Seventeen

132 7 2
                                    

Nang makarating ako sa bahay ni Dexter ay sandali muna akong  nanatili sa loob ng sasakyan.

I don't know how to face the reality now na parang naging more complicated pa ata ang sitwasyon.

Im still hurting dahil sa panloloko sa akin ni Dexter but on the other side of my mind ay parang pareho na din kami dahil sa nagawa kong makipagtalik sa ibang lalaki.

Tuliro ang isip at halos hindi ako makababa ng sasakyan dahil sa tindi ng bigat ng nararamdaman ko.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nagulat ako because Dexter is inside.

He was sitting in the sofa at halatang kanina pa ako hinihintay.

Napabaling siya sa pintuan pagpasok ko and stare at me bago tumayo para lapitan ako.

"Where have you been, babe?" Tanong niya with a worried face.

I stare at him coldly at dahil hindi ko na makontrol ang aking overflowing emotions ay agad tumulo ang luha ko.

Gusto ko siyang sumbatan at ipamukha sa kanya how he's breaking my heart right now.

But I can't do that dahil parang umurong lahat ng tapang ko dahil sa nagawa ko kagabi.

I hurriedly wipe my tears and tried to calm myself and avoided his gaze.

"A-anong oras ka dumating?" Tanong ko sa malamig na tono sabay iwas sa kanya.

I will pretend that nothing happened. Sa ikalawang pagkakataon magbubulag bulagan ulit ako kahit sobra na akong nasasaktan.

"Kaninang madaling araw---- Rachel, galit ka ba sa akin?" He asked me at sumunod sa akin.

"M-magpahinga ka na--- tsaka na tayo mag-usap." I told him at nagmamadaling umakyat sa aming kwarto sabay pasok sa toilet at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob at frustration na nararamdaman ko.

'Bakit ganito? Ano bang ginawa ko to deserve this?' Humihikbing sambit ko sa aking sarili sabay hagulgol ng tahimik nakasandal ako sa pinto at napadausdus doon.

Sobrang bigat sa dibdib at parang hindi ko na kaya pang dalhin.

Until I heard Dexter's knock the door. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang pagtangis ko.

"Babe--- open the door please and let's talk." I heard him say.

"Just leave me alone first!" Sigaw ko dahil hindi ko pa siya kayang harapin.

"I-Im sorry babe--- please I know you knew everything and I want to explain." Saad niya habang patuloy akong kinakatok sa loob ng banyo.

But my body became so numb because of the unbearable pain that Im feeling.

'Explain? Para saan at para ano pa?' Himutok ko sa sarili habang panay pa din ang agos ng luha sa mga mata ko.

"I know na alam mo na ang tungkol sa amin ni Chelsea." I heard him say.

Napaangat ang mukha ko sa narinig kong pag amin niya at dahil sa umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ay agad akong tumayo at marahas kong binuksan ang pinto.

Galit ang mukhang hinarap ko siya na noon ay nasa bukana ng pinto ng toilet.

"Ang kapal ng mukha mo!" Hindi ko na napigilang sigaw sabay daluhong sa kanya at pinagsusuntok ko siya sa dibdib.

Sa sobrang galit at sama ng loob isama pa ang matinding inis ko din sa sarili ko ay nagwala ako.

Lahat ng mahawakan ko ay ibinabato ko sa kanya.

"Rachel--- I-Im sorry." Ang tanging nasabi niya at pilit akong kinakalma.

"Sorry? Saan ha? Sa limang buwang panloloko mo sa akin!!!
Bakit Dexter? Saan ako nagkulang?-- Anong mali sa akin?!" Masamang masama ang loob na tanong ko habang hilam sa luha ang mga mata.

Sometimes Love Just Ain't EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon