[Aki's POV]
Pigil hininga akong nagtatago sa may malaking sanga ng isang puno para hindi nila ako makita. At nasa likuran ko lang si Aries. Dikit na dikit pa ang likod ko sa dibdib niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Itinuon ko na lang ang pakikinig sa mga kalaban para ma-distract ako kay Aries.
"Bakit ngayon ka lang Headmistress Merlly?"
"Hindi na mahalaga kung bakit ngayon lang ako. Ang mahalaga ay magawa natin ang plano," rinig naming sagot ng Headmistress.
"Masyado kang nagmamadali. Pagkatuwaan muna natin ang mga nakapaligid sa'yo na walang kaalam-alam na ang kanilang minamahal naa Headmistress ay isang traydor," sabi naman ng ibang boses. Napakuyom ako ng kamao. Napakawalang hiya niyang traydorin ang sarili niyang lahi.
Narinig namin ang pagtawa ni Headmistress Merlly.
"Pero kailangan nating makuha ang natitirang fire, ASAP"
Ako? Akala ko natigil na sila sa plano na 'yon? Anl bang kailangan nila sa akin? Nagkatinginan kami ni Aries. Seryoso siyang nakatingin na may halong pag-aalala.
"Doon tayo mahihirapan. Kaibigan niya ang tatlong Prinsipe kaya siya ang mahuhuli sa plano," sabi ni Headmistress Merlly.
"Ano ang uunahin natin?," tanong ng isa pang boses.
"Ipagpatuloy lang ang paggawa ng kagulahan para doon matuon ang atensyon nila. Napag-alaman kong may tinatago ang mga Royalties. May libro silang ipinapasa na tinatawag na Orsolus' Book. Ang problema lang ay sino ang tagapangalaga nito," narinig ko ang mahinang pagsinghal ni Aries.
"Paano nila nalaman ang tungkol sa libro?," bulong niyang tanong.
"Paano mo nalaman?"
"Nabasa ko sa isang History Book na nakuha ko sa dating Library. Maraming mga impormasyon ang nandun na nakatago"
"T*ng*na pati ang dating Library, napasok niya," rinig ko namang bulong ng kasama ko. Palihim akong tumingin sa mga nag-uusap.
"Aalamin ko pa kung paano pahihinain pa lalo ang barrier ng Academy. Sa ngayon, dumaan muna kayo sa lagusang nagawa ko para makapasok kayo sa loob. Siguradong tulog ang mga estudyante. Pwedeng-pwede niyo silang gamitin lalo na ang mga beginners," dagdag pa ni Headmistr Merlly. Napakuyom ako ng kamao. Nakapawalang hiya naman niya. Pati mga kapwa namin estudyante, idadamay.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mga itim na usok na lumalabas sa katawan ng mga demonyo hanggang sa may nabuong parang malalaking lobo. Limang lobo. Parang kasing laki nito ng isang jeep sa Mortal Realm.
Nagtinginan kami ng mga kasama namin at nagtanguan. Hindi namin hahayaang makapasok sila sa Academy. Mapapalaban kami ng wala sa oras, although inaasahan na namin itong mangyayari.
Sabay-sabay kaming tumalon paibaba. Nagulat sila sa biglaan naming paglitaw kaya naalarma sila. Yung mga malalaking lobo ay umungol ng malakas. Pero wala si Jam.
"Nasaan si Jam?," tanong ko.
"Humingi ng tulong dahil hindi natin masisigurong kakayanin natin sila. Alam kong ramdam niyo rin ang malalakas nilang awra," bulong na sagot ni Xander.
"Ang fire user at ang mga prinsipe? Nasundan ka nila Headmistress Merlly!," may diing sabi ng isang demonyo na sa tingin ko ay leader nila. Siya lang kasi ang may sungay sa kanila at maraming tattoo sa katawan. Habang ang iba ay mga maiitim na peklat lang.
"Hindi niya deserve na matawag na Headmistress kung pinapahamak niya ang mga mamamayan ng Magic Realm. Traydor ka!," galit na sigaw ni Jace. Inikutan lang kami ng mata ni Headmistress Merlly.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...