Chapter 39

1.5K 88 0
                                    

Dark, empty, wala ni isang gamit o puno akong nakikita. I want to move my feet, my hands or neither my whole body, and I wanted to shout but nothing in my mouth came out. Para bang may pumipigil sakin. Yong parang may como-control sakin na hindi ko nakikita.

I was just standing, and waited for something. Kahit boses lang ng mga tao gusto kung marinig, and later came on it did. Unti-unti na akong nakakarinig ng mga boses ng mga tao na parang may pag-aalala at kunting takot.

'AHHHHHHHHH!'

'Nako, anong nangyari jan?'

'Kawawa naman, mukang studyante pa'

'Bakit daw namatay?'

'Nahulog ata sa building nato o tumalon siguro'

'Grabi tsk tsk'

Halo-halong boses ang naririnig ko, may babae, lalaki, o kahit bata na sumisigaw sa takot. Gusto ko silang makita, gusto kung malaman kung anong nangyayari. Bakit sila takot? Bakit sila nag-aalala? Hindi ko maintindihan, wala akong naiintindihan. At wala parin akong nakikita kundi dilim. Ano ba talagang nangyayari?

Ahhhh!

Napasigaw ako ng biglang bumulaga sa harap ko ang isang liwanag. Unti-unti itong lumalaki hanggang sa unti-unti ko ng nakikita ang mga tao na kanina lang ay tanging boses lang nila ang naririnig ko. May bata, matanda, pulis, at ambulancia sa harapan ko. Lahat sila, nakatingin lang sa isang direction, at iyon ang hindi ko makita dahil sa nakaharang ang iilan sa mga tao sa isang pwesto.

Nacu-curious ako. Gusto ko rin makita ang nakikita nila. Napatingin ako sa paa ko, hindi ko ito maigalaw, hindi ako makahakbang para lumakad papalapit.

'Tabi! Magsitabi kayo!'

Napaangat ang tingin ko ng marinig iyon sa isang nurse. May hila-ila itong medical bed, at sa medical bed na iyon, may tao.

Hindi ko matukoy kung sino ito. Nakatabon ito ng puting tela at puro dugo. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit bigla naman yatang tumibok yong puso ko ng malakas? Tibok na nakakasakit, kumikirot at hindi ako masiyadong makahinga habang tinitignan ang taong karga nila. Pakiramdam ko, connectado sakin ang taong iyon.

Hinintay ko silang makapasok sa ambulance, hindi ko sila tinantanan ng tingin, pero bago pa nila maiangat ang medical bed, bigla nalang humangin at dahil don, nalipad ang telang puti at nakita ko kung sino ang taong nakahiga sa medical bed. Dahil din don, nagawa kung maigalaw ang paa ko sa pag-atras dahil sa gulat.

Napatakip nalang ako ng bibig. Nag-iinit nalang din bigla ang talukap ng aking mga mata, naiiyak ako, nagdadalamhati, at nasasaktan.

Nabigo ba ako?

'Zack!'

Gusto kung sumigaw, gusto kung isigaw yon habang papalapit ako sa pwesto nila.

'Mali to! Hindi ito siya! Imposible!'

'Isa itong masamang panaginip.'

'Gusto ko na magising!'

"Zack" napa upo ako at nangilid bigla ang luha ko. Tama nga ako isang panaginip. Isang masamang panaginip.

"Bella!" napatingin ako sa bedside ko. Agad ako nitong niyakap ng mahigpit."Jusko kanaman, pinag-alala mo ako. Pinag-alala mo kami." para siyang naiiyak.

Dahil sa iyak niya, bigla nalang din akong napahagulohol."N-Nicka" niyakap ko siya pabalik at umiyak ng umiyak. Halata sa mukha niyang naguguluhan siya, pero hindi din naman siya nagbalak na magtanong.

Fall Inlove with Mr.BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon