[Aki's POV]
Isinandal ko ang noo ko sa pintuan nang makapasok ako sa kwarto ko. Wala ako sa sariling napabuntong hininga. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Kanina wala akong ibang ginawa kundi iwasang magkatinginan kami ni Aries. Buti nga hindi siya nakahalata. Pero hindi naman pwedeng palagi ko na lang siyang iiwasan ng ganun diba?
Kalma, masyado lang akong nag-iisip.
Para mawala sa utak ko si Aries ay naisipan kong kausapin si King Orsolus. Oo, kaya ko siyang kausapin. Nang mamatay siya ay napunta ang kaluluwa niya sa Orsolus' Book. Ang kailangan ko lang gawin ay pumunta sa loob ng libro.
" Deschide-mi lumea lui"
Lumutang ang libro at umilaw kami pareho. Unti-unting hinigop ang katawan ko papasok sa loob ng libro.
"Aki? Anong kailangan mo?," tanong agad ni King Orsolus nang makarating ako sa loob. Siya lang ang nakikita ko at ang katawan ko dahil ang buong paligid ay madilim at umiilaw ang pareho naming katawan.
"Hello din King Orsolus!," sarkastikong sabi ko.
Inikutan niya lang ako ng mata. Kahit kailan talaga, napakasungit ng hari na'to. Nang unang beses akong makapasok dito sa libro, sobrang hirap. Yung nangyari sa akin nung isang araw, kabaliktaran ng nangyari sa akin dito. Hinihigop ang lakas ko.
"Ano ngang kailangan mo, Aki? Kung tungkol kay Prince Cairo, isa lang lang ang masasabi ko ngayon, ikaw lang ang makapagsasabi kung natagpuan mo na ba siya o hindi pa," napatigil ako sa paglapit sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin King Orsolus? Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin kung nasaan siya? Kung buhay pa ba siya?," reklamo ko.
Napahawak ako sa noo kong nang biglang nasa harapan ko na siya at pinalo ang noo ko.
"Nakakatuwa kang paglaruan pero hindi ako makikialam sa nangyayari sa Magic Realm ngayon. Ang kaya ko lang gawin ay ibigay sa'yo ang mga nalalaman ko sa mga spells gamit ang aking libro," sabi niya na ikinasimangot ko.
"Bakit hindi pwede King Orsolus? Napakagulo na ng ating mundo," sabi ko sa kaniya.
"Aki makinig ka, kung makikialam ako, ano pang silbi ng kaming libro, ang mga Elemental Spirits kung hindi niyo ito gagamitin para sa kapayapaan?," tanong niya naman pabalik.
"Pero hindi naman pwedeng habang buhay na lang na idadaan sa patayan ang lahat"
"Kung tatanungin kita ngayon Aki, ano ang gusto mong mangyari?"
"Gusto kong malaman kung bakit nagkaroon ng diavol at kung saan sila kumukuha ng mga kapangyarihan. Gusto kong malaman kung bakit nila ito ginagawa," sagot ko.
"Sige pagbibigyan kita ngayon. Sasabihin ko kung paano nagsimula ang pagkabuhay ng mga diavol. Ang mga diavol ay mga dating Elemental Users-"
"Teka lang King Orsolus, dating mga Elemental Users?," tumango siya bilang sagot.
"Sila ay mga Elemental Users na hindi nabiyayaan ng malakas na elemento kaya hindi sila nakakapasok sa Elemental Academy. Sa sobrang inggit nila ay mas pinili nilang talikuran ang kanilang resposibilalidad bilang mamamayan ng Magic Realm. Tumigil silang maniwala sa mga Gods and Goddesses at mas pinili nilang sambahin ang mga demonyo," paliwanag niya.
"Ibig sabihin inggit ang simula ng gulo," sabi ko.
"Tama ka Aki. Dahil sa labis na inggit nagkagulo ang ating mundo. Tatanungin ulit kita, kung darating ang pagkakataon na makausap silang lahat, anong gagawin mo?"
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantastikSeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...