[Aki's POV]
Papunta na kami ngayon sa Registrar's Office. Sabi ng tatlo, malapit lang mula sa library. Pansin ko sa mga nandito na agaw pansin itong mga kasama ko. Malamang sa malamang, Prinsipe pala itong mga kasama ko ngayon.
Bigla ko tuloy naalala ang mga nababasa ko sa mga libro. Yung may magagalit o maiinggit sa bida kasi kasama niya ang mga prinsipe. Yun mga ganung pangyayari. Nangyayari rin kaya dito?
Umiwas na lang ako sa mga tingin nila sa akin dahil unang-una, hindi ako sanay makipagtitigan sa mga hindi ko kakilala. Ilang minuto lang nang makarating na nga kami sa Registrar's Office. Napanganga ako nang makita ko ang loob nito.
Puting-puti ang kulay. Sa loob nito at may dalawa pang kwarto. Yung isa ay gawa sa salamin at nakikita ang loob nito. Ang nakakapagtataka lang ay wala namang laman ang loob.
Hmm...
At ang isa naman ay gawa sa semento. May isang babae ang lumabas sa pintuan. Maganda siya at sa tingin ko ay nasa mid 20's pa lang ito. Balingkinitan ang katawan. Mahaba ang buhok. Nakasuot ito ng kulay lilang bestida.
"Ms. Willson," sabi nung tatlo kong kasama at bahagyang yumuko.
"Mga Prinsipe. Nagbalik na nga kayo. Anong maipaglilingkod ko?," mahinhin nitong tanong.
"Speaking of, ito nga pala. May kasama kami. Galing sa Mortal Realm," sagot ni Xander. Napatingin siya sa akin. Nawala ang ngiti niya at biglang sumeryoso ang tingin. Napakunot ang kaniyang noo.
"Something's wrong. Anong pangalan mo?," tanong niya nang makalapit ito sa akin.
"A-Aki po. Aki Hernandez," sagot ko.
"Paano ka napunta sa Mortal Realm?," Tanong niya ulit.
"Hindi ko po alam dahil doon ako lumaki. Hindi ko rin po kilala ang tunay kong mga magulang," sagot ko naman ulit.
Biglang lumungkot ang expression nito.
"There is something inside you na hindi ko mawari kung ano. I can't tell if it is dangerous. Basta huwag mong hahayaan na kontrolin ka ng emosyon mo. Naiintindihan mo ba?," agad akong napatango sa sinabi niya. Alam ko ang tinutukoy niya. Napangiti ako ng mapait.
"Anyway, alam ko na ang sadya niyo dito. Pasok ka na sa Detection Room," sabi niya sa akin at itinuro ang kwartong gawa sa salamin. Binuksan niya iyon tsaka pumasok ako.
"Naririnig mo ba ako Aki?," rinig kong tanong ni Ms. Willson.
"Opo Ms. Willson," sagot ko kahit hindi ko alam kung narinig niya ba yung sagot ko.
"Mabuti kung ganun. Ganito ang gagawin mo. Gamitin mo ang kapangyarihan mo. Dito natin mamalaman kung saang House Team ka. Ready?," tumango ako bilang sagot. Kinakabahan ako sa totoo lang. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili.
Mula sa iba't ibang parte ng kwarto ay may lumitaw na mga patalim. Maraming patalim! Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis ang mga itong bumulusok sa direksyon ko.
Kailangan kong protektahan ang sarili ko!
Kusang gumalaw ang mga kamay ko. May umikot na apoy mula sa paanan ko hanggang sa balutin ako nito. Napapikit ako nang may isang espadang tumama sa katawan ko. Kumunot ang noo ko nang wala akong naramdamang sakit kaya agad akong dumilat. Napanganga ako nang makita kong kung paano malusaw ang mga patalim na tumatama na apoy na nasa katawan ko.
Sinubukan konh salutin ang isa at napangiti ako nang makusaw ito. Parang saya naman nito. Natigil lang ako nang may maramdaman akong kakaiba.
Mula sa kaliwa ko ay may parang tubig na nagkorteng bola. Mabilis itong bumulusok sa akin. Akala ko malulusaw din ito gaya ng mga patalim pero napadaing na lang ako nang tumama ito sa katawan ko. Napaatraas pa ako. Nawala ang apoy sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...