Nine

115 7 2
                                    

Nayakag ko din sa wakas si Jaime pero hindi sa Batangas kami pumunta kundi sa Tagaytay dahil na din sa pakiusap nitong agad ding uuwi sapagkat may lakad daw sila ng maaga kinabukasan.

Hindi uuwi si Dexter that night kaya I decided to stay in Tagaytay for the whole night para na din makapag relax at si Jaime ay mauuna na lang uuwi.

"Ano bang ganap sa inyo ni Dexter ha? Bakit di siya ang niyakag mo dito?" Tanong ni Jaime na nagtataka pa din sa biglaan kong pagyaya ditong lumabas.

"May conference daw sila kaya hindi siya nakasama." Malugkot ang tinig kong turan. Nasa picnic groove kami noon at kasalukuyang naglalakad lakad.

"Ha? Busy na naman--- akala ko ba okay na kayong dalawa, bakit mukhang balik na naman kayo sa dati?" Di mapigilang usisa na naman nito sa akin.

Natahimik ako dahil hindi ko din alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"Ano ka ba--- araw araw naman kaming magkasama sa bahay kaya ayos lang yun., tsaka gusto ko ding makasama ka once in awhile kasi di na tayo minsan nakakapag bonding." Natatawang turan ko para hindi na mag-isip si Jaime ng masama laban kay Dexter.

Kahit daw kasi pinsan nito ang lalaki ay hindi daw nito itotolerate ang ginagawa nitong pambabalewala sa kanya.

"Naku-- ikaw talaga Rach, nandito lang naman ako lagi para sayo noh., basta kung may problema ka sa pinsan ko wag kang mag-aatubiling lumapit sa akin ha." Saad niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Nakarating kami sa isang restaurant and decided to go inside para kumain.

Jaime and I enjoyed our quality time over there in Tagaytay at ng sumapit ang alas singko ay nagpaalam na itong uuwi na.

"Paano mauuna na akong umuwi ha, mag- iingat ka dito--- tawag ka pag nagka problema." Bilin pa niya bago umalis.

Nag check in ako sa isang hotel sa Tagaytay. Nakakalungkot lang na mag-isa ako dito and wished na sana kasama ko ngayon si Dexter. Sa isip ko habang nagmumuni-muni sa may terrace ng nakuha kong hotel room.

Nang makaalala ay nagpasya akong lumabas para mag-unwind kelangan kong libangin ang sarili ko para di ko masyadong naalala si Dexter at ang pagiging distant na naman niya sa akin lately.

Kahit pa may pagkakataong nakikita ko naman ang pagiging sweet at caring niya ay hindi pa rin nawawala ang agam agam ko dahil sa madalas niyang pag-uwi ng late sa gabi at madalas na out of town.

Kahit sinasabi niyang dahil sa trabaho ay may parte ng isip kong parang may mali sa kanya, madalas ko din siyang mapansing ngumingiti na mag-isa habang hawak ang phone  pero hindi ko  ine-entertain ang isiping may kinalolokohan siyang iba dahil alam kong hindi niya yun magagawa sa akin.

Napadpad ako sa isang bar malapit sa hotel where I checked in at dahil sa may live band na tumutugtog ay naupo ako at umorder ng ladies drinks.

I feel the good vibe of that place kaya nag-order pa ako ng ilang shots. At habang umiinom ay iginala ko ang paningin ko sa paligid ng biglang may mahagip ang mata kong sobrang pamilyar sa akin.

My heart suddenly beats so loud at nag-umpisa akong manlamig lalo na ng humarap ang lalaking never kong ini-expect na makita sa lugar na yun.

And that was no other than my boyfriend Dexter.

And he wasn't all alone dahil may kasama itong isang maganda at sexy na babae and the two were talking happily while drinking.

Bigla akong natigilan at parang na-estatwa.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha ko habang nakatingin sa gawi nila.

I couldn't moved para akong namanhid that moment at ang pakiramdam ko ay parang tinutusok ng kutsilyo ang puso ko.

Sometimes Love Just Ain't EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon