[Aki's POV]
"Hoy kanina ka pa tulala diyan," napatingin ako kaagad kay Jam nang tapikin niya ako.
"May iniisip lang," simpleng sagot ko.
"Share mo naman," sabi niya bago umupo sa harapan ko. Andito kami ngayon sa cafeteria.
"Hindi naman mahalaga 'yon. Pero maay gusto akong malaman. Ano nga ulit yung sinabi ni Xander kahapon? Hindi ko kasi masyadong narinig," tanong ko para mawala sa akin ang iniisip niya.
"Ah yon nga. Wala na si Merlly," natigilan ako ako sa pagnguya.
"May naglagay ng lason sa binigay na pagkain niya. Sabi sa imbestigasyon, may kumontrol sa royal guard na nagdala ng pagkain niya," napakuyom ako ng kamao. Siguradong mga diavol ang may gawa nun.
"Namumuro na talaga ang mga kalaban. Ang dami na nilang nagawang kasalanan. Kapag magpapatuloy ang ganito, siguradong mas maglalakas loob silang manggulo," sabi ko.
"Tama ka. Nag-aalala na nga ako e. Hindi naman ganito kagulo dati. Ngayon lumalakas na ang mga kalaban, kumakapal na ang mga mukha nila"- Jam.
"At sana lang ay matagpuan na ang tagapangalaga ng fire spirit. Siya na lang talaga ang pag-asa para matigil ang panggugulo nila dito. Pero wala na ang mga fire users kaya minsan nawawalan na ako ng pag-asang matagpuan siya," hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil naguguluhan pa ako. Ilang minuto kaming tumambay sa cafeteria bago bumalik sa classroom.
Pag-uwi ko ay agad akong napahiga.
"Sino ba talaga ako?," tanong ko sa sarili ko.
"Ikaw ang tagapangalaga ko," bigla akong napabangon at napalingon sa nagsabi nun sa akin.
"I-ikaw na naman? Paano ako nakapasok dito?," tanong ko sa kaniya. Naglakad siya papalapit sa akin kaya tumayo ako at lumayo.
"Huwag kang lalapit kung ayaw mong maging abo," natawa siya ng mahina sa sinabi ko.
"Sa tingin mo ay maapektuhan ako sa elementong taglay ko rin? Iisa ang ating elemento at pinanggalingan nito, Aki," paliwanag pa niya.
"Sino ka ba talaga at saan ka nanggaling?," tanong ko sa kaniya.
"Ako si Urvine at saan ako nanggaling? Sa nga diyos at diyosa," sagot niya at ngumiti pa sa akin.
"So sinasabi mong ikaw ang fire spirit at ako ang iyong tagapangalaga? Pero paano nangyari yon? Akala ko ba si Prince Cairo ang tagapanga-," hindi ko natapos ang sinasabi ko nang maalala ko ang itsura ni Price Cairo nang makita ko siya sa panaginip ko. Agad akong napailing.
"Baka nagkakamali ka lang. Hindi ako ang tagapangalaga at hindi ako si Prince Cairo," giit ko.
"Sa tingin mo ay nagkakamali ang pinapakita sa'yo ng panaginip mo? Alam mo ba kung bakit nakokontrol mo ang iyong panaginip? Dahil iyon ang ipinagkaloob kong abilidad sa'yo. Sa pamamagitan ng panaginip, kaya mong kontrolin ang kahit na sino gamit ang panaginip at kaya mong makita ang nakaraan mo," Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.
"Pero paano nangyari yon? Sa pagkakaalam ko, dito sa Magic Realm lumaki si Prince Cairo at sa Mortal Realm naman ako lumaki. Kaya imposibleng mangyari ang sinasabi mo. Ot doesn't make sense. Baka magkamukha lang kami," sabi ko sa kaniya. Napaupo ulit ako sa kama.
"Baka nagkakamali ka lang. Imposibleng ako ang tagapangalaga ng fire spirit at si Prince Cairo,", dagdag ko pa.
"Bakit hindi mo alamin ngayon?," tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasíaSeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...