[Aki's POV]
Isang linggo...
Isang linggo na simula nang mangyari yon sa kwarto ni Aries. Pero pagkagising ko ulit matapos kong managinip, pinilit kong kalimutan yun dahil mukha namang hindi big deal kay Aries yun.Kaya ngayon ay balik kami sa dati, na parang walang nangyari.
"Aray ko! Aki, kanina ka pa ha!," asar na sabi niya sa akin. Binatukan ko kasi siya. Tinaasan ko siya ng kilay bago humalukipkip.
"Kanina mo pa inuubos ang pagkain ko. Bakit hindi ka bumili ng sarili mo? Naghihirap ka na ba?," imbes na sagutin ako ay nginisian niya lang ako at kinain ulit ang cheesecake ko.
"Aries!," suway ko. Sinubukan kong kunin yun pero mabilisan niyang inubos.
"Oops, ubos na," napatingin ako sa box na pinaglagyan ng cheesecake kanina.
"Ang cheesecake ko," naiiyak kong bulong. Nakakaisang kagat pa nga lang ako dun tapos naubos na. Ako dapat yung nambuburaot kasi mas malaki ang allowance nila kumpara sa amin ni Jam.
Mas lalo akong nalungkot nang tumunog ang tiyan ko. Nakita ko kung paano magpanic si Aries. Mukhang gumana sa kaniya ang pagmamakaawa ko.
"U-uh-Aki, uy huwag ka umiyak. Hintayin mo ako dito, papalitan ko yun," mabilis siyang umalis dito sa pwesto namin at pumutang cafeteria. Nandito kasi kami sa Lake of Lady Lotus.
Nang makalayo si Aries ay pinunasan ko ang luha ko bago natawa.
"Success!," sabi ko. Naiiling namang natatawa sina Jace at Jam, habang si Xander ay walang pakealam dahil natutulog siya.
"Para kayong tanga. Pero in fairness, gumana yung gimik mo," sabi ni Jam.
"Aba dapat lang. Lagi niyang inuubos pagkain ko," natatawa namang sabi ko sa kaniya.
Anyway, breaktime namin ngayon ni Jam at nasakto namang walang ginagawa itong tatlong Prinsipe kaya naisipan naming magsama-sama na muna. Habang naghihintay kay Aries ay sumandal muna ako kay Jace. Katabi ko rin kasi siya. Napahikab ako. Inaantok ako! Nanaginip na naman kasi ako tungkol sa Prinsipeng tagapangalaga ng Fire Spirit, si Price Cairo. Alam ko siya si Prince Cairo dahil sa panaginip ko, tinawag siya ng isang royal guard na Cairo.
Nawala sa isip ko ang panaginip ko nang dumating si Aries. Nang iabot niya sa akin ang box. Nagningning ang mga mata ko nang makita kong dalawang slice ng cheesecake ang nandun. Agad ko namang binuksan yun at kinain.
"Sarap," ang nasabi ko habang nilalasap ang masarap na cake. Halata namang mahilig ako sa matatamis diba? Pero mas lalo akong sumaya nang may inabot ulit si Aries. Isang iced chocolate drink. Aabutin ko sana yun nang ilayo niya yun. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pinagti-tripan mo na naman ba ako, Aries?," inis kong tanong. Natatawa siyang umiling.
"Hindi ah. Bago mo matikman to, mauuna muna ako," sabi niya bago binuksan yung ice chocolate drink at tsaka uminom. Wala na akong magagawa, nagawa na niya e.
Dahil sa medyo boring ay naisipan naming magkwentuhan. Ginising din namin si Xander para mas masaya. Kaso natigil lang 'yon nang tumunog ang suot ng mga prinsipe na relo. Ibig sabihin, kailangan sila sa Headmistress' Office. Nagkatinginan silang tatlo.
"Kailangan muna naming iwan kayo," sabi ni Aries.
"Huwag na. Sama na lang kami sa inyo papuntang campus tutal malapit na rin naman matapos ang breaktime," sabi ni Jam na sinangayunan ko naman.
"Sige, tara na"- Jace.
Agad naming tinawag ang mga griffin namin at pumunta sa Campus.
"May nangyari na naman siguro kaya pinatawag sila ng Headmistress," sabi ni Jam habang naglalakad kami papunta sa room.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...