[Third Person's POV]
Tutok na tutok kay Princess Aira ang atensyon ng lahat. Naglakad at pumunta sa pagitan ng magkatabing kama kung saan nakahiga sina Aries at Aki.
"Pwede niyo ba kaming iwan muna saglit?," sabi niya sa mga Healers at Dama na agad naman nilang sinunod. Pagkalabas nila ay napabuntong hininga ang batang Prinsesa.
Pagpitik niya sa dalawang daliri ay may lumitaw na pulang string na nakatali sa hinliliit nila Aries at Aki. Magkakonekta ito. Hindi alam ng nakakita ang pwede nilang i-react. Halata ang pagkagulat sa mga mata nila lalong lalo na si Aira. Hindi na gaanong nagliliwanag ang red string.
"A-ang red string?," hindi makapaniwalang tanong ni Xander.
"Tama kayo ng iniisip. They are soulmates. Kaya sila nawalan ng malay dahil isa sa kaninang dalawa ay sumusuko na at hindi na naniniwala na sila ang para sa isa't isa," paliwanag ni Kyla sa mga kasama.
"Pero bakit mo ito agad sinabi sa amin? Sa akin?," tanong ni Aira na hindi pa rin makapaniwala sa nalaman.
"Dahil girlfriend ka ni kuya, ate. At ayokong masaktan ka. Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kanila kuya dahil hindi pwede. Dapat sila ang makakadiskobre na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. Kaya hindi ko rin sinabi kasi naghahanap ako ng pwedeng gawin para mapigilan ang kahit na anong pwedeng mangyari kapag may sumuko sa kanilang dalawa," mahabang paliwanag pa ni Kyla.
"Sana sinabi mo pa rin samin anak kasi kuya mo ang pinag-uusapan dito"
"Sorry papa. Akala ko kasi makakahanap ako ng paraan e"
"Anong pwedeng mangyari kapag tuluyang sumuko ang isa sa kanila?," tanong bigla ni Jace.
"May tatlong pwedeng mangyari. Una, pwedeng may mamamatay sa kanilang dalawa. Pangalawa, pareho silang mamamatay. At ang pangatlo, makakalimutan nila ang isa't isa at hindi na magtatagpo ang landas nila. Pero ang pangatlo ay maliit lang ang chance na mangyari. Ang kaya ko lang pong pwedeng gawin ay palakasin ang red string na nakakonekta sa kanila para hindi na ulit mangyari ito. Pero baka hanggang tatlong buwan lang ang pwedeng itagal ng gagawin ko," paliwanag pa ni Kyla. Hindi makapagsalita ang mga nasa loob.
Samantala, halo-halo ang nararamdaman ni Aira. Hindi siya makapaniwala at hindi niya matanggap. Sino bang magiging masaya sa nangyayari diba?
•••••••••••••••••••••••••••
[Aira's POV]
Nandito ako ngayon sa labas ng palasyo. Agad na tinapos nila Tita Janice ang party nila dahil sa nangyari kina Aries at Aki. Bakit ba nangyari 'to? Wala naman akong kasalanan sa mga gods and goddesses. Lahat ng mga tungkulin ko dito sa Magic Realm, ginagawa ko naman ng maayos. Ayoko silang kwestyunin pero kasi masakit e. Hindi ko matanggap o kayang tanggapin. Mahal na mahal ko si Aries.
Ang dami kong plano para sa aming dalawa. Ang dami kong gustong gawin kasama siya. Gusto kong siya ang makasama ko habang buhay.
"Bakit nandito ka pa sa labas?," napalingon ako kay Jace pero agad din akong umiwas. Umupo siya sa tabi ko.
"A-Ang sakit Jace. Hindi ko matanggap. Hindi ko alam kung pinaglalaruan kami ng tadhana o ano. Mahal na mahal ko si Aries at hindi ko kayang mawala siya sa akin pero hindi ko rin kaya ng konsensiya ko na may mawala sa kanila dahil sa pagiging selfish ko," napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na rin napigilang mapaiyak. Niyakap niya ako kaya mas lalo ang naiyak.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...