[Aki's POV]
Isang linggo na ang nakakalipas pero parang ang dami na agad ang nangyari. Busy ang lahat. Ang Academy ang pinaka-busy dahil tinutukan na nila ang kahinaan ng bawat Houses.
At ganun din kaming mga prinsipe. Kailangan naming magawa ng mabuti ang Supreme's Summoning. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ng tama.
"Ulitin niyo. Sa may gitna niyo ituon ang elemento niyo. Kumalma kayo. Dapat iisa lang ang iniisip niyo," sabi ni Lolo Orsolus.
Nandito kami ngayon sa loob ng Orsolus' Book. Yes, nagawa kong isama ang tatlo papasok dito sa loob. Dito kasi ay mas tahimik at makakapag-concentrate kami ng mabuti.
Pareho kaming hinihingal na apat pagkatapos naming magkamali ulit. Napaupo so Jace.
"K-Kailangan kong magpahinga saglit. Feeling k-ko malapit na maubos ang lakas ko," sabi pa niya. Napabuntong hininga si Lolo Orsolus.
"Sinabi ko na sa inyo dati pa. Hindi basta-basta ang pinaplano niyong gawin. Wala pang nakakagawa niyan," sabi pa niya.
"Pero Lolo, hindi pwedeng magtagumpay ang kapatid mo sa pinaplano niya," giit ko.
"Oo pero kapag hindi niyo pa nagawa ngayong araw, wala na kayong magagawa kundi ang harapin siya kasama ang mga nilalang ng underworld," sabi naman ng lolo.
Nagkatinginan kaming apat.
"Hindi pwedeng magtagumpay pa siya ulit. Hindi na ako papayag na may madadamay pang ibang nilalang dahil lang sa kasamaan niya. Ulitin natin," seryosong sabi ko.
"Pero kaya mo pa ba Jace? Pwede namang magpahinga pa saglit-"
"No. Kaya ko pa. Huwag kang mag-alala-"
"Pero Jace-"
"Kaya ko pa, Captain," hindi ko naman maiwasang tignan siya ng seryoso. Tinatawag kasi nila ako ng Captain kapag seryoso sila sa sinasabi nila. Bumuntong hininga ako at tumango.
"Sige kung ganun pwesto na," sabi ko.
Sabay-sabay naming pinalabas ang mga Elemental Spirits. Sabay din naming ikinumpas ang mga kamay namin. Mula sa paann namin ay may lumitaw na magic circle at kumunekta sa isa't isa. Pati na ang lumitaw na magic circle sa gitna namin ay kumonekta.
"Noi, Gardienii Elementali ai Tărâmului Magic, numim spiritul gardianului de poartă al lumii interlope"
Lumutang mga Elemental Spirits at tumapat sa amin. May lumabas na puting liwanag sa kawatan nila at pumunta sa gitna nila. Umikot-ikot 'yon nang pareho kaming makaramdam ng panghihina. Para kasing hinihigop ang kaluluwa namin. At parang may kung anong gustong pumasok sa loob ng katawan namin. Ang sabi ng Lolo Orsolus, mga kaluluwa raw na hindi pa tinatanggap sa Paraiso.
"Focus. Kapag hinayaan niyo silang pumasok sa loob ng katawan niyo, maaaring hindi niyo na mababawi ang katawan niyo," sabi ni Lolo kaya mas tinatagan namin ang mga sarili namin. Dinagdagan namin ang pwersang nilalabas namin.
Ang puting liwanag ay tumigil sa pag-ikot at unti-unting bumaba papunta sa magic circle na nasa gitna namin. Nagkaroon ng matinding liwanag at lumakas din ang hangin.
"Sino ang nagtawag sa akin?," Rinig namin. Nang mawala ang liwanag ay may isang lalaking may maskara ng isang bungo ang nasa gitna ng magic circle. Walang suot na damit pero may suot sa pang-ibaba.
"I-Ikaw ba ang tagapagbukas ng portal ng underworld?," tanong ni Jace.
"Tama. Ako nga. At kayo ang mga Elemental Guardians," hindi yun tanong kundi isang statement pero tumango pa rin kami.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...