"What happened again this time Rach--?" Lucas asked me softly habang nakatingin sa mga mata kong mugtong mugto pa din dahil sa pag-iyak.
"I need someone to talk, Lucas pwede mo ba akong samahan ngayon, P-please?" I asked him teary eyed already.
Ramdam ko na naman ang sakit ng ginawa sa akin ni Dexter and the nerve ay hindi pa din kumokontak sa akin hanggang ngayon.
Ibig lang sabihin nun na totoo ngang niloloko niya ako at magkasama sila ng babaeng yun sa mga sandaling yun.
"Im always willing to listen Rachel--- halika maupo tayo sa living." Yakag niya sa akin papunta sa sala.
"Sorry ha kung pati ikaw naabala ko--- H-hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko-- I felt so alone and so hurt." Tumutulo ang luhang hingi ko sa kanya ng dispensa dahil sa abala.
Nakita kong tumayo ang binata at nang bumalik ay may dala na itong tissue na iniabot niya sa akin.
"Here--- try to calm yourself first then tell me what happened, okay?" He told me at tsaka naupo sa harap ko habang mataman akong pinagmamasdan at hinihintay na magsabi ng problema.
Sinunod ko ang sinabi niya and tried to calm myself from being emotional.
Nang mahimasmasan ay inumpisahan kong ikwento sa kanya ang nakita at nalaman kong panloloko sa akin ni Dexter including sa mga nakikita kong pagbabago sa kanya lately.
"He's stupid! And you? Bakit hinahayaan mong gaguhin ka ng tarantado mong boyfriend?--- you already saw him cheating on you in your own two eyes and yet you still stay with him?" He told na halatang hindi makapaniwala sa pagiging tanga ko kay Dexter.
I looked at him badly pero naisip kong tama naman ang sinasabi niya.
Para akong sinampal ng malakas dahil sa katangahan kong nag-uumapaw.
Signs were all obvious but I still chooses to believe and stay with him. 'Bakit ba hinahayaan ko siyang gawin akong tanga?' Tanong ko sa sarili ko.
"I -I love him, Lucas at hindi ko kayang mawala siya. I spend four years of my life na sa kanya lang umikot ang mundo ko, and now you're asking me why I didn't leave him---- I just can't do that." Saad ko habang panay pa din ang tulo ng luha ko.
Nakita kong napakuyom ng kamao si Lucas.
Malamang nanggigil na ito sa akin dahil sa pagiging tanga ko.
"Alright--- you're still very vulnerable and you're hurting. Naiintindihan ko, but please have some self respect din dahil kung hahayaan mo lang na lokohin ka ng gagong yun then it's your choice." Makahulugang turan nito sabay tayo para pumasok sa kitchen nito.
When Lucas came back ay dala na nito ang mga pinamili kong pagkain pati na din ang beer.
He opened one and handed to me ang open another for him.
"Wag kang maglalasing, it wont help you forgot." Sambit pa ni Lucas sabay tungga sa beer na hawak nito.
"I know what Im doing and I want to get drunk para kahit sandali makalimutan ko ang walanghiyang yun. Ang sakit sakit kasi eh----" Palahaw ko na naman ng iyak habang umiinom ng beer.
"Just tell me everything-- Im listening." He uttered with sincerity.
Nakaramdam ako ng bahagyang seguridad dahil sa tinuran nya, I felt comfortable with Lucas sa una pa lamang naming pagtatagpo kaya mabilis akong nagtiwala at nag-open up sa kanya.
I barely know him but there's this one thing I felt whenever kasama ko siya.
I felt peace at yung pakiramdam na may handang makinig sa mga hinaing ko sa buhay ay napakalaking bagay na.
Bukod kay Jaime ay kay Lucas ko lang nasasabi lahat ng nararamdaman ko.
"T-thanks for listening Lucas a-at pasensya ka na sa abala ha." Nahihiyang saad ko ulit sa kanya.
"Hindi ka abala para sa akin Rachel--- Kung pwede ko nga lang bigyan ng suntok yang boyfriend mo dahil sa pang gago niya sayo ay ginawa ko na." He said pertaining to Dexter.
