[Aki's POV]
Nandito ako ngayon sa garden dito sa amin. Naaalala ko, dito ako madalas maglaro nung bata pa ako. Mag-isa lang ako nun. Pero never ako nakaramdam na nag-iisa ako, para bang may nagbabantay sa akin. Ngayon alam ko na kung sino yun, si Urvine. At ngayon ay hawak na siya ng mga kalaban. Pero at least, nagising na si Aira panigurado.
Nung una ay nagulat sila mama sa ginawa ko pero pinaliwanag ko sa kanila kung bakit ko ginawa yon.
At baka nga, alam na rin nila Aries na wala akong kasalanan. Hindi naman ako galit sa kanila kasi naiintindihan ko. Ang hindi ko lang matanggap ay yung mga masasakit nilang salita at kawalan ng tiwala sa akin.
Bilog na bilog pa rin ang buwan gaya ng dati. Hindi gaanong umuulan ng nyebe dito dahil na rin sa ginawa kong fire barrier.
Napakunot ako ng noo nang parang may ibong papunta sa direksyon ko. Nang nasa harapan ko na ay mas nagtaka ako nang gawa ito sa tubig. Umikot-ikot siya sa akin. Napapikit ako nang makaramdam ako na parang may yumakap sa akin. Unti-unti akong nspadilat nang bigla kong maisip si Aries.
"S-Siya ba ang nagpadala sa'yo?," tanong ko sa ibon. Napatingin ako sa kaniya nang dumapo siya sa braso ko.
"Sorry"
Yon ang huling narinig ko bago siya nawala.
"Prince Aki, pumasok na raw po kayo sa loob ng palasyo dahil kailangan niyo na raw magpahinga," sabi ng isang dama. Tumango ako at sumunod sa kaniya.
Pagkarating namin sa loob ay siya namang pagdating ng isang royal guard.
"May masama akong balita sa'yo Prince Aki," agad akong napatigil sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?," tanong ko.
"Ang kaibigan niyong si Aira, dinukot ni Thalia," nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?," napakuyom ako ng kamao. Sabi ko na nga ba, may hindi pa sila magandang gagawin. Tuso ka talaga Raphael.
"May nangyari pa bang iba sa Academy?," tanong ko ulit.
"Wala na po," sagot niya.
"Sige pwede ka nang umalis. Sabihin mo sa punong kawal na pasikretong magpadala sa Academy at magbantay sa lahat ng mga labasan. Lahat ng mga kaduda-duda, bantayan rin," utos ko. Tumango siya at yumuko bago umalis.
Napabuntong-hininga ako. Kakatapos lang ng problema pero meron na naman. Nakapawalang hiya talaga. Ano na namang binabalak ng matandang yon?
"P-Prince Aki, okay lang po ba kayo? Sana ay huwag niyong mamasamain," sabi ng dama na kasama ko. Ngumiti ako sa kaniya para iparating na okay lang sa akin.
"Hindi ko nga alam kung okay ako e. Ang daming problema. Hindi matapos-tapos," sabi ko pa sa kaniya.
"Magtiwala lang po kayo sa plano ng nga diyos at diyosa. Alam ko namang magiging ayos ang lahat," sabi niya.
"Salamat po," ngumiti siya sa amin bago yumuko at nagpaalam na umalis.
Ngayon ay kailangan ulit ng bagong plano.
••••••••••••••••••••••••••••••
[Xander's POV]
Hindi kami mapakali. Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Nandito na rin ang mga magulang ni Aira.
"I'm sorry po Tita, Tito. Hindi ko man lang naprotektahan si Aira," paghingi ng paumanhin ni Aries sa kanila. Hindi siya pinansin ni Tita Maggie, ang mama ni Aira habang tinapik lang siya ni Tito Jacob sa balikat, ang papa niya.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...