Habang nasa sasakyan ay tahimik kaming pareho ni Lucas, parang biglang nagkailangan.
Medyo nahilo din ako dahil sa ilang shots ng wine na nainom ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Lucas that broke our silence.
Nilingon ko siya at nahihiya akong tumango.
"Im Okay-- ikaw okay ka lang ba?" Balik tanong ko dahil nagiging awkward ang pakiramdam ko na kasama ko siya ulit.
At para namang tukso sa isip ko ang namagitang maiinit na tagpo sa aming dalawa noon at ewan ko ba kung bakit ang lakas ng appeal ng lalaking ito sa akin.
Iba kasi si Lucas sa ibang lalaki, he's one hell of a hot guy na talaga nga naman kahit sinong babae ay nanaising makasiping ito.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kalaswaang naiisip ko.
Maling isipin ko pa ang namagitan sa amin noon dahil malaking kalokohan lamang iyon at ayoko nang balikan pa."Yap-- Na miss kita Rachel." He uttered softly na ikinagulat ko ng sobra kaya napabaling ang tingin ko sa gawi niya.
"A-ano sabi mo?" Parang tangang tanong ko pero dinig na dinig ko naman ang sinabi niya.
"Hahaha--- sabi ko na miss kita." Ulit nito at ang hudyo ay kumindat pa.
Lalo tuloy akong namula sa hiya sa ginawi niya.
"Grabe ka naman sa maka miss--- bakit mo naman ako na-miss?." Nahihiya ko pang tanong pero ang totoo ay kanina ko pa gustong dagukan ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng bahagyang kilig sa sinabi nito.
I was kinda attracted to Lucas yung tipong crush ganun pero hanggang doon lang dahil syempre sa puso ko si Dexter pa din ang naroon.
"I don't know-- hindi ka mawala sa isip ko, simula pa noong una tayong magkakilala." He said na ikinabigla ko.
"B-Bakit?" I asked him out of curiousity.
"Ang ganda mo kasi eh." Natatawang tugon niya na ikinatawa ko na din.
Naging at ease tuloy ang usapan namin dahil sa pambobola niya.
"Bolero ka na din noh." Natatawang saad ko sabay lingon sa kanya.
"Oh bakit masama na ba ngayon ang magsabi ng totoo?---- sa talagang maganda ka naman talaga at ang tanga ng ex mo dahil nagawa ka pa niyang ipagpalit sa iba." Turan pa niya na ikinatigil ko.
Ipinasok na naman kasi niya sa usapan si Dexter t kahit pa hindi naman nito iyon sinasadya ay parang hindi ako komportableng napag-uusapan namin ang tungkol sa kanya.
"Wag mo na lang siyang mabanggit banggit dahil ayoko na siyang pag-usapan." I told him coldly at dagling nag-iba ang mood ko.
"Im sorry." He apologize nang mapansing nag-iba ang tono ng boses ko.
Tahimik kami pareho hanggang makarating sa tapat ng bahay ko.
Lucas open the car door for me at inihatid pa ako hanggang sa may gate.
"Salamat sa paghatid, Lucas." Saad ko at hinintay kong bumalik na siya sa sasakyan niya subalit nanatili siyang nakatayo sa harap ko at nakatitig pa sa akin kaya nagtaka ako.
"S-sige na umalis ka na, ingat sa pagda-drive." Untag ko ng hindi siya kumukilos but to my shocked Lucas grabbed my waist and kiss my lips passionately.
Napamulagat tuloy ako at bahagyang hindi nakagalaw sa labis na pagka gulat sa ginawa niya.
His lips moved against mine trying to tease me.
Grabe ang kabog ng dibdib ko sa halik na iginawad niya sa akin.
I tried to push him away pero parang naghina ang mga kamay ko at imbes na itulak ko siya ay kinabig ko pa ang batok niya palapit at tinugon ko ang maiinit niyang halik until we both are gasping and catching some air to breathe.
BINABASA MO ANG
Sometimes Love Just Ain't Enough
RomanceHow do you know when to give up? Rachel is a woman who fall madly in love with her boyfriend for 4 years and thought that it would last forever but she was totally wrong dahil ang akala niyang masaya at maayos nilang relasyon ay biglang nanlamig...