Chapter 12

2.8K 194 7
                                    

[Aki's POV]

"Kayong dalawa ay gusto namin makausap at gusto naming magpasalamat sa kabayanihang ginawa niyo para sa tatlong Prinsipe"

Nataranta kaming dalawa ni Jam nang yumuko ang mga Royalties sa harapan namin. Parang nawala ata yung antok ko!

"K-King and Queens! Hindi niyo na po kailangang yumuko," sabi ni Jam. Ngumiti sa amin ay babaeng kulay brown ang suot.

"Kaya pala nandito ang mga Royalties para kausapin kayo," sabi naman ni Mentor Alexus.

"Ah totoo yun. Pero gusto naming anyayahan kayo sa Air Kingdom para doon mag-agahan," nagkatinginan kami ni Jam. Hindi kami makapagsalita. Hindi namin alam kung anong sasabihin namin.

Mag-agahan sa Air Kingdom? Ang sosyal naman! Teka Air Kingdom? Kila Jace yun! Makikita ko ang palasyo nila?

"Mabuti pa ay magbihis na kayong dalawa para hindi maghintay ang mga Royalties ng matagal. Excuse na kayo sa klase ngayong araw," wala kaming nagawa kundi ang sundin so Mentor Alexus.

Agad kaming tumalikod at bumalik sa second floor.

"Grabe, hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Akala ko hindi Royalties ang gustong kumausap sa atin," hindi makapaniwalang sabi ng kasama ko.

"Ako rin. Parang nawala antok ko," binilisan namin ang paglalakad dahil ayaw naman naming paghintayin ng matagal ang mga Royalties. Pero ang gaganda at g-gwapo nila. Lahat ata ng Royalties may maipagmamaabang kapag itsura ang pinag-uusapan.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad ako dumiretso sa banyo para maligo. Mabilisan lang din. FYI, hindi ako mabaho kahit tatlong minuto lang ako maligo. Hahaha. Tsaka hindi rin ako malibag.

Nang matapos akong maligo ay naghalungkat ako sa closet na pwedeng suotin. Napili ko ang isang kulang blue na long sleeve paired with a black fitted jeans. Black na rubber shoes din ang ipinares ko sa suot ko. Inayos ko ng konte ang buhok ko bago kinuha ang pabango. Bahagya kong itinupi ang manggas ng damit ko.

Nang malakas ako ay tinawag ko na si Jam para sabay na kaming bumaba.

"Sandali lang patapos na!," sigaw nito. Nang bumukas ang pinto ay nakasuot na ito ng kulay pure na floral dress. Mas lumitaw ang kaputian niya dahil sa suot niya.

"Tara na," sabi niya at hinila ako.

Nang makababa kami ay sinabi sa amin ng dalawang Royal Guards na nauna na raw ang mga Royalties kaya sa kanila kami sasabay.

Sakay kami ng parang kalesa. Ang humihila nga lang ay isang pegasus! Yes, isang pegasus. Isang minuto pa nga akong natulala habang nakanganga. Hindi kasi ako makapaniwala. Sabi ni Jam, sa Air Kingdom lang daw makikita ang Pegasus. Sa Water Kingdom, doon lang daw makikita ang mga Sirens at Fairies naman sa Earth Kingdom.

Ngayon ay malapit na raw kami sa Air Kingdom. Tumingin ako sa bintana.  Mula rito ay natatanaw na namin ang isang malaking kastilyo. Halos mapanganga ako nang mapansin itong nakalutang ito. May limang parang isla. Ang apat na isla ay nakapalibot sa isang isla kung nasaan ang Kastilyo. Naalala ko rin ang nabasa ko nung isang gabi. Ang Air Kingdom nga pala ay nasa himpapawid.

The Seventh Generation (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon