[Aki's POV]
Dahil sa masamang nangyari sa Academy, mas hinigpitan ang security sa Academy. Lahat ng pwedeng pasukan ng kalaban ay may nakabantay. Isang linggo akong namalagi sa Mt. Maria kasama si Johaya. Doon ko nilabas lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ni Gab sa akin.
Pero ngayon ay papunta kami sa Water Kingdom. May gaganapin kasing pagdiriwang. Yun ay ang 22nd Wedding Anniversary nina Tito Apollo at Tita Janice. Si Jam lang ang kasama kong papunta since nauna na ang mga Prinsipe at ni Aira. Napabuntong hininga ako. Kapag ganitong papunta kami sa Water Kingdom, ingay ni Gab ang naririnig namin. Hindi siya titigil sa kakadaldal dahil sa mga nakikita niya.
"Naalala mo siya, 'no?," tanong bigla ni Jam. Hindi ako sumagot dahil alam ko naman alam niya na ang sagot. Kahit na sabihin nating maging masaya ako gaya ng sabi ni Gab kahit wala na siya, hindi ko pa rin maiiwasan. Dahil sa kaniya kaya ako nagpapatuloy. Gusto kong tuparin ang huling kahilingan niya.
"Ako rin naman, namimiss ko siya. Lalo na ang kakulitan at pagiging malambing niya. Pero alam mo, dahil sa kaniya natuto akong magpatuloy. One time siya pa mismo nagsabi sa akin na, kahit gaano ka pa kalungkot o kabigat ang pinagdadaanan mo, dapat matuto kang maging matatag at maging masaya. Dahil sa oras na hinahayaan mong kontrolin ka ng kalungkutan, hindi ka makakapag-isip kung paano makakalayo mula dito. Kaya ikaw, be happy. I mean, yung totoong masaya. Kahit wala na siya, magpatuloy ka. At isa pa, you have us pa naman e. Marami pang nagmamahal sa'yo, okay?," pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kaniya.
"Salamat," sabi ko pa.
"No worries," sabi niya at kumindat pa.
"Ay nga pala, nakita ko kayo ni Xander kagabi. Ang sweet niyo. So, anong meron sa inyo? Huwag ka na magkaila dahil kulang na lang kainin ang isa't isa kagabi," natatawa akong tumingin sa kaniya nang literal na namula siya.
"A-ah wala-"
"Wala? So may magkaibagan bang naglalambingan na parang in a relationship? Sige sabihin na nating, meron ngang ganun pero iba ang nararamdaman ko. Parang more than that," sabi ko.
"F-Fine. Aamin na ako. Nanliligaw siya sa akin," pag-aamin niya.
"Nanliligaw? Eh bakit parang-"
"Nanliligaw nga! Kulit mo. Tsaka ko na siya sasagutin kapag pumayag sina papa," sabi niya.
"Oo na. Nanliligaw na kung nanliligaw," sinimangutan niya ako kaya natawa pa ako lalo.
Isang oras bago kami makarating sa Water Kingdom na walang nakakasalubong na kalaban.
"Mabuti nandito na kayo! Tara na, nakahanda na ang pamalit niyo para mamaya," salubong sa amin ni Aries. Tumango kami sa kaniya. Tungkol naman ang issue namin ni Aries, parang wala na. Balik na kami sa dati. Sabihin na nating mahal ko pa rin siya pero walang magandang maidudulot sa amin dalawa kaya mas maganda kung maging magkaibagan na lang kami gaya ng dati.
Binigay sa ami ng dama ang susuotin namin. Ilang oras na lang kasi bago magsimula ang party. Nagsisidatingan na rin ang mga iba't ibang mamamayan mula sa ibang Kingdom. Isang navy blue na suit ang binigay sa akin.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
"Happy anniversary po inyo, Tito, Tita," Bati ko sa kanila at binigay sa kanila ang regalo ko. Hindi naman kalahikan yon. Isa yung family picture nila na gawa sa mga bulaklak na nasa Mt. Maria.
"Salamat Aki," sabi ni Tita Janice sa akin bago ako niyakap.
"Happy anniversary po sa inyo. More years to come!"- Jam
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...