[Third Person's POV]
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang makabalik si Fredo sa underworld. Galit na galit ang hari na nagpalabas sa kaniya.
"Mahal na hari, ano na ang dapat nating gawin?," tanong ng kaniyang kanang kamay.
"Sa ngayon ay wala pa tayong gagawin. Hayaan nating makalimutan nila ang nangyari at gugulatin natin sila. Sa paraang hindi nila mapaghahandaan," seryosong sagot naman ng hari.
"Kung 'yan ang niyo, aming hari"
"Ang lagusan papuntang Academy, alam nahanap na ba nila?," tanong naman ng hari.
"Sa pagkakaalam ko ay wala pang nakakaalam nang kahit na sino na nasa Academy. Tayo lang ang nakakaalam," sagot ulit ng kanang kamay niya.
"Magaling. Huwag niyong hahayaan na may makaalam. Si Merlly, saan siya ikinulong?"
"Hindi pa naman kung saang eksakto pero nasisiguro kong sa Earth Kingdom siya dinala. Maraming lihim na silid ang palasyo kaya siguradong mahihirapan kaming hanapin siya. Pero huwag kayong mag-alala, hahanapin namin siya bago pa siya umamin sa mga kalahi niya," paliwanag naman niya sa hari.
"Dapat lang. Dahil kapag umamin siya, mahihirapan tayo sa susunod nating hakbang"
Samantala, hindi naman mapakali si Gab habang nakatingin kay Aki. Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kanila noong nakaraang araw. Sabihin na nating nakaligtas sila pero hindi niya maiwasang mag-alala para papa niya.
Napalingon siya sa bintana nang dumating na ang agila na hinihintay niya. Dahan-dahan siyang umalis sa kama at sumakay sa agila. Ilang minuto bago sila nakarating sa gitna ng gubat.
Magkikita ulit sila ng babae.
"Nabalitaan ko ang nangyari noong isang araw. Kumusta ang binabantayan mo?," tanong ng babae sa kaniya.
"Fortunately, nakaligtas po siya. Pero hindi ko alam kung makakaligtas pa siya sa susunod. Kailangan mo na pong magpakita sa kaniya. Hangga't wala ka, magiging limitado lang po ang kapangyarihan niya. Hindi kakayanin ng katawan niya ang malalakas na spell ng Orsolus' Book. Nakakasiguro na rin ako na tuturuan na siya ni King Orsolus ng malalakas at kakaibang spell. Kaya pakiusap, kailangan na niyang makilala ka kung sino ka sa buhay niya," mahabang salita ni Gab sa babae. Humarap siya kay Gab at bumuntong hininga.
"Hangga't hindi pa kaya ng katawan niya ay hindi pa niya ako maaaring makilala, Gab. Pero nakakasiguro akong malapit na niya akong makilala dahil malapit nang mangyari ang dapat na mangyari," sabi ng babae sa kaniya. Walang ibang magawa si Gab kundi ang magtiwala sa sinabi ng babae sa kaniya.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
[Aki's POV]
Hindi napigilang sigawan si Aries nang kunin niya ang iniinom kong apple juice.
"Hoy akin yan e! Bumili ka ng sa'yo," sabi ko sa kaniya habang pilit na kinukuha ang apple juice sa kaniya pero pinipigilan niya ako gamit ang isa pa niyang kamay. Hinawakan niya ako sa ulo at pilit na nilalayo ang sarili.
"Hoy! Ang daya!," pagmamaktol ko nang ubusin na niya. Napasimangot ako at sinamaan siya ng tingin. Mas lalo pa akong napasimangot nang tawanan niya ako.
"Ewan ko sa'yo. Uuwi na nga ako," sabi ko sa kaniya. Tumalikod ako pero hindi pa ako nakakahakbang nang pigilan niya ako.
"Heto na nga, sorry na. Hahahaha nauuhaw ako e," sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...