Twelve

114 6 1
                                    

After a week of observing Dexter I noticed na medyo nagbago siya kung dati lagi siyang late umuwi ngayon ay lagi na siyang maaga at minsan ay sinusundo pa niya ako from my office at yayaing mag dinner kaya nagtataka ako.

"B-bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ko when I saw him outside our work place.

"I came to fetch you babe--- bakit masama na bang sunduin ang girlfriend ko?" Maluwang ang ngiting tanong niya sabay lahad sa harap ko ng isang tangkay ng pulang rosas.

Tumingin ako sa kanya still with confusion.
'Anong nakain nitong lalaking to?' Tanong ko sa sarili ko.

"Himala, may pa flowers ka pa." Sarcastic na turan ko.

Ang tagal na kasi mula noong huli niya akong bigyan ng bulaklak almost two years na nga ata yun.

"I want to make up to you babe." Masuyong tugon pa niya sabay akbay sa akin at iginiya niya ako sa kotse niyang nakapark sa parking lot ng gusali where I work.

"Hindi mo naman kailangang gawin to, babe I know you're too busy sa trabaho kaya madalas wala tayong time sa isa't isa and I understand that." Masuyong tugon ko and gave him a smile.

I know there's something wrong or maybe naisip niyang baka makahalata na ako sa mga kalokohan niya kaya siya biglang naging sweet at bumabawi na naman sa akin.

"I just miss you babe--- And I want to spend time with you." He uttered softly sabay gagap sa kamay ko at dinala sa labi niya and kissed my hand tenderly.

"I-I miss you too babe--- Kung alam mo lang." Mahina kong bulong at pigil ang sarili kong mapaluha na naman.

Sana totoo na natauhan na siya and realized that Im the one he needed at hindi na niya balikan yung babaeng yun. Sa isip ko.

Im still hoping that he will change for me and still be choosing our relationship over again.

Dinala niya ako sa isang Italian restaurant and we had a fine dining and all throughout that night ay bumalik ang dating Dexter na nauna kong nakilala.

Yung sweet at maalagang boyfriend na walang ibang nakikita kundi ako lang and for that pansamantala kong kinalimutan ang nakita kong kataksilan niya and just enjoyed the whole evening na kasama ko siya.

We made love passionately that night and again I gave my trust and love to him.

Nang sumunod na mga araw ay nagpasya akong kalimutan na lamang ang nakita ko at ibalik sa normal ang lahat sa amin ni Dexter. Pilit kong inalis sa isip ko ang nakita ko sa Tagaytay at i-focus ang atensyon ko sa relasyon namin.

Umikot ulit ang buhay ko sa kanya. Busy ako sa trabaho but I still find time para asikasuhin si Dexter and be the best girlfriend he ever had.

Until one time pag uwi ko ng bahay nadatnan ko siyang nag-eempake.

"Babe-- ano yan? Bakit ka nag-eempake?" Takang tanong ko sa kanya.

"We have an out of town business trip to Cebu tonight na babe." Saad nito na sinasarhan na ang maleta nito.

Nabigla ako dahil para naman atang biglaan ang pag alis niya at halatang nagmamadali pa.

"Ha? B-bakit naman agad agad? Ngayon lang ba sinabi sa inyo?" Naguguluhang tanong ko pa sabay lapit ko sa kinaroroonan niya.

"Sorry babe, nakalimutan ko palang ipaalam sayo a week ago pa ako sinabihan---- Ang dami kasing trabaho kaya nawala sa isip ko to inform you." He said na napapakamot pa sa ulo.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot but I still smiled at him implying that I understand.

"I-it's okay, ilang araw ka naman dun?" Tanong ko na pilit pinasisigla ang tinig.

Sometimes Love Just Ain't EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon