Chapter 60

2.5K 194 11
                                    

[Xander's POV]

Pagkagising ko ay agad akong pumuntang banyo para makapagbihis. Kailangan naming sabihin ang napag-usapan namin nila Aki sa panaginip. Well except sa part na siya si Prince Cairo. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Wala duda kung bakit ganun na lang siya kalakas. Isa pala talaga siyang Royalty. Akala ko lang dati baka kabilang siya sa angkan ng mga magagaling na mandirigma ng Fire Kingdom.

Siguradong magugulat talaga ang lahat kapag malaman nila ang totoo. Siguradong mas lalong magsisisi sina Jace at Aries. Napangisi ako. Siguradong matatawa ako sa magiging reaction nila. Excited na akong makita.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako para makapag-almusal. Sakto namang dumating din sina Aries at Jace.

"Good morning!," Bati ko sa kanila. Kumunot ang noo nila nang mapansin nilang masaya ako.

"Ang saya mo ata? Bakit kayo na ni Jam?," tanong ni Jace.

"Sana nga nangyari talaga yan pero hindi e,", sabi ko. Tagal naman niya kasi skong sagutin hahahahaha. Huwag na alamin kung paano, basta nagkagusto ako sa kaniya na hindi ko namamalayan.

"Nagdate kayo kagabi?," tanong naman ni Aries. Umiling ulit ako.

"Actually gusto ko ngang magdate kami kahapon kaso mas importante yung kay Aira kaya hindi kami nagdate," sagot ko.

"Eh ano nang nangyari? Pinakilala ka na niya sa mga magulang niya?," tanong naman ni Aries na gaya kanina ay umiling lang ako. Pareho silang mapaikot ng mata. Ngumiti ako sa kanila ng pagkalaki-laki.

"Let's get to the point Xander. Huwag mo na kaming bitinin," naiinis na sabi ni Jace.

"Nahanap ko na kung nasaan sina Aira," napatigil sila sa paglalakad at mabilis na humarap sa akin

"Hindi ka nagbibiro, diba?," umiling ako bilang sagot sa tanong ni Aries. Nagkatinginan silang dalawa ni Jace at napangiti.

"Magaling. Gagawa ulit tayo ng plano pagkatapos nating kumain," sabi ni Jace.

"Pero paano? Hindi ba sabi mo kahapon hindi mo siya mahanap kaya paano?" - Aries.

"Ako kaya si Xander, Prinsipe ng Earth Kingdom kaya hindi pwedeng hindi ko siya mahanap," pagmamayabang ko kahit alam kong si Aki naman talaga ang tumulong sa akin para mahanap siya.

Pagkatapos naming kumain ay hinihintay na lang namin si Jam. Excuse kami sa lahat ng klase dahil sa isang mission. Yun ay ang iligtas si Aira. Kasama na si Jam sa amin sa mission. Malaki rin ang maitutulong niya dahil sa kwintas na nasa kaniya.

Ilang minuto lang nang dumating na si Jam.

"Hi! Pasensiya na ngayon lang ako. Marami pa kasing binilin si Mentor Alexus," sabi niya.

"Okay lang 'yon," sabi ko naman.

"So, ang plano natin ay mamayang gabi tayo pupunta. Kung sasakay tayo sa nga griffin natin, aabutin tayo ng anim na oras. Pero kung gagamitin natin tong mga cloak na'to, magiging tatlong oras lang ang lalakbayin natin," panimula ni Jam bago nilabas ang mga cloak na sinasabi niya. Galing din ito kay Aki. Gawa mismo sa Fire Kingdom ang mga cloak na'yon.

"Ang mga cloak na ito ay kayang labanan ang lamig na galing sa mga nyebe. Kapag nasuot na natin 'to, hindi na tayo maaapektuhan sa malakas na hangin gawa ng nyebe," paliwanag pa niya. Kinuha namin ang cloak na para sa amin. May nakalagay naman na pangalan namin kaya madali lang namin nakuha kung alin dun ang para sa amin.

"Teka saan mo ito nakuha?," kunwaring tanong ko para hindi halatang alam ko rin.

"Tsaka ko na ipapaliwanag kung nasaan nanggaling. Ang mahalaga ngayon ay makagawa ng effective na plano," sagot naman niya. Tumayo ako at ikinumpas ko ang kamay ko. Mula sa harapan namin, lumitaw ang mapa kung nasaan ang mga kalaban.

The Seventh Generation (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon