Twenty-five

446 16 5
                                    

I gather all my strength and decided to leave my house for a moment.

I need time for myself all alone, Gusto kong buuin ulit ang sarili ko without those people who shattered it into pieces.

That night gumawa ako ng resignation letter para sa pinapasukan kong bangko and pack all my things after. I still have no plans where to go since ayoko namang pumunta sa pamilya ko na naka base na sa ibang bansa dahil ayokong mag-alala sila tungkol sa akin.

Then I remember a friend na nasa Cebu, She was my bestfriend during college days at matagal na niya akong niyayakag na dumalaw sa kanila sa Cebu since nag decide siyang umuwi na doon para pamahalaan na lamang ang family business ng mga ito.

Shiela is the one I am comfortable with bukod kay Jaime. Sila lang ang mga taong pinagkakatiwalaan ko ng lubos aside from my family.

I immidiately contact Shiela para tanungin kung okay lang ba na doon muna ako pansamantala.

And so I dialled her number na agad naman nitong sinagot.

"Hello Shiela." Bungad kong bati sa kabilang linya.

"Hi Rachel---Is that really you?" Tanong niyang mababakas ang excitement sa tinig upon hearing my voice.

"Yes friend--- Kumusta ka na? I miss you." Saad ko sa masiglang tono.

It's been a long time since huli kaming magkita kaya naman labis ko din siyang na-miss at naalala ko noong college days namin nila Jaime.

Tatlo kaming magkakaibigan at sobrang close namin dati until Shiela decided na umuwi na ng Cebu at naiwan kami ni Jaime dito sa Manila.

Shiela already knows about Dexter at na meet na din nito ng personal but she doesn't know na nag-break na kami kaya alam kong mahaba haba na naman ang aming kwentuhan.

"I miss you too, Rach---- How's Jaime?" Tanong nito patungkol sa isa naming kaibigan.

"She's fine Shie---- Ahmm can I come over diyan sa Cebu for a vacation?" Di na ako nagpaligoy ligoy pa dahil gusto kong sa personal ko na iku-kwento sa kanya ang lahat ng pangyayari sa buhay ko.

"Of course ang tagal na kaya kitang niyaya na pumunta dito---Kasama mo ba si Dexter na pupunta?" Tanong nito ulit na nakapag patigil sa akin.

"N-No Shiela hindi ko siya kasama--- ako lang ang pupunta." Maalumanay na turan ko and decided to end our conversation dahil baka mag breakdown pa ako sa harap niya and I know it's not proper to talk over that on the phone.

After I talked to Shiela ay si Jaime naman ang kina-usap ko nakipagkita ako sa kanya sa paborito naming restaurant.

Nang mamataan niya akong naka-upo na sa bandang gilid ng restaurant na iyon ay agad na niya akong nilapitan.

"Hi Rachel--- Ano kumusta?" Bati nito sabay halik sa pisngi ko.

Tumayo ako at nakipag beso sa kaibigan tsaka ko siya niyayang umupo at nag order ng food para sa amin.

Nang makaalis ang waiter na kumuha sa order namin ay binalingan ko agad siya and started to tell her my plans.

"Ahmm-- Jaime, Nag submit na ako ng resignation letter sa bangko and Im planning to take a vacation dun kila Shiela sa Cebu." Saad ko na nakatingin sa mata ng kaibigan.

"Ano?--- B-bakit ka nag resign? ginugulo ka ba ni Dexter?" Nagtataka at gulat na tanong niya agad sa akin.

"Hindi naman pero pinuntahan niya ako nung isang gabi sa bahay a-at nag abot sila ni Lucas--- muntik pa nga silang magsuntukan." Pahapyaw na kwento ko patungkol sa engkwentro ng dalawang lalaki the other night.

Sometimes Love Just Ain't EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon