[Aki's POV]
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Babe si Aki oh! Hi Aki!," wala na, nasa harapan ko na silang dalawa.
"H-Hello po Princess Aira," bati ko pabalik.
"Oh at sino tong kasama mo? Kapatid mo?," tanong niya nang mapunta kay Gab ang atensyon. Ngumiti si Gab sa kaniya at kumaway.
"Hi po. I'm Gab and he's my papa," pagpapakilala niya at itinuro pa ako.
"Huh? Anak mo? Teka parang ang bata mo pa parang isang ama"
"Mahabang kwento po e," maikiling sabi ko.
"Okay okay. I respect thst kung ayaw mong sabihin. Anyway, since nandito na lang din kayo, sama kayo sa amin?," pag-aanyaya pa niya.
"Aira. Hindi mo naman sila kailangang imbitahin," agad akong umiwas ng tingin nang sabihin ni Aries yun. Oo nga naman, hindi naman niya kailangang imbitahin kami.
"Ano ka ba naman? Ang sama mo. For your information, hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanila ni Jam sa pagsama sa inyo at pagsundo sa akin," sabi naman ni Princess Aira kay Aries.
"Ah Princess Aira, huwag na po. Tama po si Prince Aries. At isa pa po, date rin namin itong mag-ama. Sige po Princess Aira, Prince Aries, aalis na po kami," sabi ko sa kanilang dalawa bago bahagyang yumuko. Binuhat ko na si Gab para mas mabilis kaming makalayo sa kanila.
"Uhm papa"
"Hmm?"
"Hindi ko po alam na nandito sila Tito. Uwi na lang po tayo," napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.
"It's okay Gab. Nandito na tayo kaya ituloy na natin. Huwag mong intindihin si papa, okay,"dahan-dahan siyang tumango at niyakap ako.
"I love you papa," bulong pa niya.
"Papa loves you more. So saan mo gusto unang pumunta?," tanong ko sa kaniya.
"Uhm, I want to watch a movie papa," sabi niya.
"Sige. Anong gusto mong panoorin?," tanong ko. Bahagya siyang nag-isip. May sinehan din kasi dito na galing pa sa Mortal Realm ang mga movies.
"Cartoons papa," sagot niya.
"Sige. Tignan natin kung may palabas silang cartoon," sabi ko sa kaniya.
Nang makapili kami ng papanoorin at bumili muna ako ng kakainin namin habang nanonood. Hindi lang bata ang mga nandito. Mayroon din na sa tingin ko ay mga couples.
Wala sa pinapanood namin ang atensyon ko. Kundi sa dalawang lalaking nasa harapan namin. Kitang-kita ko ang kamay nilang magkahawak ang kamay. Kahit ko sila kilala ay ramdam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Umiling ako at bumuntong hininga. Tumingin na lang ulit ako sa pinapanood namin.
Higit isang oras bago matapos ang movie. At ngayon ay pupunta kami sa isang fast food para kumain. Pagpasok namin ay agad kaming dumiretso sa counter para umorder.
"Pili ka na ng gusto mo 'nak," sabi ko kay Gab. Agad naman niuang sinabi ang gusto niyang kainin at ganun ako.
"Sige po sir, kami na lang po ang bahalang maghatid ng order niyo sa table niyo," sabi ng babae. Ngumiti ako at tumango.
"Aki!," napalingon ako sa tumawag sa akin - si Princess Aira. Bakit sila nandito? I mean- ugh ang galing! Iniiwasan na nga e. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana.
"Dito na lang kayo para may kasama kami at ganun din kayo," sabi pa niya. Dahil nahihiya naman akong tanggihan siya ay pumayag na lang ako. Ilang minuto bago dumating ang order namin.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...