[Aki's POV]
Kinakabahan akong pumunta harapan ng nga kaklase ko kung nasaan ang mga mansanas.
"Kaya mo yan Aki!," rinig kong sabihin ng mga kaklase ko. Ngumiti ako sa kanila bago huminga ng malalim.
"Go Fay!"
Isang babae ang makakalaban ko mula sa House of Polemistís. Hapit na hapit sa kaniya ang uniform nila. Bumagay din sa kaniya ang kulay. Mas lumitaw tuloy ang kaputian niya. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Goodluck sa atin. Ibigay natin ang best natin okay. No holding back, okay?," Tumango ako sa sinabi niya.
Inihanda ko ang ang sarili ko nang itininaas ni Master Azul ang kaniyang kanang kamay.
"Bibigyan namin kayo ng dalawampung minuto. Paano manalo? Kailangan lang na may tatlong mansanas ang matamaan ng House of Polemistís. Pero kapag natapos ang 20 minutes na hindi umabot sa tatlo ang napatamaan, ang House of Frourá ang panalo. Ready?"
Isang segundo bago niya ibinaba sabay sabing, "Magsimula na kayo!"
Mabilis na gumalaw ang kamay ko para lagyan ng barrier ang pangatlong mansanas nang bumato ng Earth blades si Fay. Mabilis ang mga atake niya. Naalala ko ang sinabi dati ni Jace, kaming mga kabilang sa House of Frourá, kaya rin naming gumawa ng atake kahit papaano. Gaya ng nagawa ko nung nasa Mortal Realm pa kami.
Pansin ko ang dalawang Earth blades na pupunta sa una at sa pang-apat na mansanas. Ginawan ko ng barrier ang unang mansanas. Gumawa ako ng fire ball at ipinatama ang earth blade na papunta sa pang-apat na mansanas. Halatang nagulat si Fay. Mabilis siyang umikot at may limang earth blades na papunta sa direksyon sa limang mansanas.
Ginaya ko ang ginawa niya. Gumawa rin ako ng fire blades. Limang fire blades. Napamura ako sa isip nang maramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Mabilis kong ipinatama sa earth blades ni Fay. Kaso may isa siyang atake na di ko napansin. Kaya natamaan ang pang-apat na mansanas.
Narinig namin ang hiyawan ng kabilang House.
"Okay lang yan Aki. 9 minutes na lang," sabi ni Myca. Huminga ako ng malalim.
Itinapat ko sa harapan ang dalawang kamay ko. Mula sa harapan ng mga mansanas ay may tumubong fire wall.
Naramdaman ko ang bigat ng mga atake ni Fay kaya mas pinatibay ko pa ang fire wall. Mabilis kong ikinumpas ang isa kong kamay para gumawa ng fire blades papunta sa itaas ng panglimang mansanas. Tumama ito sa earth ball na atake ni Fay. Akala niya siguro ay hindi ko mapapansin iyon.
Nagulat ako nang may lumitaw na malaking kamao na gawa sa tipak ng lupa. Mabilis nitong sinuntok ang fire wall kung nasaan ang pangalawang mansanas. Napangiwi ako ng mawasak ito kasama ang mansanas. Naghiyawan ulit ang mga Polemistís kaya hindi ko mapigilang mas kabahan.
"Tatlong minuto"
Hindi ko pwedeng hayaang manalo si Fay. Pansin ko ang kaba ng mga kaklase ko dahil tahimik lang sila.
Anong pwede kong gawin? Nanghihina na rin ako at alam kong ganun din si Fay. Sa lakas ba naman ng mga atake niya at sunod-sunod pa. Kailangan kong makagawa ng paraan.
Mukhang gagawin ulit ni Fay na gumawa ng malaking kamao na gawa sa lupa.
Aki, isip ka!
Mabilis kong ikinumpas ang dalawang kamay ko para gumawa ng barriers sa bawat mansanas. Naramdaman ko ang sakit sa katawan ko nang suntukin ng kamaong gawa sa lupa ang unang mansanas. Pinilit kong mas patibayin ang mga barriers. Ikinumpas ko ulit ang kanang kamay ko. Kinontrol ko ang mga barriers at inilayo. Ibig sabihin, pati ang mga mansanas na nasa loob ng barriers ay nasama.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...