[Aki's POV]
Iniwasiwas ko ang magical staff ko at nagpawala ng sunod-sunod na fire bombs tsaka inatake ang isang malaking bato. Sumabog ang bato at nagkalat sa lupa. Nasa gitna ako ng ako ng kagubatan kaya walang madadamay sa ginagawa ko.
"Ang aga mo naman mag-ensayo," napatigil ako at tumingin sa bagong dating - si Aries.
"Anong ginagawa mo dito?," seryosong tanong ko sa kanita at umiwas ng tingin. Tumingin ako sa isang bato bago sinipa paitas. Mabilis kong ginawang bow ang hawak-hawak at at hinila ang string. Nag-concentrate ako bago pinakawalan ang fire arrow. Hindi naman ako nagkamali at natamaan ang bato. Sisipain ko na sana ulit ang isa pang bato nang hawakan niya ang kamay ko ng kung saan hawak ko ang pana.
"Mag-usap tayo," seryosong sabi niya. Tinanggal ko ang pagkakawahawak niya sa akin bago tumango.
"Wala tayong pag-uusapan Aries. Bumalik ka na sa campus. Tignan mo ang mga gagamitin natin bukas kung maayos na," sabi ko pa bago naglakad paalis. Napahinto ako nang may humarap sa akin na isang pader na gawa sa tubig. Lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Umiba ako ng direksyon at ganun pa rin ang mangyari. May humarang sa akin na isang pader ng tubig.
"Aries wala akong oras para makipaglaro sa'yo," seryosong sabi ko sa kaniya na hindi lumilingon.
"Hindi ako nakikipaglaro, Aki. Ang gusto ko lang mag-usap tayo. Bigyan mo ako ng limang minuto, masabi ko lang ang lahat ng gusto kong sabihin sa'yo," hindi pa rin ako lumingon sa kaniya pero alam kong naglalakad siya papalapit sa akin. Bumuntong hininga ako bago ako humarapa sa kaniya. Pero nagulat ako nang nasa harapan ko na pala siya mismo. Tumingin ako sa kaniya. Pinigilan kong huwag maapektuhan sa mga tingin niya.
"Magsalita ka na," sabi ko sa kaniya. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinalikan pa. Anong ginagawa niya?!
"Aki, alam mo namang ikaw ang pipiliin ko, diba? Kaya bago tayo susugod sa mga kalaban gusto kong malaman mo na mahal kita, ikaw ang pipiliin ko ng paulit-ulit at hindi ako magsasawang piliin ka araw-araw. Hindi natin alam kung magtatagumpay tayo kaya gusto kong malaman mo na ikaw ang nakilala kong hindi ko inaasahang mamahalin ko ng ganito. Aki, ang mahalin ka ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at hindi ko 'yon pagsisisihan. Ikaw ang gusto kong mahalin pati na rin sa susunod kong buhay," panmula niya. Hinaplos pa niya ang kaliwang pisngi ko. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maapektuhan sa sinasabi niya.
"Ano ba yang sinasabi mo? Magtatagumpay tayo. At sisiguraduhin kong walang mawawala kahit na isa sa atin," sabi ko sa kaniya.
"Pero hindi pa rin natin hawak ang mangyayari sa hinaharap. Aki, alam mo bang selos na selos na ako sa inyo ni Jace?," Makapagsabi na nagseselos siya sa amin pero grabe kung makipaglandian kay Aira sa harapan ko.
"Gusto kitang ipagdamot, gusto kong hilahin ka palayo sa kaniya kapag dikit siya ng dikit sa'yo pero wala akong magawa dahil alam kong hindi kita pagmamay-ari. Pero Aki, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. At kung may mangyari mang hindi natin inaasahan, gusto kong mabuhay kahit anong mangyari. Hindi ko hahayaang mapahamak ka-"
"Huwag kang magsalita na parang hindi ko kayang iligtas ang sarili ko," pagpuputol ko sa kaniya.
"Alam ko naman 'yon. Sinasabi ko lang na ililigtas kita kahit anong mangyari. Lagi mong tatandaan na ikaw ang pinili ko kahit hindi na ako," umiyas ako ng tingin nang umiyak na siya.
"T-Tapos na ang limang minuto," sabi ki sa kaniya na hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Nakita mula sa peripheral vision ko ang pagtango niya. Napapikit ako nang halikan niya ang tuktok ng ulo ko.
"Goodluck sa atin bukas," bulong pa niya bago siya umatras at tumalikod. Nawala na rin ang mga pader na tubig. Napatingin ako sa kaniya. Tangin likod niya ang nakikita ko pero alam kong pinupunasan niya ang luha niya.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...