[Aki's POV]
Nandito kaming lima ngayon sa Headmaster's Office. Bigla kaming pinatawag na lima. Hindi ko alam ang dahilan.
"Bakit mo kami pinatawag Headmaster?," tanong ni Jace.
"Alam niyo na bang ngayong ayaw ang pagbabalik ni Princess Aira kasama ang pinakamatandang Earth User?," hindi kami agad nakasagot. Sa totoo lang ay hindi ko alam at wala akong alam.
"Okay, hindi niyo alam. Kaya kayo nandito para sunduin siya sa Mortal Realm. Siguradong papunta na siya sa lagusan kaya naman gusto kong pumunta na kayo pagkatapos nitong pag-uusap natin. Naninigurado lang ako na hindi siya maa-ambush ng kalaban. Kaya pumunta na kayo," paliwanag niya. Yumuko muna kami ng bahagya bago lumabas. Walang nagsasalita sa aming lima. Nakakapanibago. Tinawag ko si Vio at ganun din ang ginawa ng mga kasama ko.
Ako ang nahuhuli papunta sa lagusan papuntang Mortal Realm. Nakatingin ako sa likuran ni Aries. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa nangyayari sa amin ngayon. Sana pala dapat hindi na lang ako pumayag. May choice akong gawin ang tama pero hinayaan ko ang sarili kong piliin ang mali. Alam kong huli na para magsisi kaya mas mabuting tigilan ko na ang kahibangan ko. Tama naman si Jam e. Imposibleng magkagusto si Aries sa akin. Siguro namimiss niya lang si Princess Aira.
Ilang minuto bago kami nakarating sa lagusan. Wala naman akong naramdamang kalaban kaya na nakahinga ako ng maluwag.
"Poartă deschisă"
Pagbukas ng lagusan ay naunang pumasok si Aries. Siguro namimiss na nga niya si Princess Aira. Sumunod si Xander bago si Jam. Papasok na rin sa nang pigilan ako ni Jace.
"Ayos ka lang ba?," seryosong tanong niya.
"H-Huh? Ah oo. Okay lang naman ako. Bakit mo natanong?," Kunwaring tanong ko pabalik.
"Then why are you crying?," agad kong pinunasan ang pisngi ko pagkasabi niya nun.
"Ah napuwing lang ako. Hehe," sabi ko sa kaniya at pilit na iniiwasang tumingin sa mga mata niya.
"Aki kailan ka maglilihim sa akin? Magkaibagan tayo, hindi ba?"
"Sorry," sorry, malaki na ang kasalanan ko sa'yo at sa pinsan mo.
Bumuntong hininga siya bago ako hinila papasok sa lagusan.
Napapunas ako sa noo ko nang nakaramdam ako ng init na galing sa araw. Nakakapanibago ang ganitong klima.
"Oh gods! Couz, Xander, Babe!," napalingon kami sa biglang dumating. Si Princess Aira. Agad siyang sinalubong ni Jace.
"Namiss kita Aira! Grabe, pangit mo pa rin,"pagbibiro pa niya sa pinsan. Sumimangot si Princess Aira sa sinabi ng pinsan niya pinalo ito sa braso. Sunod naman na lumapit si Xander sa kaniya. Nagyakapan sila saglit bago siya humarap kay Aries.
"Namiss din kita, Babe!," masayang sabi niya bago niya niyakap ng mahigpit ang boyfriend.
"I miss you too," agad akong napaiwas. Masakit e.
"Tara na?"- Jace
"Teka, gusto ko munang kilalanin ang dalawa niyong kasama. Kahit kailan ang sasama niyo talaga," sabi pa ng Prinsesa bago lumapit sa amin ni Jam.
"Hi! I'm Aira. Anong pangalan niyo?," tanong niya. Malakas ang kabog ng puso ko. Nakangiti siya sa aming dalawa ni Jam. Ganyan pa kaya ang ngiti niya kapag nalaman niyang minsan na namin siyang niloko?
"Ako po si Jam Princess Aira mula sa Earth Kingdom at isang member ng House of Frourá. Kinagagalak ko po kayong makilala," pagpapakilala ni Jam. Ngumiti siya sa kaniya bago sila nagkamayan. Tumingin sa akin si Princess Aira.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...