A/N: Guys ito na yung update! Sorry kanina. Aksidente kong napublish na hindi pa natatapos. Pero ito na talaga yun! Loveyouall
*unedited*•••••••••••••••••••••••
[Aki's POV]
Nagkagulo ang mga nasa Healing Department nang makita nila ang kalagayan ni Aries. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Naiiyak ako sa totoo lang. Sinalo niya yung palaso na dapat para sa akin.
Hindi ko alam kung kanino ko isisisi. Kung kay Headmistress Merlly ba dahil siya ang may gawa nun, o kung si Aries mismo dahil siya ang sumalo o sa sarili ko dahil hindi ko napansin ang natitirang palaso na dapat ay para sa akin.
Naiwan kami sa labas ng kwarto kung saan dinala si Aries. Naupo ako sa isang upuan at ganun din sina Jace. Hindi ko na napigilang yumuko pa.
"A-Ako dapat yung tinamaan. Bakit niyo hinayaan si Aries?," tanong ko sa kanila. Paiyak na rin ako dahil hindi ako makapag-isip ng maayos.
"Hindi namin siya napigilan. Hindi namin alam na gagawin niya 'yon pero Aki-"
"Kasalanan ko 'to. Kung n-napansin ko lang sana ang palaso na'yon, hindi niya 'yon sasaluhin," pagpuputol ko kay Jace. Naramdaman kong hinimas ni Jam ang likod ko.
"Aki, hindi mo kasalanan ang nangyari okay? Huwag mong sisihin ang sarili mo," sabi naman ni Xander. Umiling ako dahil hindi ako sumasang-ayon sa kaniya.
"Hindi Xander. Kasalanan ko 'to. Kung hindi niya ako niligtas, ako dapat ang nasa kalagayan niya. Hindi niya deserve 'to. Hindi pwedeng mawala siya," sabi ko naman habang umiiyak na. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Takot na mawala si Aries. Hindi siya pwedeng mawala.
Napalingon kami kina Tito Apollo nang nagmamadali silang nakarating dito. Tumayo kami para salubungin sila.
"Kumusta si Aries?," tanong agad ni Tita Janice.
"Hindi pa namin alam tita. Ginagamot pa rin po siya," sagot ni Jam.
Tumingin ako sa kanila.
"Tita, Tito, I'm sorry po. Dahil sa akin kaya nangyari ito. K-Kung - kung hindi niya sana sinalo ang palaso na para sa akin, hindi mangyayari ito sa kaniya. I'm really sorry po. Tatanggapin ko lahat ng gusto niyong gawin sa akin. Lahat ng ipapagawa niyo bilang parusa, gagawin ko-," nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Tita Janice.
"Alam kong hindi ko kasalanan ang nangyari, Aki. S-Siguro sobra kang mahalaga kay Aries kaya nagawa niya 'yon. Malakas si Aries, makakaligtas siya," mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Natigil lang kami nang lumabas si sir Dave.
"Dave, How's Aries?"
Yumuko muna si sir Dave bago sumagot.
"Natanggal na namin ang palaso sa katawan niya. Natanggal na namin ang lason na kumalat katawan niya. Ang hindi namin matanggal ay ang lason sa puso niya," parang mas lalo akong nawalan ng lakas sa narinig ko. Naiyak na rin si Tita Janice. Niyakap siya ni Tito Apollo para pakalmahin.
"A-ano pong pwedeng gawin para matanggal ang lason sa puso niya?," lakas loob kong tanong. Seryosong tumingin sa akin si sir Dave.
"Sa totoo lang, bago sa amin ang lason na hindi namin natanggal sa kanya. Hindi pa namin alam kung anong klaseng lason 'yon. Pero maari niyo bang sabihin kung paano niya nakuha yun?"
"Dahil sa palasa na tinanggal niyo sa katawan niya. At si Headmistress Merlly ang may gawa nun sa kaniya," halata ang pagkagulat sa mukha ni sir Dave.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...