[Aki's POV]
Isang buwan. Isang buwan na simula nang piliin ko ang nararamdaman kay Aries. At kung tatanungin ko kung ano na ang meron ss amin, walang kami. Ang alam ko lang, pareho kami ng nararamdaman.
"Papa," napalingon ako kay Gab nang tawagin niya ako. Nasa Lake of Lady Lotus kaming dalawa ngayon. Pagkatapos ng klase ay sinundo ko siya para dalhin dito.
"Ubos mo na agad? Bilis naman," nagtataka kong tanong sa kaniya. Ngumiti lang siya na kita ang gilagid kaya hindi ko napigilang guluhin ang buhok niya. Bumili pa kasi kami kanina ng pagkain bago pumunta rito.
"Gusto mo pa ba 'nak?," tanong ko sa kaniya. Mabilis siyang tumango. Mahina akong tumawa dahil favorite niya ring kumain ng cheesecake. Isang slice pa lang ang nakain pero nakakadalawa na siya.
"Papa, si Tito Aries po?," bigla niyang tanong. Pinunasan ko muna ang gilid ng labi niya bago sumagot.
"Hindi ko alam e. Bakit mo naman natanong?," tanong ko sa kaniya pabalik.
"Kasi hindi mo po siya kasama," sagot niya habang nasa pagkain ang atensyon.
Nakakatawa mang sabihin pero si Gab lang ang nakakaalam tungkop sa amin. Hindi ko naman sinabi sa kaniya ng direkta. Siya yung nagtanong. Minsan tuloy naiisip ko na hindi na siya bata mag-isip.
Nang matapos kong kainin nag kinakain ko ay tumingal ako sa langit. Papalubog na ang araw. Teka, ngayon ko lang napansin na hindi umulan ng nyebe ngayon. Pero yung klima, wala pa ring nagbago. Medyo malamig.
"Papa, bakit po? May problema?"
"Wala 'nak. Tapusin mo na yan para makauwi na tayo," sabi ko sa kaniya. Tumango siya at ngumiti bago tinuloy ang pagkain.
Nang matapos siya ay agad ko siyang binuhat at pinunasan ang bibig niya. Papalabas na kami nang mabilis na dumilim na ipinagtataka ko. Meron na rin ang buwan.
"May mali," bulong ko. Napatingin ako sa kaliwa ko nang makarinig ako ng kaluskos. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa naging takbo na. Mabilis ang pagtibok ng puso ko.
"P-Papa, may humahabol sa atin," rinig kong sabi ni Gab kaya tumingin ako sa likuran ko. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang nakalaking aso. Wait, hindi aso kung isang werewolf!
Binilisan ko pa ang pagtakbo at nilabas ang magical staff ko. Pinalibutan ko ang katawan namin ng fire barrier. Napatigip ako nang tumalon siya papunta sa harapan namin kaya umiba ako ng diresyon. Tumalon ako papunta sa mga malalaking sanga ng mga puno. Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Gab.
"Huwag kang bibitaw Gab. Close your eyes," sabi ko sa kaniya na agad niyang sinunod. Imposibleng may werewolf! Sa pagkakaalam ko, nasa underworld ang natitirang werewolf kasama na ang hari ng mga bampira.
Huwag nilang sabihin na pinalabas ang werewolf mula sa underworld?
Napamura ako sa isip nang salubungin ako ng werewolf nang pababa na ako. Agad kong ikinumpas ang magical staff ko para gumawa ng fire waves. Nakahinga ako ng maluwag nabg maka-landing kami ng maayos.
"Saan ka nangngaling? Sino ka?," seryosong tanong ko sa kaniya at itinutok ko ang magical staff ko sa kaniya. Imbes na sumagit ay umatungal ito at tumakbo papunta sa direksyon namin. Tumalon ako nang mataas para makaiwas at inihampas ko sa katawan niya ng malakas ang magical staff ko na naging dahilan para tumilapon siya. Pagkalanding ay tumakbo na ulit ako ng mabilis.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa amin kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa armas ko at kay Gab.
"Respirația de foc a dragonului," bigla akong tumigil at itinutok sa werewolf ang magical staff ko. Mula sa harapan ko ay may lumitaw na malaking magic circle at lumabas doon ang malakas na apoy. Napamura ako nang mabilis niya lang na naiwasan yun. Nagpatuloy ulit ako sa pagtakbo habang pinapatamaan siya ng fire balls.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...