Kinaumagahan pag gising ko ay agad kong naramdaman ang lungkot because of Dexter's absence.
Inihatid ako ni Lucas sa bahay kagabi dahil medyo naparami din ako ng inom at aaminin kong I enjoyed his company.
Lucas is very fun to be with at sobrang sarap din niyang kausap, yung bang tipong mapang asar pero marunong mang comfort at talagang tagos ang mga salitang binibitiwan.
Minsan natatamaan ako ng sobra sa mga sinasabi nito pero hindi na lamang ako umiimik dahil totoo naman ang lahat ng yun.
I haven't receive any call from Dexter that morning at medyo nag-aalala na din ako.
I checked the time and it's already 11 am, at dahil weekend at wala akong pasok sa office ay napagpasyahan kong maglinis ng buong bahay at inuna ko muna ang aming kwarto.
Aligaga ako at inilabas lahat ng laman ng mga drawers para mai-ayos at mapunasan.
Habang naghahalungkat ay aksidente kong nahulog ang isang kahon na nakalagay sa mga tinuping damit ni Dexter. Hindi ko sana iyon makikita kung hindi ko natabig kaya nagtaka ako kung ano ang laman ng kahong iyon.
I opened the box and I saw a mens watch at may nakalakip na greeting card.
Bigla akong nakaramdam ng ibayong kaba dahil wala naman akong maalalang binigyan ko si Dexter ng ganoong regalo at halatang regalo iyon base sa kahon at greeting card.
Kinuha ko ang card at binasa.
"To my beloved Dexter,
Honey Im not really sure of your taste when it comes to watch but I made sure I bought the best one for you, I love you so much my honey and happy 5th month of love to us.
Love Chelsea
Halos lamukusin ko ang papel sa tindi ng galit at hinanakit para sa dalawang yun.
'5 months mo na akong niloloko? Hayop ka!' Sigaw ng isip ko patungkol kay Dexter.
Lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa aking ulo at ang sama sama ng loob ko sa mga sandaling yun.
Kulang ang salitang sakit para idescribe kung gaano katindi ang nararamdaman kong galit that moment.
'Ang sama sama niya! Paano niya ako nagawang lokohin at pagmukhaing tanga sa loob ng limang buwan?' Himutok ko pa at halos maglupasay ng pag-iyak sa tindi ng sama ng loob.
Nang mahimasmasan ay agad kong kinuha ang cellphone ko at idinial ang number ni Dexter.
Hindi ko mapapalampas ang nakita at nalaman ko.
Makikita ng taksil na yun ang hinahanap niya. Kung noon ay napalampas ko kahit na nakita na ng dalawang mata ko ang panloloko niya sa akin pwes ngayon hindi na ako papayag na patuloy pa niya akong lokohin.
Galit na idinial ko ang number niya at hinintay na sagutin niya iyon until after how may rings ay sinagot na din naman nito ang tawag ko para lang magulat ako dahil boses babae ang sumagot.
"Hello?" Malanding bungad ng babaeng haliparot na nasa kabilang linya.
Halos naman mapiga ang telepono sa higpit ng pagkaka hawak ko dahil sa sobrang pigil na galit para sa dalawang taksil na yun at sigurado akong magkasama ang mga ito sa kung saan mang impyerno sila naroon.
"Hello! Can I talk to my boyfriend?" I uttered harshly at sa tinig na madiin.
"Who are you? And sinong boyfriend ang hinahanap mo?" Mataray na tanong pa ng babae.
Kung nasa harap ko lang sana ang babaeng malanding yun ay kanina ko pa sana siya pinagsasampal.
'Ang kapal ng mukha nitong magsabi ng ganun sa akin.'
BINABASA MO ANG
Sometimes Love Just Ain't Enough
RomanceHow do you know when to give up? Rachel is a woman who fall madly in love with her boyfriend for 4 years and thought that it would last forever but she was totally wrong dahil ang akala niyang masaya at maayos nilang relasyon ay biglang nanlamig...