Chapter 43

2.5K 168 8
                                    

[Aki's POV]

Isang linggo. Isang linggo na akong kinukulit ni Aries ng palihim. Gabi-gabi, pumupunta siya rito sa kwarto namin. Kapag alam niyang tulog na si Gab ay doon siya magpaparamdam. Napahilamos ako sa mukha. What to do? Hindi ko na rin kaya yung mga ginagawa niya. Nadadala na ako. Yung pangungulit niya, yung sweetness niya, yung presensiya niya, nasasanay na ako at hindi ko na kaya pang tagalan.

Tungkol naman kay Kuya Javier, okay na kami. Natanggap na raw niya na hindi ako magkakagusto sa kaniya kaya medyo iniiwasan niya ako. Napabuntong hininga ako. Nakokonsensiya ako pero hindi naman pwedeng patagalin ko ang panliligaw niya kung masasayang lang sa huli, diba? Mas nakakakonsensya yon, ang dami niyang efforts tapos masasayang sa huli.

Paglabas ko sa banyo ay natutulog na si Gab. Siguradong pagod din ang bata 'to. Pumasyal kasi siya kasama ang mga Royalties sa paglilibot sa buong Magic Realm.

Mamaya pa ako matutulog dahil kakausapin ko pa si King Orsolus. Kailangan kong tanungin kung bakit ganun na lang ang panaginip ko lately. Nakikita ko na ng mga panaginip ko, hindi na malabo. Pati ang mukha ng nina King Artemio at ang asawa niyang si Queen Elise. Napakaganda niya. Napakaamo ng mukha. Parang hindi ka magsasawang yakapin siya. Yung boses niya, napakalambing.

Nilabas ko ang libro bago pumasok sa loob.

"King Orsolus!," Tawag ko sa kaniya.

"Anong kailangan mo, Aki? Matagal-tagal din tayong hindi nagkita," napalingon ako sa harapan ko nang magsalita siya. Ngumiti ako sa kaniya bago yumuko ng bahagya.

"Siguro po ay alam niyo na kung bakit ako narito," sabi ko sa kaniya.

"Uhm hindi nga e. Bakit ka nga ba narito?," tanong niya. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya ng seryoso.

"Tungkol sa Royal Family ng huling henerasyon ng Fire Kingdom. B-bakit ganun? Naguguluhan ako"

Lumapit sa sa akin bago ipinatong ang kaliwang kamay sa kanang balikat ko.

"Marami ka nang katanungan na nabubuo ngayon. Bakit hindi mo hayaan na masagot ang mga 'yan sa tamang panahon?"

"Pero kailang ang tamang panahon King Orsolus? Habang tumatagal, mas lalo akong naguguluhan. Hindi ko maintindihan. Sino ba talaga ako?," tanong ko ulit.

"Aki makinig ka ng mabuti, hindi ba't sinabi ko sa'yo na malapit mo nang malaman ang totoo? Pero hindi pa ito ang tamang oras"

Hindi ko napigilang mapasimangot. Hanggang kailan ako maguguluhan? Wala akong mapapala kung magtatagal ako pa rito kaya lumabas na ako ng libro.

"Ay gago," hindi ko napigilang mapamura nang paglabas ko ay mukha ni Aries ang bumungad. Natalisod ako kaya agad nkya akong sinalo para hindi bumagsag sa sahig. Nakangiti siyang nakatitig sa akin samantalang hindi ko alam kung ano gagawin. Kaya bago pa ako makagawa ng katangahan, tumayo ako.ng maayos at lumayo ng konte sa kaniya.

"Bakit parsng gulat na gulat ka?," Natatawa niyang tanong.

"Sinong hindi magugulat kung biglang may bubungad sa'yo?," inis kong tanong sa kaniya. Niyakap niya ako.

"Ito naman, naiinis agad. Namiss lang kita?," nakakunot ang noo kong tumingin sa kaniya.

"Huh? Kasama mo lang ako kanina a," mali kayo ng iniisip, magkakasama kaming lima kanina.

"Iba pa rin yung kasama kita na wala yung tatlo," sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"A-Aries lumayo ka nga. Baka magising pa si Gab at makita ang ginagawa mo," bulong ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin.

The Seventh Generation (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon