[Aki's POV]
Hinahabol ko ang hininga ko pagkapasok ko sa kwarto ko. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi ni Aries kanina. At totoo kaya 'yon? Pero paano si Aira kung sakali? Siguradong masasaktan siya. Parang hindi kakayanin ng konsensiya ko kapag nangyari yun. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Isantabi ko muna yan nararamdaman ko, Aki. May mas malaki pang problema," bulong ko sa sarili ko. Siguradong galit na galit na si Raphael ngayon. Siguradong gagawin niya talaga ang sinabi niya na makikidigma siya sa amin. Pero kung mangyari man 'yon, kailangan na naming maghanda.
"Urvine"
Agad naman siyang lumabas sa katawan ko pagkatawag ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin kaya niyakap ko siya kaagad.
"Akala ko hindi ka na babalik sa akin," sabi ko sa kaniya.
"Pwede ba 'yon? Tsaka hindi naman pwedeng basta-basta na lang akong pipili ng kapalit mo. Hangga't nabubuhay ka pa, hindi pa ako pwedeng hahanap.ng panibagong tagapangalaga," sabi niya.
"Ibig sabihin, kahit kanino ka mapunta, babalik at babalik ka pa rin sa akin basta nabubuhay pa ako?," tanong ko. Tumango siya bilang sagot. Napahinga naman ako ng maluwag.
"Akala ko pa naman hindi na. Pero maiba tayo, may nakuha ka bang impormasyon kay Raphael?," tanong ko ulit.
"Meron. Nasa kanila ang rebultong tagabukas ng portal papuntang underworld. Nag-aalay sila ng mga kababaihan kapalit ng tatawagin niya kahit na sinong galing sa underworld," paliwanag niya.
"Kaya pala hanggang ngayon ay may nawawalang kababaihan. Ano pa ang mga nalaman mo?," tanong ko.
"Plano ni Rapbael na tawagin ang lahat ng nilalang sa underworld bilang kasama sa digmaang magaganap," sagot pa niya. Napakuuyom ako ng kamao.
"Paano niya gagawin yun?," tanong ko ulit.
"Ang mga kasama niyang diavol ang i-aalay niya," seryosong sagot niya.
"Napakawalang hiya niya talaga. Pati ang mga kasama niya, isasakripisyo para lang sa kasamaan niya," naiinis kong bulong.
"Anong gagawin natin?," Tanong naman niya.
"Kausapin mo ang ibang Elemental Spirits, gusto kong bantayan niyo ang mga pwedeng papasukan ng mga kalaban, makakaya niyo ba yon?," tanong ko ulit.
"Titignan namin kung anong makakaya namin. Huwag kang mag-alala, gagawin namin ang sinasabi mo," sabi niya.
Tumango ako bago humiga. Nawala na siya paningin ko kaya napatitig ako sa kisama. Naalala ko na naman yung sinabi ni Aries kanina. Napasimangot ako.
"Bakit pa kasi sa may girlfriend ako nagkagusto?," bulong na tanong sa sarili. Pumikit ako at hinayaang dalawin ako ng antok.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Kakagising ko lang at papunta na ako sa dining area. Pagdating ko doon ay ako na lang pala ang hinihintay.
"Good morning," bati ko sa kanila.
"Good morning anak. Maupo ka ba para makapag-almusal na tayo," sabi ni pala. Umupo ako sa tabi ni Jam. At sakto namang nasa tapat ko si Aries. Napakunot ang noo ko nang ngumiti siya sa akin. Hindi ko siya pinansin at kumuha ng makakain.
"Anong oras kayo babalik ng Academy anak?," tanong ni mama.
"Pagkatapos siguro naming kumain mama," sagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantastikSeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...