Napa-upo ako sa sofa at inihilamos ang palad sa mukha ko, I started to release what Im feeling.
Umupo si Lucas sa harap ko at naghintay nang sasabihin ko.
"I b-broke up with him." Garalgal ang tinig na umpisa ko.
"That's good--- did you confront him and tell him how stupid he was?" Narinig kong tugon niya.
"Alam niyang alam ko na, maybe that woman na nakausap ko sa phone niya told him." Saad ko.
"Do you want me to kick his ass?" Tanong nito na nakatitig sa akin.
I know he's trying to lighten up my mood.
"I don't want to see him--- Gusto ko na siyang kalimutan pati na yung sakit na ibinigay niya." Saad ko sabay patak ng luha sa mga mata ko.
Nilapitan ako ni Lucas at hinawakan ang palad ko.
"It's Okay--- you don't deserve a man like him." He told me and pressed my palm.
I wiped my tears and stand up pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Ayokong magmukhang kaawa awa sa harap ng lalaking to.
"Ahmmm--- pasensya ka na ha sa drama." Hingi ko ng despensa kay Lucas.
"No problem, lagi naman ako andito para makinig eh." Sagot niya na makikita ang concern sa tinig.
I smiled at him tanda ng appreciation ko sa pagiging good listener nya para sa akin.
"G-gusto mo bang kumain?" Maya maya ay tanong ko.
Aaminin kong medyo gumaan ang loob ko sa presence ni Lucas.
"Kain tayo sa labas-- my treat." Anyaya niya maya maya lang sabay ngiti.
Hindi ko na siya tinanggihan at sumama ako sa kanya.
We had dinner at pagkatapos ay pumunta ulit sa bar ng pinsan niya.
Ako na ang nagyaya because I felt na kailangan kong mag unwind at para na din mawala sa isip ko si Dexter.
"Grabe ang daming tao lagi dito." Halos pasigaw kong komento kay Lucas ng nasa bar counter na kami. Masyado na kasing maingay sa loob ng bar.
"Yeah--- lalo pag weekend maraming party goers." Malakas din ang tinig na sagot niya.
"Sayaw tayo." Anyaya ko kay Lucas medyo tinamaan na ako sa nainom ko dahil medyo hard drinks ang inorder namin.
"Sure---" Pagpapa-unlak niya at sabay na kaming nagtungo sa dance floor.
Magaling sumayaw si Lucas at panay tawa lang ako habang panay ang hirit naman niya ng mga jokes.
He's a very funny guy at magaan kasama kaya kahit paano ay nawala pansamantala sa sistema ko ang masakit na break up namin ni Dexter.
Nang mapagod sa pagsasayaw ay nagbalik kami sa aming inuupan kanina at nagpatuloy sa pag-inom at habang lumalalim ang gabi at napaparami ang aming naiinom ay mas lalo kong nararamdaman ang sakit at kalungkutan.
Napasinghot ako ng biglang tumulo ang luha ko upon remembering Dexter's cheating on me.
"Hey--You okay Rach?" Tanong ni Lucas when he notice I was teary eyed.
Pa simple kong pinahid ang luha ko para hindi na siya magtanong pa.
"Y-yes, Im O-okay--- Can we just go out here." I told him dahil parang nawala yung mood ko at gusto ko na lang umuwi at umiyak mag-isa.
"Sure--- Ihahatid na kita." Agad namang sang ayon nito at iginiya na ako palabas ng bar.
Habang lulan ng sasakyan niya ay tahimik ako at naglalaro pa din sa isip ko ang nangyari sa amin ni Dexter at kung paano niya nagawang lokohin at isabay sa ibang babae.
BINABASA MO ANG
Sometimes Love Just Ain't Enough
RomanceHow do you know when to give up? Rachel is a woman who fall madly in love with her boyfriend for 4 years and thought that it would last forever but she was totally wrong dahil ang akala niyang masaya at maayos nilang relasyon ay biglang nanlamig...