"I don't wanna talk about that asshole now---- uminom na lang tayo." Pag iiba ko sa usapan namin dahil sa tuwing sasagi sa isip ko ang lalaking yun ay mas lalo lamang lumalala ang nararamdaman kong galit sa kataksilan niya.
Nag-inuman kami ni Lucas habang nag-kukwentuhan at na-open up nga niya ang tungkol sa ex girlfriend nitong nagtaksil din daw dito noon.
Lucas has a 2 years relationship with his ex-girlfriend na nagpunta sa ibang bansa para magtrabaho and since LDR ang relasyon ng dalawa ay through chat and videocall lang sila nag uusap until one time the girl admitted to Lucas na nagkaroon ito ng ibang lalaki sa ibang bansa but she told him na hindi naman daw nito hihiwalayan ang binata.
But Lucas felt betrayed kaya ito na mismo ang nakipaghiwalay and never contacted that girl again.
"Bakit hindi mo siya binigyan ng second chance, eh nagsabi naman siyang ikaw ang mahal niya?" Tanong ko out of curiosity.
"What for? Para gawin niya ulit. Hindi ako tanga para pumayag na lokohin niya over and over-- nagawa nga niya minsan ibig sabihin she can do it again." Mapaklang tugon nito sabay tungga ng beer.
At habang lumalalim ang usapan namin ay napaparami din ang naiinom namin at halos ay makaubos na kami ng walong lata ng beer.
Namumula na din ang pisngi ko indicating na may tama na sa nainom namin.
"Grabe ang hard mo naman--- lahat naman deserve ng second chance di ba, malay mo magbago talaga siya para sayo." Tugon ko pang nakatitig sa gwapong mukha niya.
At ngayon ko lang napagtanto na mas lalo pala itong gumugwapo pag tinitigan. Ang sarap niyang pagmasdan at hindi ko maiwasang humanga sa kanya ng mga sandaling yun.
Nawala sa isip ko pansamantala si Dexter at ang babaeng makati pa sa gabi.
"Well----- Im not like you Rachel. Dahil naniniwala ako na kapag talagang mahal ka ng tao hindi ka niya lolokohin at sasaktan." Makahulugang turan niya habang matiim na nakatitig sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya.
Tama nga naman kung mahal nga talaga ako ni Dexter hindi nito magagawang lokohin ako ng paulit ulit at saktan ng sobra.
Bigla akong nagbawi ng tingin at ini-straight ko ng inom ang hawak kong beer in can.
Pagbaba ko ay naubo ako ng bahagya.
Nilapitan ako ni Lucas and tap me slightly at my back.
"Easy--- wag mong ubusin lahat kung di mo kaya." He uttered na halata ang pag-aalala sa tinig.
Pasimple akong umiwas sa kanya dahil bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
"I-Im Okay-- ahmmm mag-totoilet lang ako." Paalam ko sabay tayo pero pagtayo ko ay bigla akong gumewang tanda ng pagkahilo but Lucas is too quick dahil agad niya akong nahawakan at bahagya akong napasandig sa matitipuno niyang dibdib.
Lucas is too close and I can smell his aftershave at ang mabangong perfume nito.
"Kaya mo pa ba?" Tanong nitong sobrang lapit ng mukha sa mukha ko.
Napalunok ako at biglang naging uneasy.
"O-oo okay lang." Sagot ko and compose myself bago nagmamadaling nagtungo sa banyo.
Bigla akong nakaramdam ng init sa buo kong katawan dahil sa pagdidikit namin ni Lucas kanina at habang nakatingin ako sa aking repleksyon sa salamin ay biglang sumagi sa isip ko ang nakita kong tagpo noon sa Tagaytay when I saw Dexter with that woman na napag-alaman niyang Chelsea ang pangalan.
Napatiim bagang ako at biglang bumangon ang galit ko sa kanilang dalawa.
I fixed myself and go out para lang magulat dahil nasa bukana ng pinto ng toilet si Lucas.
*Next*
BINABASA MO ANG
Sometimes Love Just Ain't Enough
RomanceHow do you know when to give up? Rachel is a woman who fall madly in love with her boyfriend for 4 years and thought that it would last forever but she was totally wrong dahil ang akala niyang masaya at maayos nilang relasyon ay biglang nanlamig...