti ng mapait kay Lucas.
"Uhmm--- I think kelangan ko ng umuwi, Lucas." Tugon ko at tsaka nagmamadaling tumayo but he stops me by pulling my arm.
"Ihahatid kita, may pupuntahan tayo." Ani Lucas at hinila ako palabas ng bar.
I gave him my car key at siya na ang nag drive.
"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko ng magsimula siyang magmani-obra ng sasakyan.
"Basta, relax ka lang diyan--- ako ng bahala sayo." Sambit nito na nilingon pa ako and even wink.
Hindi na ako nagtanong pa at itinuon na lang ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
After a few moments ay huminto ang sasakyan sa isang mataas na bahagi sa bandang antipolo.
The place is an overview at kita ang nagkikislapang ilaw sa baba ng burol.
Napakagandang pagmasdan ng lugar na yun at napakaaliwalas.
Parang ang sarap sumigaw at ilabas ang lahat ng sama ng loob na nasa dibdib at lahat ng bigat na nararamdaman.
"Come on Rachel--- you can shout now." Saad ni Lucas na tumingin sa akin.
"G-gusto ko lang tignan ang payapang paligid." Malungkot na turan ko at tsaka naupo paharap sa mga nagkikislapang mga ilaw sa ibaba.
I wondered how the world turns to be this beautiful yet my feelings weren't.
Ang payapa ng mundo pero ang puso ko sobrang nasasaktan.
I don't know how long I will endure the pain, ewan ko kung kelan ako makaka moved on.
I took a deep breath and closed my eyes for once Im gonna let all the hurt and pain away, sa huling pagkakataon hahayaan kong umagos ulit sa mga mata ko ang luhang simbolo how Im hurting right now dahil sa mga susunod na mga araw ay haharapin ko na ang buhay na mag-isa without Dexter.
Yumugyog ang mga balikat ko sa pag-iyak and I let out all my emotions.
Until naramdaman kong kinabig ako ni Lucas palapit at isinandal.sa kanyang matitipunong dibdib.
Hinagod niya ang likod ko and let me cry in his warm embrace at sa unang pagkakataon naramdaman kong hindi ako nag-iisa and I felt comfortable dahil alam ko na naiintindihan niya ang lungkot at sakit na pinagdadaanan ko.
"Shhhh---- Tahan na Rach---- Everything is going to be alright someday." Bulong niya na nagpagaan ng loob ko.
Tama siya maaring masakit pa sa ngayon dahil bago pa pero balang araw mawawala din ang sakit at magiging maayos din ang lahat.
After a few more moments na pag-iyak I finally release all that I have inside, I wipe my tears and stare at Lucas.
Tipid akong ngumiti sa kanya.
"T-thank you. U-uwi na tayo." Tanging nasambit ko at awkward na lumayo sa kanya.
I felt a little bit embarrassed dahil sobra ko na siya naabala sa mga hanash ko sa buhay mula pa lamang ng una kaming magkakilala.
"You're welcome---- You feeling better?" He asked me and stare at me, inaarok ang reaction ko.
"I will be Lucas. Siguro eto na yung huling beses akong iiyak ng dahil sa kanya.----
I know it's not easy to forget and moved on but I have too, I need to be strong." Garalgal ang tinig na turan ko tsaka pilit ngumiti sa kanya.
"I know you can do it Rach--- uhmmm if you need my shoulder again, alam mo na kung saan ako pupuntahan." Nakangiting saad nito na may himig nagbibiro.
Bahagya naman akong natawa sa tinuran niya at sabay na kaming naglakad pabalik sa sasakyan.
Pagkahatid sa akin ni Lucas ay nag taxi na lamang itong pauwi.
Paghiga ko that night medyo magaan na loob ko although hindi ko pa din maiwasang isipin ang nangayari sa amin ni Dexter but atleast kahit paano medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
Nakatulog din ako ng mahimbing that night na hindi masyadong nakakainom ng alak.
Kinabukasan bagong pahina na ng buhay ko ang bubuksan ko at susubukan kong kalimutan ang lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sa maling pag-ibig.
*to be continued*
BINABASA MO ANG
Sometimes Love Just Ain't Enough
RomanceHow do you know when to give up? Rachel is a woman who fall madly in love with her boyfriend for 4 years and thought that it would last forever but she was totally wrong dahil ang akala niyang masaya at maayos nilang relasyon ay biglang nanlamig...