Chapter 38

2.3K 181 5
                                    

[Aki's POV]

Walang nagsasalita sa amin habang pauwi na kami sa Academy. Pagkatapos niya kasing na halikan ako, sinabi ko na umuwi na kami.  Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin ko. Mali yung nangyari pero masaya ako. Hindi ko mapigilan yung saya na nararamdaman ko pero hindi rin maalis sa isip ko na mali na nangyari 'yon. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang pagkabog ng dibdib ko.

Hindi ko siya tinanong kung bakit niya ginawa 'yon dahil natatakot ako sa maging sagot niya. Nang makarating kami sa bahay ay pinigilan muna niya akong pumasok.

"Aki"

"B-Bakit? Gabi na, umuwi ka na rin," sabi ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim bago ako binitawan.

"Sige. Goodnight. Bukas susunduin kita para sabay tayong pupunta sa Campus," sabi niya.

Tumango ako. "Goodnight"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pumasok na sa loob. Nakita ko si kuya Javier sa sala habang may binabasang libro.

"Oh Aki, saan ka galing?," takang tanong niya.

"Sa Water Kingdom kuya," sagot ko sa kaniya.

"Anong ginawa mo 'dun?"

"Namasyal lang kuya. Sige kuya, aakyat na ako," paalam ko sa kaniya.

"Sige"

"Goodnight"

"Goodnight"

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nakita ko si Gab na natutulog sa kama ko. Yakap yakap pa niya ang isang unan na mas malaki sa kaniya.

Tinanggal ko ang long sleeve ko para magpalit. At nang mapatapos yun ay humiga ako sa kama paharap kay Gab. Napangiti ako habang nakatitig sa kaniya. Ang cute niya talaga. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang dumating sa buhay ko. Kung bakit ako ang kinikilala niyang papa. Siguro nga may rason ang mga nangyayari gaya ng sabi ni Aries kanina.

Napasimangot ako nang maalala ko ulit ang nangyari kanina. Pumikit ako pero mukha pa rin niya ang nakikita ko. Hindi na naman ako makakatulog nito ng maayos.

••••••••••••••••••••••••••••

"Papa! Mama! Tulungan niyo ako," nakarinig ako boses ng isang bata. Sigurado akong boses yun ng batang si Prince Cairo. Wala akong makita dahil madilim ang paligid. Tanging pag-iyak ni Prince Cairo ang naririnig.

Nasa panaginip na naman ako.

"Papa, ayoko na rito. Tulungan niyo ako," habang naririnig ko ang paghingi niya ng tulong at paghikbi ay hindi ko rin maiiwasang makaramdam ng sakit.

"Prince Cairo, nasaan ka? Tutulungan kita!," sigaw ko sa kawalan. Napatigil siya sa pag-iyak. Napatakip ako sa mukha nang biglang nagkaroon ng liwanag sa harapan ko. Nang nawala ito ay nakikita ko na ang paligid. Nasa loob kami ng isang palasyo- ang Fire Kingdom.

"Tutulungan mo ako?,"  Napaligon ako sa nagtanong. Gaya ng dati ay hindi ko siya masyadong makita dahil malabo. Hanggang unti unting luminaw na ikinakunot ng noo ko. Hanggang sa nakikita ko na siya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

"Tutulungan mo ako?," Tanong niya ulit. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Papa!," bigla akong nagising sa lakas ng boses ni Gab. Halata ang pag-aalala sa mukha niya at papaiyak. Nang magmulat ako ay agad niya akong niyakap.

The Seventh Generation (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon